PANGLABING TATLO

3 5 0
                                    


"Binibini, binibini, gumising ka."

Paulit ulit na naririnig ko sa taong nagsasalita, kasabay nito ang mahinang pagyugyog sa aking mga balikat.

"Binibini"

Iminulat ko ng dahan dahan ang aking mga mata. Sa una ay medyo nasisilaw pa ako ng liwanag pero ng tumagal ay nakapag adjust na rin ang aking mata sa paligid.

"Binibini, mabuti naman at ika'y nagising na" muling sabi nito.

Nakahiga ako ngayon sa damuhan.

Wait? P-panong napunta ako sa damuhan? Na sa pagkakaalala ko ay nasa kwarto ako.

Ilinibot ko ang aking paningin sa paligid upang makumpirma ang aking hinala.

A-anong nangyari?

Bahagya na akong umupo. Bumungad sa aking harapan ang isang matikas na lalaki.

"Asan ako? Papano akong napunta dito? At sino ka?" Sunod sunod na tanong ko.

"Hinay-hinay lang sa pagtatanong binibini. Una sa lahat dapat nga ako ang mag tanong niyan sa iyo kung bakit ka natutulog sa dito, hindi mo ba alam na delikadong maggagala mag isa sa gubat na ito? Lalong lalo at ikay isang dilag. Baka mapahamak ka at maka tyempo ng mangangalakal."

"H-hindi ko alam kong a-anong sinasabi mo.Alam mo ba kong paano akong napunta dito?" Tanong ko dito.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" Balik na tanong niya sa akin. "Wala ka bang maalalang pangyayari o naganap bago ka mawalan ng malay?"

Inalala ko ang lahat lahat ng mga pangyayaring natatandaan ko. Sa pagkakatanda ko ay pinagalitan at pinagsabihan ako ni anti. Umuiyak pa ako non. Then kinulong niya ako sa kwarto ko. Sumisigaw at umiiyak ako non para buksan at palabasin ako. Then suddenly bigla na ako ulet nakakita ng puting liwanag same as sa nakita ko don sa incident kay koyang holdaper. Then  bigla na lang akong may narinig na tinig? After I felt something na parang may humihigop sakin.

Is that really possible?

Aghhh! Alika nababaliw kana!! Baka nanaginip ka lang!! Matulog ka ulet!!!!!

"A-anong ginagawa mo binibini?"

"Humihiga para matulog ulit. Di ba nanaginip lang ako. Kaya matutulog ako ulit para magising na ako." Sagot ko dito at nagtangka na muling humiga sa damuhan.

"Nababaliw  kana ba? Lahat ng nakikita mo sa iyong paligid lahat yan ay totoo. Hindi ka nananaginip binibini." Sabi niya. "Kung ikay aking susuriin batid kong hindi ka tagarito. Base palang sa iyong pananamit halatang ikay dayuhan."

Tinignan ko rin ang aking damit. Naka school uniporm pa pala ako. Hindi nakalimutan ko na palang magpalit ng damit nakoo.

Tinignan ko rin ang suot niya. Kung ibabasi nga magkaibang magkaiba ang pananamit namin dalawa. Kahit kasi naka school uniporm ako. Mababatid mo pa rin kung gaano ito kamoderno. Unlike sa suot niya. Para siya pang sina unang damit. Naka pants siya at nakasuot naman pantaas ng kamisa de tsino. Naimagine niyo?

"Saang lugar ka nagmula binibini?"

"Nasaang lugar ako?" Hindi ko sinagot ang tanong niya sa halip ay sinagot ko rin ito ng tanong.

"Nasa gubat ka binibini"

"Alam ko ang bagay na yon. Halata naman ata sa paligid noh? Nagtanong pa ako kung yan lang din naman sisasagot mo" sarcastic na sabi ko.

"Nasa gubat ka binibini na sakop pa ng Astoria." Diretsong sabi nito.

W-wait! Did I heard it right? Nasa Astoria ako? Yung place na pinagmulan ni luna? Yung sa libro??

