Faces Of Sorrow
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
Bahagyang napapitlag ang dalagang si Blare, sa kadahilanang tumama sa kaniyang mukha ang nakakasilaw na sikat ng araw. Dali-dali siyang napatingin sa wristwatch na suot niya, at nalamang alas-siyete na ng umaga. Agad rin niyang napansin si Zerine. Nasa tabi niya ito, habang mahimbing pa ding natutulog sa sahig.
"S-Shit..." Napahawak sa kaniyang ulo si Blare, kasabay ng mahina niyang pagmumura. Unti-unting bumalik sa isipan niya ang malagim na nangyari, kung kaya't muling nag-unahan sa pagtulo ang kaniyang mga luha.
Natandaan niya na sinubukan pa nilang umalis sa rooftop ngunit madali rin silang nabigo dahil sinaraduhan pala iyon ng salarin, kaya dala ng kapaguran ay napilitan na lamang silang manatili sa isang sulok ng lugar kahit sobrang sama na ng panahon. Labis ang sakit na kanilang nararamdaman kaya hindi nila namalayan na sila pala'y nakatulog na doon.
"U-Umaga n-na?" Mabilis namang napabalik sa reyalidad si Blare, matapos bumangon ng namumutla pa ding si Zerine.
"Oo..." Wala sa sariling pagtugon ni Blare, bago siya tuluyang napatulala.
Maraming gumugulo sa dalaga, idagdag mo pa ang pighati at pag-aalala sa kaniyang mga kaibigan. Tila ba gusto na niyang sumuko sa puntong ito, ngunit hindi niya rin maiwasang maisip ang pamilya niyang naghihintay sa kaniya.
Habang paulit-ulit na inaatake ng mga katanungan si Blare ay bigla niya na lang naramdaman ang pagyakap sa kaniya ni Zerine, na siyang naging dahilan ng mariin niyang paghikbi.
*****
"Wasakin niyo na para bumukas" Agad na napabalikwas mula sa pagkakahiga sila Dave at Trevor, matapos nilang makarinig ng mga maskuladong boses. Dala ng pinaghalong pagkataranta at takot ay mabilis na nagkatinginan ang dalawa, kasabay ng kanilang pagtayo.
Hindi nila malaman ang dapat na gawin kaya dali-dali silang nagsumiksik sa isang sulok ng mini chapel.
"Tingnan niyong mabuti ang buong lugar!" Ilang sandali pa ang nakalipas, bago sila muling nakarinig ng isang maotoridad na boses. Tila ba may nagkakagulo sa loob ng mansion, kung kaya't lalong ginapangan ng kaba ang dalawang binata.
"Ahhhhhhhh!" Sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang nawasak ang pinto ng mini chapel, dahilan para sabay na mapasigaw sila Dave at Trevor.
"Shit, shit, shit! Katapusan na nating dalawa---Ha?" Agad namang naputol ang dapat na sasabihin ni Dave, sa kadahilanang natanaw niya ang tatlong pulis na pare-parehong nakatayo sa tapat ng pintong nasira.
"Dito! May mga tao dito!" Sigaw ng pulis na nasa gitna kaya mabilis na nagsidating ang iba pa nitong mga kasamahan.
Kahit labis na naguguluhan ay tila ba bahagya ng nakahinga ng maluwag sila Dave at Trevor, dahil na rin sa biglaang pagresponde ng mga pulis. Pakiramdam nila'y ligtas na sila sa mga oras na ito, lalo na't may mga dumating na upang makatulong sa kanila.
*****
"May nakapag-report sa'min kagabi. Ang sabi nung tatlong lalaki ay aksidente daw silang napadaan dito sa tapat ng mansion, para mag-shortcut pauwi kasi bigla silang inabutan ng malakas na ulan. Ang kaso, noong oras na 'yon ay may narinig daw sila na humihingi ng tulong kaya't inilawan agad nila 'tong mansion. Pagkatapos niyon ay nagulat daw sila dahil puro dugo yung mga taong kumakaway sa kanilang tatlo. Kaya ayon, napadiretso sila sa presinto. Hindi kami nakapunta kagabi kasi sobrang sama ng panahon. Nagkaroon pa ng flashflood malapit sa lugar na 'to kaya naharangan yung daan. Sinubukan naming rumesponde pero hindi talaga kinaya. Ngayon lang kami nakagawa ng paraan para makadaan at makapunta dito kaya naman pasensiya na talaga" Nanlulumong paliwanag ng pulis na pinakamataas ang ranggo, kung kaya't hindi maiwasang makaramdam ng labis na pagkairita si Dave.
BINABASA MO ANG
A Letter From Death
Mystery / ThrillerDeath never takes a wise man by surprise, he is always ready to go.