SD: RitKen Live

1.3K 44 33
                                    

"Hi everyone, its Rita Daniela and welcome to my youtube channel. Its been a long time since nagupload ako here, sobrang busy lang kasi. Pinili ko nalang mag live, hirap mag edit hahaha. "

"Honnnn." bulong sa kanya ni Ken.

"Hahaha, nako naman. So, ayun may nangungulit dito sa gilid sali daw sya."

"Ipakilala mo naman ako." bulong ulit ni Ken.

"Ay, may ganun pa. Sige na, lets welcome this handsome hot chick na walang abs" sabay kindat kay Ken. Tawang tawa sila sa pinag gagawa nila.

"Hello mga kapuso, wow hahaha." nakatitig lang si Rita sa asawa nya habang nagsasalita ito.

"So, ano bang gagawin namin ngayon? Actually wala kaming maisip. Gusto nyo kanta nalang kami." tanong ni Rita habang si Ken tawa lang ng tawa.

At sobrang dami ngang viewers ang nagsabi na "Yes"

"Anong kakantahin natin, hon."

Nasa iisang sofa lang sila. Maraming viewers din ang nakapansin na napakaganda ng ayos ng bahay ng dalawa. Kita din sa screen ang malaking frame ng wedding picture nila sa likudan nila.

Lumapit si Ken sa screen at nagbasa ng comments.

" Kahit Man lang sa Pangarap daw hon." napanganga naman si Rita sa request ng viewers pero agad naman itong kumanta.

Sa bawat sandali,
ikaw sa buhay ko na syang tanglaw, naririto ako umiibig sayo,
dama mo ba ito,
ang laging hanap ng mata,
ikaw lang walang iba,
kahit man lang sa pangarap ay tayong dalawa

Pagtapos ni Rita kumanta ay pumalakpak ito ng isa. Naging mannerism nya na talaga ito at syang ginagaya naman ni Ken.

"Nako, nang aasar ka na naman ha."

"Hindi hon, hahaha. Ang next daw..." bigla namang tinapik ni Rita ang kamay ni Ken.

"Ay oo nga pala. Hahahaha. Ayaw nyang kumanta ng kumanta rito. Maeexpose daw sya. Hahaha." tuwang tuwa naman ang viewers sa ginagawang harutan ng mag asawa.

Si Rita naman ang lumapit sa screen ng phone nya.

"Uy, q and a nalang daw oh. Sabi ni @Matteneyperry." basa ni Rita.

"Ay nako, maganda yan. Laglagan. Hahaha" tawang tawa talaga si Ken habang nasa screen. Hindi man lang marunong ipreno ang bibig.

"Ayoko na nga." sabi ni Rita habang naka crossed arms na.

"Hindi naman mabiro hahaha. Sige na, magtanong na kayo bago pa ko iwan nitong asawa ko." sabi ni Ken habang niyayakap ng pilit ang asawa. Ngumiti naman bigla si Rita sa sinabi ng asawa.

"Ayan, ang dami na nilang tanong. Basahin mo na." utos ni Rita.

Lumapit ulit si Ken sa screen at pumili ng isang tanong.

"Sabi ni ThankUnextgirl, Ate Rita at Kuya Ken, Bakit ang saya saya nyo today? Hahaha."

"Aba grabe ka naman thankunextgirl, araw araw naman kasi dapat maging masaya. We should kasi we deserve it. We deserve na maging masaya parati. Nasa sa inyo nalang kung paano kayo magiging masaya araw araw." sagot ni Rita.

"Oo, kasi hindi naman maiiwasan na may mga problema o pagsubok na dadating pero syempre lagi dapat tayong positive. Kasi dun nagmumula yung happiness eh, yung despite of all negative vibes around you, you are smiling, cause you tend to see happiness at your own contentment."

Bigla namang itinaas ni Rita ang kaliwang kamay nya. Umapir naman dito si Ken.

" Galing mo dun, englisherist. Hahaha." pang aasar naman ni Rita.

Steven and DanielaWhere stories live. Discover now