"T-tama ba ang narinig ko, sinabi mong nasa A-astoria ako?"

"Oo binibini. Kasalukuyan kang nasa Astoria."

"Wait! Ang hirap pa rin i-digest, panong napunta ako dito?"

"Yan ang bagay na hindi ko alam na tanging ikaw lamang makakasagot." Sabi niya at tumayo na. "Kung iyong mamarapatin binibini akoy mauuna na. Sapagkat meron pa akong lalakbayin. Hindi ka na bata kaya muna ang iyong sarili. Mauuna na ako."

"Waiit. Anong pangalan mo?"

"Sasabihin ko sayo binibini pag tayo'y muling nagkita. Sa ngayon maiwan na muna kita. Hanggang sa muli nating pagkikita." At naglakad na nga siya palayo.

"Maraming salamat pala mister." Sigaw ko sa kanya.

Arghhhh! Pano na ako nito? Nakalimutan ko palang itanong sakanya kong saan ang daan palabas dito nakooo.

Hays bahala na nga lang...

______

*krook*krook*krook*

"Argggh nagugutom na ako. San kaya ako owes ng makakain dito??"

Ampp bat ba kasi napunta pa ako dito nakoo...

Kung sino man nag dala sakin di malalagot talaga sakin ng bongang bonga nakooo!

Maya may na amoy akong mabangong amoy...

Hindi ako pwedeng magkamali alam ko ang amoy ng bagay na yon..  FOODSSSSS!!!

dali dali kong sinundan ang amoy ng pagkain. Wala na akong pakialam sa sarili ko kong magmuka man akong ewan o dikaya ay asong ulol. Basta ang importante sa akin ngayon ay makakain ako.. Nakooo!

Ilang takbuhin pa ay narating ko na. Ang kinoruruonan ng amoy.
Bumungad sa akin ang lugar na maraming tao. Maingay, kaliwat kanang naglalakad, mga tinderot tindirang sumisigaw at naglalako ng kanilang paninda.

Naglakad na ako at hinanap na bagay na kanina ko pa naaamoy.

"Bingo! Nahanap den kita!"

Dali dali akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nito at agad na dumakma. Ahmm mainit init pa tong tinapay.

Akmang isusubo ko ng may pumigil saking kamay.

"Ikaw bayad muna, bago kain" sabi niya.

"He-he" awkward na tawa ko.

I checked my pockets kung may pira ba ako dito. But luckily wala. Pati yung wallet ko na mimising in action nakoo. I'm doomed!

"Pwede ba utang muna manong?"

"Bawal utang bukas pwede." Sabay hablot sakin ng hawak kong tinapay..

Yung pagkain ko. Huhuhu...

"Kung di ikaw bibili, ikaw alis na. Nahaharang mo aking mga suki." Taboy sakin ni koya niyo.

Hayss pano na ako nito?

Wag kang mawalan ng pag-asa Alika. Makakahanap ka rin ng paraan makakain ka rin. Tiwala lang!

______
Kunting tyempo lang makakakuha den ako.

Tiis tiis lang self.

Ng masigurado kong clear na ang lahat ay dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ng pagkain at agad na dumakma ng pagkain at tumakbo ng mabilis palayo.

Patawarin niyo pa sana ako lord sa nagawa ko.

"Hoy ibalik mo yang ninanakaw mo!"

"Thank you po dito!" Sigaw ko pabalik.

Sorry kuya.
_______

"Kamahalan! Laganap po ngayon ang napapabalita sa palengke ang estrangherang dalaga na nanggugulo." Sabi ng kawal.

"Ano raw ba ang kanyang dahilan?"

"Hindi ko po alam kamahalan. Basta ang sabi nagnakaw raw po ito ng pagkain sa isang tindahan." Magalang na sagot nito.

"Dalhin mo saakin ngayon din ang nasabing dalaga!"

"Masusunod kamahalan!" At yumuko upang magbigay galang.

'Ikaw na kaya ang dalagang sinasabi sa propesiya?'

Alika: The Unexpected JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon