Daniela's POV
"Saan tayo ngayon?" Rinig kong sabi ni Ken. Nagmamadali na ito.
"Sa Trinoma daw, anong oras ba yung blockscreening?" Tanong ko sa kanya habang patuloy akong nag aayos ng sarili.
Late na kami sa blockscreening na inayos ng mga fans namin.
"Rita, ang kalat mo sa kotse ko!!!" Sigaw nya sakin.
"Teka lang ha! hindi ko naman kasi sinabing isabay mo ko tapos ngayong nag aayos ako dito nag iinarte ka!"
Kinuha naman nya ang isang kamay ko tsaka ito hinalikan.
"Sorry. Alangan namang mag tig-isa pa tayo ng kotse." Nakangiting sabi nya.
Pagdating namin sa mall ay sumalubong samin ang mga presidente ng mga fansclub namin. Nakakatuwa na hanggang ngayon ay sinusuportahan pa rin nila kami.
"Kapatid, kanina pa kayo iniintay. Hahahaha." Sabi ni Ghelay kay Ken habang naglalakad kami papasok.
"Eto kasing si Rita eh. Sa kotse ko pa nag ayos." napakamot naman sya sa ulo nya.
Pagpasok namin ng mall ay maraming tao ang tumatawag samin. Patuloy naman kaming kumakaway ni Ken at nginingitian ang mga ito.
Nang makarating na kami kung san manonood ay mas lalong umingay. Sama sama kasi rito ang Kendys, Favoritas at ang buong RitKen fandom.
Nagsimula na kaming manood.
Halo halong saya at lungkot ang naramdaman namin ni Ken sa movie namin. Tungkol kasi ito sa kwento ng isang lalaki na may taning na sa buhay at kung kailan nawawalan na sya ng pag asa ay dumating ang babaeng di nya aakalaing mamahalin nya ng lubusan.
A/N: Ken Chan AU
Sinulat lang ito ng isa sa mga fans namin nung nag uumpisa pa lang kami. Nagustuhan ito ng management kaya ginawa itong movie. Hindi naman pumayag ang author na iba ang gaganap kaya sa amin pa din ni Ken ibinigay ang project na ito.
Natapos namin ang movie na mugto ang mga mata. Sari saring feedbacks ang nakuha namin sa mga fans namin.
"Akala ko talaga namatay na si Ken eh."
"Ang cute no? May Little Steven Daniel"
"Sobrang ganda, huhuhu. Galing ng parentals."
"Buhay na buhay pa rin talaga ang chemistry ng RitKen"Iilan lamang yan sa mga naririnig ko galing sa fans.
"Hon, ok ka lang?" tanong sakin ni Ken.
"Oo, medyo nadala lang ako sa movie. Ang galing mo dun." sagot ko.
"Magaling ako kasi nandun ka. Kung hindi ikaw ang kasama ko dun, hindi naman yun lalabas na maganda." sabay kindat.
"Ken, alam mo di kana nagbago. Napaka harot mo pa rin."
Hanggang ngayon talaga napakaharot pa rin nitong si Ken.
Tumayo naman na si Ken at humarap sa mga fans na kasama namin.
"Maraming maraming salamat sa mga nakasama namin sa panonood ngayon. Maraming salamat sa walang sawang suporta nyo sa amin ni Rita hanggang ngayon."
"Sinamahan nyo kami mula umpisa ng journey namin at hanggang ngayon ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyo." sabi ko naman.
"Kita kita tayo mamaya ha. Sama sama tayong mag ce-celebrate. Kasama namin kayong ipagdidiwang ang success ng movie na ito." Dagdag pa ni Ken.
"Mr and Mrs Chan, mauuna na po tayo sa events place." singit naman ni Ghelay. President ng fansclub ni Ken.