Pagdating ni Rita sa bahay nila ay uminom muna sya ng tubig. Tinawagan nya si Mika pagkatapos.
"Nasa bahay nako? Asan kana?"
"Sige, puntahan na kita."
"Salamat." At ibinaba na ni Rita ang phone.
Umakyat sya sa kwarto nya para ayusin na ang mga gamit nya. Kahit anong ayos pala ang gawin nya sa bahay na iyon ay hindi na maibabalik ang masaya nitong ambiance katulad ng dati. Takluban nya man ng bagong wallpaper ang pader nito, nananatiling may lamat pa rin sa likod nito.
Pinipigilan nyang umiyak habang nag aayos ng gamit nya. Pakiramdam nya ay wala din namang sense kung iiyak pa sya.
"Bakit ko pa kasi sya isinama sa Zambales, ok na ko eh." bulong nya sa sarili.
Maya maya pa ay dumating na ang kaibigan nyang si Mika.
Narinig nya itong pumasok sa kwarto nya.
"Bes, kukuha ko ng condo sa inyo, meron pa ba?"
Sabi nya ng hindi lumilingon kay Mika."Rita..." narinig nyang sabi ni Mika.
Wala na. Umiyak na sya. Tumakbo sya papunta kay Mika. Iyak na sya ng iyak.
"Sige lang, iiyak mo lang. Mukang matagal mong pinigil yan eh." sabi nya habang hinahaplos ang likod ng kaibigan.
"Bakit ganun? Hindi na dapat ako nasasaktan eh." patuloy lang sa pag iyak si Rita.
"Nasasaktan ka dahil mahal mo. Mahal mo, kaya nasasaktan ka."
At patuloy lang umiiyak si Rita.
---
Bumaba naman si Mika para ikuha ng tubig si Rita."Bes, sinabi ko na lahat sa kanya. Lahat ng totoo."
Sabi ni Rita kay Mika. Iniabot naman ni Mika sa kanya ang tubig."Anong reaksyon nya? Nagulat ba sya kasi all this time, sya tong gago?"
"Ewan. Wala."
"Sino yung babae?" napatingin naman si Rita ng tanungin sya ni Mika. Mukhang alam na nito na may ibang babaeng involve.
"Almira."
"Of course Almira. Nakakalat sa internet ang picture nila ni Ken. 5months ago, pumunta ng Pilipinas ang babaeng yon. Laking abroad sya. Kaya siguro ang lakas ng loob landiin ang asawa mo dahil hindi nya alam na showbiz si Ken."
"Pano mo nalaman yan?"
"Connections. Baka nakakalimutan mo." At bigla namang sumaludo si Rita sa kaibigan.
"Pulis ka nga pala, sorry"
"Anong plano mo?" tanong naman ni Mika.
"Maghahanap ng abogado. Tulungan mo ko ha, yung hindi maingay sana. Gusto ko ng tahimik na paghihiwalay."
"Gaga, showbiz kayo tapos tahimik."
"Ah basta gusto ko yung tahimik"
Natapos naman na mag ayos ng mga gamit si Rita. Tinulungan na sya ni Mika na ibaba ang mga gamit nya. Nang maayos na sa kotse ang mga gamit nya, muling sumulyap si Rita sa bahay nila ni Ken.
"Nung pinapagawa palang namin to, masaya pa kami. Pinagsama pa namin ang mga savings namin para mas gumanda tong bahay namin. Hindi pa kami magkasundo sa kulay, pero sa huli nagpaubaya pa rin si Ken." bulong nya sa sarili.
"Dito kami nangarap magkaron ng pamilya. Dito kami sabay umiiyak pag parehas kaming stress sa trabaho. Dito kami nag aasaran ng walang humpay. Dito rin kami nag away at maghihiwalay." Tumulo na naman ang mga luha ni Rita. Hinayaan lang sya ni Mika.