"Rita, may bago kayong project ni Ken?" tanong sakin ni Mommy habang kumakain kami dito sa Poblacion.
"Sabi daw Mommy, pero wala pa kaming meeting eh. Busy pa si Ken sa serye nya eh." sabi ko bago sumubo ng pasta.
"Patapos na yun diba? Kaya siguro gagawan na kayo ng bagong project na magkasama. Tutal kakatapos lang din naman ng serye mo eh." dagdag pa nya.
Anim na buwan na din ang lumipas simula nung gabing magkasagutan ni Ken. Simula noon ay madalang na syang umuwi sa bahay. Uuwi lang sya pag wala ako, at uuwi naman ako pag wala sya. Nagkakasama lang kami pag may events, mapa-family event man o industry.
Natutunan ko na din tanggapin na ganun na siguro kami. Naisip kong hayaan na lang na magkaganto kami. Tsaka ko nalang aayusin ang annulment papers pag may iba na sya. Pag kailangan na. As of now, nag eenjoy ako sa trabaho ko, at sya din naman sa tingin ko.
"Ma, kailangan ko na umalis. May bibilin pa ko bago umuwi eh. Pinalitan ko kasi yung design ng kwarto namin. Naeexcite ako eh. Tsaka pala ma, baka sa makalawa magbakasyon na muna ko. You know, kailangan ko na muna alisin yung character na to."
"Kasama mo ba si Ken?" napaisip naman ako sa tanong ni Mommy.
"Ah, siguro po. Baka mauna ko eh. Pero depende po."
Bumeso naman na ko kay Mommy tsaka lumabas ng resto.
---
Two old friends meet again
Wearin' older faces
And talk about the places they've beenKumakanta lang ako habang nagpapalit ng wallpaper ng kwarto ko. Gusto ko ng baguhin ang ambiance ng kwarto ko. Enough of kadramahan and enough na sa toxic ambiance.
Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'Ang tagal ko na ding hindi nalinis tong bahay namin. Naging busy ako sa serye ko, at sa iba pang bagay. Mabuti nga at naging busy ako. Nakatulong para matanggap ko lahat ng nangyayari. Unti unti akong naging masaya dahil finally, natanggap ko na.
Maybe this time
It'll be lovin' they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life…Natigil naman ako ng may maalala ko. Kinuha ko ang phone ko saka nag-selfie.
@missritadaniela
Acceptance 🌻Halos isang oras din akong nag ayos ng kwarto ko. Pawis na pawis ako ng matapos ako. Bumaba ako sa kusina para uminom ng tubig.
Nagulat naman ako ng may magbukas ng pinto.
Sya pala. Ang tagal nya ng hindi umuwi dito ah.
Nginitian ko sya tsaka bumalik sa kwarto ko.
Nilock ko ang pintuan ko tsaka inayos ang mga damit ko. Napabayaan ko na ito. Kuha at suksok nalang ang ginawa ko sa mga ito.
Bumaba nalang ulit ako dahil maliligo na ko. Naabutan ko naman syang nanonood ng tv sa sala.
"Ta?" tawag nya sakin.
"Hmmm" pagsagot ko.
"Dito na ulit ako. Pwede?"
"Oo naman. Bahay mo din naman to eh." nakangiti lang ako sa kanya.
"May bagong project daw tayong magkasama." napatingin naman ako sa kanya. Agad naman akong umupo sa sofa na katabi ng inuupuan nya.
"Ay totoo pala. Edi mabuti. RitKen comeback. Hahahaha." napangiti naman sya sa sinabi ko.