Sa isang silid, mayroong taong abala sa pagbabasa at pagsusulat sa mga papel. Bagamat may kadiliman at tanging isang lampara lamang nagmumula ang liwanag na kanyang nakikita ay hindi ito nakahadlang sa kanya upang hindi niya mapagtuunan ang kanyang ginagawa.
*tok* *tok* *tok*
"Kamahalan may bisita po kayo" nakayukong pahayag nito
"Ano daw ang sadya niya?" Sabi niya ng hindi man lang tinapunan ng tingin at abala pa rin sa kanyang ginagawa.
"May mahalagang balita raw po siyang nais ipahayag sainyo."
"Patuluyin mo siya" kaswal na sabi nito.
"Magandang araw po sainyo kamahalan" sabi ng bagong dating at yumuko upang magbigay galang.
Nabaling ang atensyon niya sa taong nagsalita.
"Ako po'y naparito upang ipahayag sainyo ang balitang patungkol sa propesiya" magalang na pahayag nito.
"Anong tungkol don?"
"Malapit na pong matupad ang nakasulat sa propesiya at isa lang po ang ibig sabihin nito, nalalapit na rin po ang pagwawakas."
"Kung ganon kailangan na palang maghanda para sa kung ano man ang kahahantungan ng lahat." Sabi niya.
'Huwag na sana maulit ang mga pangyayari sa nakaraan sa pangalawang pagkakataon'
______
ALIKA'S POV
Pagdating ko sa bahay ay si anti agad ang naabutan ko sa may sala. Prenteng naka upo ito sa sofa na yari sa kahoy, nakataas ang paa nito habang tutok na tutok sa pinapanood nito sa tv na ani mo'y yon na ang pinaka magandang palabas na pinapanood niya.
"Nandito na po ako" sabi ko ng makapasok na ng bahay. Hindi man lang niya ko pagkaabalahan ng konting oras para tignan o dikya ay pansinin kaya dumiretso na lang ako sa kanya para sana magmano.
Kya lang ng akmang aabutin ko na ang kamay niya ay tinignan ako nito ng masama habang nakataas ang isang kilay.
"Ano satingin mo ang gagawin mo?" Mataray na pahayag nito.
"Magmamano po sana anti" napapahiyang pahayag ko.
"At sino namang nagbigay ng pahintulot sayo para gawin yan?" Nakataas kilay pa ring pahayag nito.
BINABASA MO ANG
Alika: The Unexpected Journey
FantasíaAlika Amor is an ordinary girl who don't have so called 'good life'. Her parents died because of accident when she was at 8 years old.That's why her Auntie (sister of her mother) took care of her, but it's not been easy for her. After that accident...