PANG-ANIM

3 5 0
                                    

Libro de Luna

Ang emperyo ng Astoria ay isa lamang sa mga emperyong sakop ng bansang Persia.

Ito ay pinamumunuan ni Emperador Hideo. Isa siyang magiting at mapagpahalaga sa kanyang mga nasasakupan. Kya naman ay labis-labis ang katapatan at respesto na ipinapakita sa kanya ng kanyang mga nasasakupan.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat si Emperador Hideo ay may angking taglay na kapilyohan. Iba't ibang mga babae ang nakakarelasyon. Isa siyang mapaglaro sa mga kababaihan. Hindi naman siya nahihirapang paibigin ang mga kababaihan sapagkat may roon itong pambihirang gandang lalaki nakaakit akit sa mga kababaihan dahilan upang mabihag ito. At isa na nga dito si Leticia.

Si leticia ay mayroon ding taglay na kakaibang ganda. Ang ganda niyang ito ang ginamit niya upang mapansin siya ni Hideo. At di naglaon ay naging magkarelasyon sila.

Sa unang pagkakataon ay nagmahal ng totoo ang emperador at dahil yon kay Leticia. Tumagal ang kanilang relasyon. Hanggang dumating sa punto na hiningi na ni Hideo ang kamay ni Leticia upang maging kaisang dibdib.

Sa kabilang banda, may isang babae naman ang labis ang paghihinagpis dahil sa sakit na nadarama. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Alicia.

Si Alicia ay kakambal ni Leticia. Ngunit hindi sila ordinaryong kambal lamang sapagkat magkaiba sila ng ama.

Si Alicia ay matagal ng may pagnanasa kay Hideo. At isa din siya sa naging  mga babae ni Hideo bago niya makilala si Leticia. Ngunit hindi man lang siya nito binigyan ng importansiya di tulad ng kay leticia. Katulad lamang siya ng ibang babaeng nagdaan dito. Kaya't ganoon na lamang selos at galit na nadarama niya sa kanyang kapatid ng malamang karelasyon nito ang kanyang iniibig.

Ikinasal si Leticia at Hideo. Di kalaunan ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at binayayaan sila ng isang napakagandang supling ito'y walang iba kundi si Luna.

Sa kabila ng labis na saya ng kanilang nadarama ng pagdating ni Luna ay ganon naman ang problemang dumating sakanila.

Bumalik si Alicia upang maghiganti. Sapagkat hindi niya nagustohang basta na lamang sila maging masaya.

Lingid sa kaalaman ni hideo na ang kanyang asawa na si Leticia at ang kambal nitong si Alicia ay hindi mga pangkaraniwang nilalang lamang. Si Leticia ay isang dyosa ng liwanag at si Alicia naman ay ng kadiliman, hindi lang ito,si Alicia din isang mangkukulam na kung saan ay namana nito sa kanyang ama.

Si Alicia at Leticia ang nagbabalanse ng mundo. Kaya ng magkalamat ang pagsasamahan ng magkapatid ay nasira ang balanse nito.

Unang pinaghigantihan ni alicia ang kanyang kapatid at si hideo. Ngunit nabigo siya. Kaya naman ng hindi siya nagtagumpay ay binalingan niya si luna, ang kanyang pamangkin.

Gumawa siya ng hakbang at tulong sa kanyang mga kakilalang magaling na mangkukulam. Ngunit isang pangitain ang nakita nito na gumimbal sa kanya. Ito ay ang propesiya na nagsasaad na may isisilang na batang babae na may dugong dyosa, at dugong tao na tatapos sa paghahari ng kasamaan at magbabalik ng balansi ng mundo. At nangyari ito ng isilang si Luna.

Hindi ito na tanggap ni Alicia kaya gumawa siya ng paraan upang paslangin ang buhay ni Luna.

Sa kabilang banda ay nakarating din kanila hideo at alicia ang tungkol sa propesiya sapagkat may isang propeta ang naghatid sa kanila ng balitang ito.

Tiniyak nila ang kaligtasan ni luna habang hindi pa nito kayang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Ng hindi naging matagumpay si Alicia sa pagpaslang kay Luna ay nag-iwan na lamang siya dito ng isang sumpa. Sumpa na kahit sino man ay walang kayang baliktarin ito. Ang sumpang ito ay ang 'kahit kailan man ay hindi siya maaaring umibig ng lalaki na higit pa sa pagkakaibigan sapagkat kapalit nito ay ang kanyang kamatayan'.

