SD: Our Home

1K 39 16
                                    

Bumaba si Rita para kumuha ulit ng yelo. Nilabhan nya ang bimpo tsaka umakyat ulit sa taas.

Pinunasan nya si Ken. Naramdaman naman ito ni Ken.

"Rita?" Kinuha ni Ken ang kamay nya tsaka ito hinalikan. May mga luhang dumadaloy sa mga mata ni Ken.

Mataas pa rin ang lagnat ni Ken. Iniwanan nya ng bimpo sa noo si Ken.

Bumalik sya sa kwarto nya. Nilinis nya ang kwarto yon. Winalisan at minop nya ito. Nilagyan ng bedsheet ang kama at pinalitan ang mga punda ng unan. Binuksan ang air humidifier at in-on ang aircon.

Pawis na pawis syang bumalik sa kwarto ni Ken.

Napakagulo ng kwarto ni Ken. Parang ilang buwan hindi nalinis. Natigilan sya ng mapatingin sya sa malaking frame na nasa kwarto ni Ken.

It was their wedding picture.

Naluha naman si Rita. Wala na syang pake kung ano man ang nagawa ng asawa. Sa pagkakataong ito, mas pipiliin nyang magpatawad at magmahal.

Kumuha sya ng damit sa cabinet ni Ken. Ibinangon nya si Ken tsaka pinunasan ang buong katawan. Pinalitan nya na din ito ng damit.

"Ken, bangon ka. Dun ka sa kwarto ko."

"Hon?" bulong ni Ken.

Tinulungan ni Rita si Ken bumangon. Mahina talaga ang katawan nito. 

Dahan dahan silang lumipat ng kwarto.

Ihiniga naman ni Rita ang asawa sa kama nya. Medyo bumaba na ang lagnat nito.

"Hon?" bulong ni Ken.

Kinumutan naman sya ni Rita.

"Matulog ka lang. Magluluto lang ako." tsaka nya ito hinalikan sa noo.

Bumaba na si Rita para mag asikaso ng pagkain ni Ken. Habang nagluluto sya ay naglilinis na din ng sala. Akala nya ay hindi na sya makakabalik sa bahay na to, pero eto sya ngayon. Nililinis ang bahay nila.

Nang matapos ay umakyat na din sya. May dala dala syang mainit na kanin at mainit na sopas.

"Ken?" tawag nya sa asawa nya.

Tinapik naman nya si Ken.

"Kain kana muna." nakangiting sabi ni Rita. Bumangon naman si Ken at umupo.

Nakatingin lang si Ken kay Rita habang hinihipan nito ang mainit na sopas.

Ngumanga naman sya ng itapat na ni Rita ang kutsara sa bibig nya.

Nananatiling nakatitig lang si Ken sa asawa nya.

"Pagod kana?"

"Hindi" nakangiting sabi ni Rita.

"Pawis na pawis kana oh."

"Aba, ang arte mo ha. Mamaya maliligo ako."

"Hon?" tawag ni Ken.

"Kumain kana muna. Napakadaldal mo."

Nag focus naman na si Rita sa pagpapakain sa asawa nya. Pagkatapos nyang pakainin ito ay pinabalik nya na muna sa pagpapahinga.

Bumaba na sya para linisin ang kusina. Pagkatapos nya ay umakyat sya kay Ken.

Kinapa nya ang ulo nito, at bumaba na nga ang lagnat ni Ken.

"Ken?" bulong nya rito.

Nagising naman si Ken at humarap kay Rita.

"Kaya mo na?"

Steven and DanielaWhere stories live. Discover now