Huling araw na namin ni Ken dito sa Zambales. Bukas ng umaga ang flight naming dalawa pabalik sa Manila. Kailangan na namin umuwi dahil pag uusapan pa ang project naming dalawa.
Balik realidad.
"Hon, want to drink some?" Sabi ni Ken habang pinapakita ang wine na hawak nya.
"Bigay ng hotel para sating dalawa daw." Habol nya dahil kita nya sigurong nagtataka ko kung san ito galing.
"May flight tayo bukas, di pwede yan. Baka di tayo makaabot." sabi ko naman.
"Sige, ako nalang. Kaya ko naman kontrolin eh." Ang yabang talaga eh.
Umupo sya sa sahig tsaka binuksan ang wine.
"Bakit nandyan ka?" Tanong ko sa kanya.
"Mas komportable ako dito, mamaya matapunan pa dyan sa kama."
Bumaba naman nako para samahan sya.
"Naalala mo, nung loveteam palang tayo? Pag maglalabasan tayo ng sama ng loob o kaya ay may kailangang pag usapan, ganto ginagawa natin." sabi nya sakin habang nilalagyan ang baso nya.
"Kasi mas nakakapagsabi tayo ng totoo pag nakainom. Lalo ka na." sabay turo sa kanya.
Hinila naman nya ang kamay ko at naging dahilan ito para mahiga ako ng patalikod sa kanya. Nakapulupot ang kamay nya sa bewang ko.
---
"Hoy Ken, sinasabi ko sayo ah!!!" sabi ni Rita sa kanya. Namumula na ito. Kahit si Ken ay namumula na din, napadami na din ang nainom ng dalawa.
"Oh bakit totoo naman ah. Ikaw ang hindi pa ready kaya di tayo magkaanak." natatawang sabi ni Ken.
"Kalokohan mo!!!" Bigla namang umangat si Rita mula sa pagkakahiga kay Ken.
"Siguro kung may anak na tayo, hindi tayo aabot sa ganto." pabulong na sabi ni Ken.
"Tayo ngang dalawa di magkasundo eh, tapos magkaka-anak pa." pabirong sabi naman ni Rita.
"Ayaw mo ba kong bigyan ng anak?"
Tumingin naman si Rita sa mga mata ni Ken.
"Ok ka lang? Halos di mo nga ko kausapin sa bahay eh. Kakausapin mo lang ako pag gusto mo ng sex tapos gusto mo ng anak? Ginawa mo naman akong baby maker nyan." Pagbibiro pa rin ni Rita.
Pabiro ang pagkakasabi ni Rita pero alam ni Ken na may mga laman ang sinasabi nito.
Nilagyan ulit ni Rita ang baso nya.
"Ano bang nangyari sating dalawa?" Sabi ni Rita kasabay ng pagpunas ng mga luha nya.
"Masaya naman tayo dati ah. Hindi nga tayo mapaghiwalay eh. Kaya nga hindi na tayo nagdalawang isip magpakasal kasi alam kong sigurado naman na tayo sa isa't isa. Diba?" sabay baling kay Ken.
"Naging masaya ka naman sakin diba?" Tanong ni Rita kay Ken. Nananatiling nakayuko si Ken. Hindi nya kayang tingnan ang mga mata ng asawa.
"Rita?"
"Hmmm?"
"Hindi mo talaga sya binalikan?" tanong ni Ken bago uminom ulit.
"Sino? Sya? Hahahahahah." Napatingin naman si Ken sa asawa. Nagpupunas parin ito ng luha.
"Mas pinaniwalaan mo kasi yung sarili mo kesa paniwalaan ako." medyo sumeryoso na ang boses ni Rita.
"Asawa mo ko pero di mo ko nagawang pakinggan nung mga panahong yon, pinili mong iwasan ako. Kasi sabi mo nasasaktan ka." Nakatingin lang si Rita sa basong hawak nya.