Kahit imposible ay ginawan pa rin ni Leticia ng paraan upang mabaliktad ito. Ngunit nabigo lamang siya.

Lumaki ng may namumukod tanging kagandahan si Luna. Kasabay din nito ang nagpipilahang kalalakihang nagpapantasya dito. Ngunit ni isa ay wala man siyang pinaunlakan.

Dumaan ang ilang taon at nasa hustong gulang na siya upang isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang isang itinakda.

Kinalaban niya ang kadiliman na pinamumunuan ni Alicia napaslang niya ito at nagpagtagumpayan niya naman ito. Bumalik na muli ang balansi ng mundo. Kahit na  nagtagumpay man siya sa kanyang tungkulin ay hindi pa rin nito maipagkakailang nasakanya pa rin ang sumpa.

Lumipas ang ilan pang taon at naging maayos na rin ang mundo at nasa balanse pa rin ito. Ng makilala niya si Eiji.

Si Eiji ay ang pangalawang prinsipe ng Armonia. Naglalakbay siya patungo sa Nornia katabing kaharian ng Artoria ng magtagpo ang kanilang landas.

Napalapit ang loob niya kay Eiji at di kalaunan ay naging magkaibigan sila.

Isang araw ay nagtapat na lamang si Eiji sa kanya ng pag-ibig ngunit hindi niya ito mabigyan ng pagkakataon sa takot na mangyari ang sumpa.

Kaya naghanap muli si luna ng paraan upang mapawalang bisa ito. At nakahanap naman siya sa tulong ni Menirva isang puting mangkukulam.

Ayon kay Minerva upang mapawalang bisa ang sumpa ay kailangan niyang magsakripisyo. Kailangan niyang isakripisyo ang kanyang katangian bilang itinakda.

Labag man sa kanyang kalooban ay ginawa niya na lamang ito. Isinakripisyo niya ang kanyang tungkulin bilang itinakda kapalit ng  bisa ng sumpa.

Ng natanggal na ang sumpa binalikan niya si Eiji. Tinanggap niya ang pag-ibig na handog nito.

Naging masaya sila sa kanilang pagsasama. Na di naglaon ay nagpasya na silang magpakasal.

Sa kabilang banda, ang akala ni Luna ay maayos  na ang lahat at naisakatuparan niya na ang kanyang misyon ngunit isa lamang pala itong pagkakamali.

Hindi na sabi kay luna ni Merniva ang sumpa ay may kapalit at ito ay ang
'Sa oras na mawala ang sumpa ay dito naman magsisimula ang mas malalang problema'.

Hindi ito napaghandaan ni Luna. At hindi na rin niya maaaring bawiin ang kanyang desisyon sapagkat natapos na ang orasyon na baliktarin ang sumpa.

Muling nagbalik si Alicia sa tulong ng kanyang mga alagad.

Sa araw ng kasal ni luna at eiji ay dapat itong mapupuno ng kasiyahan sa halip ay napuno ito ng hinagpis at kalungkutan.

Namatay si luna. Pinaslang siya ni Eiji. Ayaw man itong gawin ni Eiji kaya lang wala siyang magawa sapagkat nasa ilalim siya ng kapangyarihan ni Alicia.

Ng mamatay si Luna ay ang paglitaw naman ng bagong propesiya.

Ayon dito 'muling isisilang ang bagong itinakda sa makabagong panahon. Hindi magiging madali ang bagong buhay nito sapagkat kailangan niyang maranasan ang paghihirap at sakit kabayaran sa pagkabigo nito sa bilang itinakda. At sa pagtuntong nito ng ika 18 gulang ay muli itong babalik upang isakatuparan ang kanyang tungkulin bilang itinakda. Siya ang magsisilbing liwanag sa gitna ng kadiliman katulong ng kanyang mga bituin. Sa oras na matapos ang kanyang misyon ay babalik ang lahat sa simula upang magsimula ng panibagong buhay at maibalik ang ayos at balansi ng mundo'.

Alika: The Unexpected JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon