PANGPITO

3 5 0
                                    

Ng mawala si Luna ay ang pagguho na rin ng mundo ni Eiji. Hindi niya matanggap na sa lahat ng tao ay sa sarili niya pang kamay ang naging dahilan ng pagkawala ng kanyang sinta.

Pinaslang niya ang sarili niyang buhay. Bago siya bawian ng buhay ay pinangako niya sa sarili na sa pangalawang pagkakataon ay muling pagtatagpuin ang kanilang landas. At sa pagkakataong ito sisiguraduhin niyang hindi na mauulit pa ang masakit na sinapit nila sa pangalawang pagkakataon.

__
Hindi kinayang tanggapin nina Leticia at Hideo ang pagkamatay ni Luna. Na puno sila ng pangungulila at lungkot.

Hindi na rin nagagawa ng maayos ni Hideo ang kanyang tungkulin bilang isang emperador.

Kaya ng  makarating ang balitang ito kay emperador Nuruko ang namumuno ng Emperyong Demoria ay ipinaalam niya ito sa Dalawa pang Emperyo na Lucifia na pinamumunuan ni Huruko at Satina na pinamumunuan naman ni Huno at nagpalaganap agad sila ng pangmalawakang digmaan na pati sa iba pang emperyo ay nasakop ng kaguluhang ito.

Ang Emperyong Demoria, Lucifia at Satina ay ang tatlong mahigpit na kalaban ng Artoria at ng iba pa sapagkat ito ay sakop ni Alicia.

Kilala ang tatlong emperyo sa tawag na Tres de Darcres. Lumalaban sila hindi dahil sa kaayusan at katahimikan, kundi sa kasamaan para sa pangsariling kagustuhan lamang at para na rin sa kayamanan, impluwensiya at kapangyarihang matatamasa nila.

Ang Tres de Darcres ang muling nagbalik buhay kay Alicia kapalit ng karagdagan pang kapangyarihan na kanilang makukuha at ito ang paggamit ng itim na mahika.

Ito ang ginamit nila sa labanan.

Kahit malabo mang matapatan nila Hideo na matalo ang Tres de Darcres dahil sa kasalukuyang lakas nito ngayon at dahil wala na ang kanyang anak na si luna ay ginawa pa rin nila ang lahat upang hindi masayang ang mga nagawa ni Luna. Pinamunuan ito ni Emperador Hideo katulong ang Pito pang emperyo. Ito ang emperyo ng Armonia na pinagmulan ni Eiji, Nornia, Euphoria, Astrea,Britania, Persosa, at Bohemia.

Binuhos naman ni Leticia ang lahat ng kanyang lahat ng makakaya upang magwagi sila at nagtagumpay naman sila. Kayalang ay hindi na nagawa pang mabuhay ni Leticia dahil sa labis na paggamit niya ng kanyang kapangyarihan at si Hideo naman ay napaslang din sa  kalagitnaan ng digmaan.

Umatras ang Tres de Darcres sa labanan ngunit hindi ibig sabihin nito ay sumuko na sila. Muli silang babalik at sa pagbabalik nilang ito ay sisiguraduhin nilang  sila na ang magwawagi.

Marami mang nasawi sa labanan, kasama na dito sila leticia at hideo ay muli silang bumangon.

Dahil nasawi ang buhay ni hideo sa labanan ay pumili ang kunseho ng kapalit niya, at ito'y walang iba kundi si Hikaru. Ang nakababatang kapatid ni Hideo.

Naging mabuting pinuno si Hikaru. Hanggang sa magkaroon siya ng asawa at biyayaan ng tatlong anak ito ay sina Ichiro, daisuke at kyo.

Isang araw ay may bigla na lamang sa kanilang nagpakitang isang propeta. Ang propeta ito ay ang naghatid ng kadugtong ng bagong propesiya.

Ayon sa kanya; "Sa muling pagsilang ng bagong tinakda sa makabagong panahon ay ang paglitaw din ng walong bituin. Na magmumula sa walong magkakaibang emperyo. Magtataglay sila ng magkakaibang natatanging lakas at kapangyarihan na higit pa iba. Sila ang poprotekta at makakatulong ng itinakda para maisakatuparan niya ang kanyang tungkulin."

___

"Ano yan?"

"Ay kabayo!" Gulat na ani ko. Na may pahawak pa sa dibdib.

Shekks naman.!

"Sa ganda kong to kabayo lang tingin mo?" Mataray na sabi ni jane na may pataas pa ng isang kilay.

"Ikaw kasi ey nanggugulat!" Sagot at ibinalik ng muli ang atensyon ko sa binabasa ko.

"Ano ba kasi yan?"

"Libro?" Patanong na sagot ko.

"Alam kong libro yan. What I mean is anong libro?" Rolled eyes

"Ewan" shrugged my shoulder"nakita ko lang to nung may hinatid akong research papers don sa isa pang room sa library. Well I got interested kya kinuha ko."

"May I?" Inabot ko naman kay jane itong librong hawak ko.

"Base sa nabasa ko ay para siyang isang fantasy book. You powers ganern." Ako

"Libro de Luna?" Pagbasa ni jane sa title ng libro. Then binuklat niya ito. Palipat-lipat lang siya ng pahina habang nakakunot na ang kanyang noo na parang sinasabi 'ang weird naman nito' "asan yong sinabi mong power-power something eh wala namang nakasulat" binuklat buklat niya pa.

Luh? Pano nangyari yon?

"Wag mo nga akong echosin janeKakabasa ko lang panong mawawalanyan ng sulat yan aber?" Sabay hablot ng libro sakanya. Binuklat buklat ko at napangunot na lamang ang aking nuo sa aking nakita. "Luh asan na binasa ko?? Impossible naman na hallucinations ko lang yon eh. Ang linaw linaw naman ng nakasulat yon dito. Pano na wala?"


A-anong ibig sabihin nito?

Alika: The Unexpected JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon