"ANG LANDI LANDI MO TALAGANG BABAE KA! ANONG ORAS NA HUH?! UWI BA NG MATINONG BABAE ANG DIS-ORAS NG GABI?!!!" Si tita.
"Pasensiya na po tita. Na nakaw po kasi yong pera ko kaya naglakad na lang ako." Nakayukong sabi ko..
Totoo yon.. Nanakaw talaga yong pera ko.. Hmmp! Bat ba kase sa dami daming pwedeng mapuntirya nito bakit ako pa yong natipuhan?
"NA NAKAW NAKAW DAW! ASUUS MASYADO NG GASGAS YANG MGA DAHILAN MO! ANG SABIHIN MO NAGLANDI KA KAYA KA GINABI! ANO?! SA SUSUNOD UMAGA KA NA UUWI? TAPOS MAKIKIPAGTANAN KANA? HUH?! ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MO PARA GAWIN YAN! PINALAKI KITA AT BINIHISAN TAPOS GANYAN PA IGAGANTI MO!" Galet na galet na sabi ni anti habang dinuduro pa ko.
Napapayuko na lamang ako. Wala din naman ng patutunguhan pa pagpinatulan ko pa siya. At the end kasi ako pa rin ang lalabas na mali.
Ganyan naman talaga ang mga tao diba? Kung ano yong makita at marinig nila yon ang papaniwalaan nila. Kahit hindi naman nila alam kong totoo ba ito o mali. Sabay mag ju-judge na sila kahit di pa nila alam kong ano ba yong totoong storya.
Tama naman diba? Hmmm
FLASHBACK
Pakatapos ng work ko sa library ay nagpasya na akong umalis na din ng school.
Maaga pa naman kasi kaya naisipan kong pumunta muna ng simbahan upang magpasalamat ki God at magsindi na rin ng kandila.
Nakaugalian ko na kasing magsimba o pumunta ng simbahan kada birthday ko. Upang magpasalamat sa panibagong taon ko dito sa mundong ito humiling na din.
After ko don ay naglakad lakad muna ako papuntang park. May kalapit kasing park ang simbahan. Mga ilang minutong lakarin lang bago mo marating ito.
Gaya ng inaasahan ko, madaming mga tao ang naririto. An jan na ang mga grupo ng magkakaibigan, mga batang naglalaro mga nagde-date na couples at pamilya.
Hayyss naol hmmp😪
Hindi naman kasi kataka taka kong bakit maraming tao ang napunta dito. Mapresko kasi dito dahil sa mga nagkalat na malalaking punong nakatirik dito. Sabayan pa ng mga makukulay na bulaklak na nakatanim sa mga gilid.
Masyadong refreshing kung baga.
Sana katulad ng parkeng ito ang buhay ko. Hayss😪
Naglibot libot pa ako sa buong paligid nitong parke. Ng mapagod ako'y umupo na ako sa kalapit na upuan na nakuta ko.
Ang sarap pagmasdan ng mga tao dito. Kung titignan mo sila parang wala silang mga problemang dinadala.
Hayys sana ako rin.. Hmmp.
'Sana hanggang matapos tong araw ng birthday ko ganito lang. Tahimik, walang isiping problema at wala na sanang sumingit na makasisira ng araw ko hays. Hope so.'
Abala akong nakamasid sa paligid ko. Dinadamdam ang sariwang hanging nalalanghap ng may isang bulto ng tao ang nakita kung nakatayo sa harapan ko.
Base sa tindig niya ay masasabing mayroon siyang kaya sa buhay.
" hi miss! May I sit beside you if you don't mind?" Sabi niya.
"Sure..." Sabi ko at umusog ng kaunti para makaupo siya.
"Are you alone?" Tanong niya.
"Yeah.." Tipid na sagot ko..
"By the way I'm Duke." Sabi niya sabay abot sakin ng aking kamay. "And you miss?"
"Alika." Sagot ko at tinanggap ang kanyang kamay.
"Nice to meet you alika." Siya "hmm bakit ka nga pala nag-iisa? Asan mga kasama mo?"
BINABASA MO ANG
Alika: The Unexpected Journey
FantasyAlika Amor is an ordinary girl who don't have so called 'good life'. Her parents died because of accident when she was at 8 years old.That's why her Auntie (sister of her mother) took care of her, but it's not been easy for her. After that accident...