I'm inlove with my Pussy
By EyefulAiry— CHAPTER TWENTY TWO —
- Terrius's POV -
"Oyyy."
"Oy"
"Ooooyyyyy."
"Tch. Talaga bang hindi ako papansinin ng mga 'to?" Bulong ko.
"Hoooyyy !!!" Malakas na pagsigaw ko. This time nilingon na ako ng isa kanila. Ngumisi naman ako ng palihim. "Natatae ako. Kailangan ko magCR."
Sandaling natigilan ang lalaki na ikinangisi ko. Palalabasin mo ko o magkakalat ako ng lagim dito—ang trip ko.
"Tumae ka dyan."
Kumunot ang noo ko. "Haaa??? Ogag ka ba? Tatae ako....dito? Niloloko mo ba ako?"
"Kung natatae ka edi tumae ka dyan. Hindi ka pwedeng lumabas!"
Aba. Nanlalaban ka ha.
"Sige tatae ako rito pero di ko na kasalanan kung magsitakbuhan kayo sa baho. Pengeng pampunas ng pwet!" This time pati yung kasama nya ay napatingin na at sinenyasan sya.
"Bakit kasi ngayon pa??" Iritableng tanong nito sakin.
"Aba malay ko, ikaw ba kontrolado mo pwet mo? Di ka rin ba tinatraydor nyan?" Tila umusok naman ang ilong nya at saka pumunta sa kung saan. Naiwan naman kami nung kasama nya na nakatingin sakin. Sinenyasan ko naman sya ng kilay.
"Bakit? Ngayon ka lang ba makakakita ng gwapong lalaki na tatae?" Aniya ko na nakalabas pa ang mga kamay sa rehas at maangas na nakatingin sa kaniya. Napailing naman sya at nag-iwas ng tingin.
Ilang minuto akong nag-antay don sa lalaking umalis. Ng bumalik ito ay may dala itong tissue. Nakakatuwa na may tissue sa lugar nila. At may dala rin syang alcohol na di-spray.
"Teka. Parang gamit ko ata ito?"
"Natural. Alangan namang maghanap pa ako kung meron ka namang dala sa bag mo?" Abot nito sakin.
"Aba....akin na nga yan!" Padabog kong kinuha ang tissue at alcohol. Tumungo naman ako sa sulok. Nakatingin silang dalawa sakin.
"Oh baket? Gusto niyo makita kung paano umiri ng tae ang gwapong lalaki? O gusto niyo makita yung makinis kong pwet?" Ilang segundo silang natigilan hanggang sa nagsenyasan sila at saka ngdecide na umalis. Naiwan naman ako ritong hawak ang tissue at alcohol.
Binitawan ko ito at dali-dali ko silang sinilip. "Mga uto-uto...."
Anong akala nila? Talagang tatae ako? Ha. Syempre gawa-gawa ko lang yun.
Tumungo ako sa sulok at saka sinubukang tibagin ang biyak na naroon. How lucky me pansit kanton. Mayroong biyak yung pader rito at para bang dati pa itong sira na tinapalan lang. Sinipa ko ito ng malakas at gamit ang piraso ng bakal na nakuha ko sa katabing selda ay pinukpok ko ng pinukpok ang pader. Kahit papano ay nabibiyak ko na ito.
Pero dahil maingay ito ay ineexpect ko na, na maririnig nila yung ingay. Ilang gabi ko na pinaplano ito and I can only do this one time only. I think I've been in here for about two days? At ayoko ng magtagal. Malamok! Madumi! At higit sa lahat walang Frisk. Kating kati na ako yakapin ang baby ko. Mga lechugas sila!
Tinibag ko ito ng tinibag. Tumayo ako at kasabay ng huling sipa ko ay ang ingay ng mga hakbang ng mga tagabantay ko. Di na ako lumingon pa at saka ako lumusot sa butas. The last thing I heard from them is their scream and calling out for back up.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Pussy
Fantasy"Meron akong pusa. A very unique one. And I won't share. Nag-iisa lang to..........mainggit kayo." I'm inlove with my Pussy by EyefulAiry Genre: Fanstasy, Comedy, Romance and Fiction Date Started: 11/12/19 Date Ended: 05/01/20