UNA

11 8 0
                                    

"Binibini"
"Binibini, Imulat mo ang iyong mga mata"

Naalimpungatan ako sa aking mahimbing napagkakatulog ng marinig ko ang tinig na iyon.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay tanging kadiliman lamang ang aking nakikita.

"Binibini" maya maya'y narinig ko nanamang sambit ng tinig.

Kahit na wala man lang akong nakikita kahit na konting liwanag ay nakakapagtakang hindi man lang ako nakakaramdam ng pangamba o takot.

"Sino ka? At asan ka?" Sagot ko sa dito

"Binibini, Alika andito lang ako sa iyong harapan" sagot niya.

Unti unti kong iniangat ang aking paningin sa harapan at tumambad sa akin ang isang pigura ng tao. Hindi ko masyadong matitigan ang mukha ng taong nasa harap ko sapagkat na sisilaw ako ng puting liwag na nagmumula sa kanyang katawan.

"Sino ka?" Ulit na tanong ko dito.

"Makikilala mo rin ako sa darating na panahon Alika" nakangiting ani nito.
"Lagi ka sanang mag-iingat at kilalanin mo ng husto ang mga taong nakapaligid sayo" dagdag niya pa..

Pakasabi niya non ay unti unti na siyang naglaho sa aking harapan.

"Teka lang!" Sabi ko dito ngunit tuluyan na itong naglaho sa aking harapan at unti unti na namang pumikit ang aking mga mata.

"Alika hoy!"
" gising na tapos na yong klase natin"

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at agad na tumambad sa akin ang nakakasilaw na liwanag.

Linibot ko ang aking paningin sa paligid at ganon na lang ang aking pagkagulat.

"LUH! Asan ako??! Asan na yong babae????"

"Luh? Bangag lang teh? Dito tayo sa school noh. Atsaka sino bang babae sinasabi mo eh tayong dalawa lang naman ang babaeng pumasok ngayon" nawiwirduhang tinignan ako ni Jane.

"Charr.. Acting lang yon noh baka lng naman makapasa.. HAHA.. "

"Alam mo puro ka biro. Ano sama ka sakin??"

"Pasan?"

"Langit"

"Huh?"

"Hakdog"

"San nga??"medyo naiirita ng sabi ko. Ganito toh si jane eh minsan seryoso madalas siraulo -_-

" Gala ano pa ba" then roll eyes.

"Tsk. Alam mo namang busy ako eh. May pasok pa ako sa library ngayon tas tutulungan ko pa si anti sa tindahan niya."

"Whatever! Nakalimutan ko isa ka nga palang mabait na istudyante at masunuring pamangkin noh? Ano teh tatayuan na ba kita ng rebulto mo??"

"Ulol! O sige na pupunta na akong library, ingats na lang!"

Hindi ko na inintay yong sasabihin niya at lumakad na palayo sa kanya.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa tapat ng library agad akong pumasok dito.. Na abutan ko don si Mrs. Sanchez ang librarian. As usual marami na namang paper works na nakatambak sa lamesa nito.

"Good morning po mrs. Sanchez" bati ko dito

"Oh ikaw pla Alika ang aga mo naman ngayon ah?"

"Ah..Opo para maaga din matapos hehe sabi nga nila 'early cat catch a rat'"

"Ikaw talgang bata ka haha.. Tamang tama may ipapagawa ako sayo. Pakilinisan naman nung mga book shelf medyo maalikabok na kasi"

"Yon lang po ba?"

"Gusto mo pa bang dagdagan ko?"

"Ito naman si madam di na nabiro hehe.. Sabi ko nga po lilinisin ko na yong mga book shelf hehe.." At dali dali ng kinuha ang mga panlinis. Baka kasi dagdagan pa talaga ni Mrs. Sanchez eh mahirap na haha.

Habang naglilinis ako ng mga book shelf ay di ko maiwasang mapatingin sa isa pang silid dito sa loob ng library.

Ang weird lang kasi parang may kung anong inerhiya ang nagmumula dito.

"Weird" napapailing na sabi ko " Siguro dala lang toh ng gutom at pagod.. Di pa nga pla ako kumain ng lunch kaya siguro kung ano ano na ang mga pumapasok sa utak ko" dagdag ko pa.

Minadali ko na ang aking paglilinis ng sagayon ay matapos ko na ito ng mas maaga.

Pakaraan mahigit isang oras ay natapos ko ng linisan ang lahat ng bookshelves. Agad ko namang pinuntahan si Mrs. Sanchez para makapagpaalam.

"Mrs. Sanchez na tapos ko na pong linisan ang lahat ng bookshelves" nakangiting sabi ko dito.. "May ipagagawa pa po ba kayo??"

"Wala naman na" nakangiting sagot din nito

"Ahmm, Kung wala na po maaari na po ba akong mauna na??"

"Ah ganon ba? Sige na. Maraming salamat sa tulong mo alika.. Bukas naman" nakangiting sabi nito. Pakapaalam ko ki mrs. Sanchez ay agad na akong umalis ng Library.

Balak ko sanang pumunta ng canteen para makabili sana ng makakain kaya lang pagtingin ko sa bulsa ko ay bente na lang laman nito saktong pamasahe na lang hayss..

'Sa bahay na nga lang ako kakain, sana tinirhan ako ni anti' sabi ko sa isip.

Kaya imbes na pa canteen ang punta ko ay tinungo ko na lang gate at agad na punta sa sakayan ng jeep.

Sakto namang pagdating ko sa may sakayan ay ang pagtigil naman ng isang jeep.

'Sakto! Swerte ko talaga hehehe!' Masayang sabi ko sa isip.

Kaya lang ng ihahakbang ko na sana ang isa kong paa palapit sa may pinto ng jeep ay siya namang pag unahan sa pag sakay ng mga pasahero.. Kaya ang nangyare ay natulak ako at malala ay muntik na akong makipaghalikan sa sahig buti na lang ay may naka salo sa akin..

"Okay ka lang ba miss?" Nag-aalalang tanong sakin nung taong tumulong sakin.

"Ok---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nakita kong aalis na yong jeep.

"Waittt langg po manongg" sigaw ko sa driver.. Kya agad na akong sumakay dito.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makapasok sa loob ng jeep ay narinig ko muling nagsalita yong taong tulong sakin.

"Lagi ka sanang mag-iingat, Alika" tama ba ang dinig ko o gutom pa rin ba toh.. tinawag niya ba talaga ako sa pangalan ko??

Magpapasalamat na sana ako sa kanya kaya lang ay nung lilingunin ko na sana siya ay siya namang pagpapatakbo ng mabilis ng jeep. Kaya ay umupo na lang ako sa bakanteng upuan..

'Sayang di man lang ako nakapag pasalamat sa kanya.. Bale sa sunod na lang kung sakaling magkita kami ulit' sabi ko sa isip ko.

____

Alika: The Unexpected JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon