Pagkapasok ko ay bumungad sakin ang mga alikabok kaya napaubo muna ako bago ako tumuloy sa paglalakad.
"Grabe naman dito! Kelan pa kaya last na lininisan toh? Grabe aatakihin ako dito ng hika ko eh!" Reklamo ko habang panay ang ubo pa rin.
Ng medyo tumigil na ako sa pag-ubo ay ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko.
Malawak ang loob nito. Halos kasing laki rin library. Ang daming mga librong nakalagay. May nabasa pa nga ako sa isa sa mga bookshelves na nadaanan ko kanina na historical books. Meron din nakasulat sa ibang lenggwahe. Kaya sigurado akong hindi lang mga simpleng libro ang nakalagay dito.
Ang nakapagtataka lang bakit kaya nila ito tinatambak dito? Na kung tutuusin ay malaking tulong ito sa mga estudyante.
Habang naglalakad ako ngayon dito sa maalikabok at madilim na pasilyo ng silid aklatan ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba at takot dahil ang lugar na ito ay masyadong tagong lugar na parte ng silid aklatan.
Para na nga tong bodega o imbakan ng mga napaglumaang libro na hindi na ginagamit ng mga estudyante at mga guro dito.
Pakatapos ng ilang minutong paglalakad ay narating ko na ang dulong parte ng silid na to at dali dali ko ng linapag ang mga research papers na bitbit ko. At nagstreching upang mabanat banat ang pangangalay ng aking mga kamay at braso.
Habang nag-i-streching ako ay bigla na lang akong nakarinig ng mga kaluskos galing sa kabilang book shelf malapit sa lugar na kinatatayuan ko.
"Binibini"
Sa hindi ko maintindihan na dahilan ay bigla na lamang akong nakaramdam ng panlalamig ng aking katawan dahil sa sobrang takot ng marinig ko ang tinig na yon mula sa kabilang book shelf.
"S-sino yan?" Natatakot na sabi ko
"Binibini" ulit nung tinig.
"S-sino k-ka? M-magpakilala k-ka!" Utal utal na sigaw ko.
"Binibini wag kang matakot lumapit ka" sagot niya sakin.
Kahit nanginginig man at nanlalambot ang aking mga tuhod ay pinilit ko paring ihakbang ito at puntahan yong pinanggagalingan ng ingay at tinig.
Ng makarating ako sa kabilang book shelf ay bigla na lang nawala yong tinig at kaluskos. Ang isa pang nakakapagtaka ay wala man lang akong ni isang tao o bakas man lang na may taong nagmula dito.
"H-hey k-kung s-sino k-ka man p-pwede b-bang magpakita ka. Hindi ako nakikipagbiruan sayo" natatakot na sabi ko, sabay palingon lingon sa paligid ko.
Ng may narinig akong biglang bumagsak na kung ano sa likod ko. At narinig ko nanaman ang yong boses na tumatawag sakin kanina.
"Binibini, kaytagal na kitang hinihintay sa wakas ay dumating ka na rin" sabi ng boses mula salikod ko.
Dahan dahan akong humarap at ganon na lang ang pagkabigla ko sa nasaksihan ko ng makakita ako ng daga! Shekkss takot pa naman ako sa daga!
"Wahhhhhhh!" Hiyaw ko at tumakbo na. Kaya lang sa katangahan, I mean kamalasan ay nadapa ako. Natisod kasi ako ng librong nakakalat. Nakipaghalikan tuloy ako sa sahig. Gezzz sayang ang maganda kong pes.
BINABASA MO ANG
Alika: The Unexpected Journey
FantasyAlika Amor is an ordinary girl who don't have so called 'good life'. Her parents died because of accident when she was at 8 years old.That's why her Auntie (sister of her mother) took care of her, but it's not been easy for her. After that accident...