I'm inlove with my Pussy
By EyefulAiry
— CHAPTER ONE —
"Hoy ikaw." Nakahalumbabang tawag ko sa isang mungtubol na nakasalamin. Agad naman itong lumingon sa paligid.
"Dito sa taas, bobo." Nanginginig naman syang tumingala. Nasa second floor ako at nakadungaw sa bintana, habang sya nasa baba.
"A-ako p-po?" Turo nya sa sarili.
"Sayo nga ako nakatingin diba? Bobo ka ba?" Nababagot kong ani. Napalunok-lunok naman sya saka tumungo. Kumuha ako ng perang papel sa wallet ko saka inihulog sa kaniya, natataranta naman nya itong sinalo.
"Ibili mo ko ng burger tas soft drinks samahan mo na rin ng piatos. Yung malaki ha." Tumango-tango sya ng mabilis. "Bilisan mo, gutom na ako." Nagmamadali na itong tumakbo patungo sa canteen. Very good.
"Hoy Terrius the g*go." Nilingon ko yung siraulong tumawag sakin.
"Ano!?"
"Highblood ka pre? Hahaha." Si San Gabrielle pala. "Akala ko ba bababa tayo? Eh bakit nag-utos ka don sa binubully mo?"
"Tinatamad ako. Kayo na lang ni Tony bumaba." Humikab pa ako para lang makita nyang inaatake ako ng katamaran.
Umiling iling naman sya. "Nako ewan ko sayo. Pag ikaw nadale ng mga teacher at ng dean. Ewan ko na lang sayo haha."
"Di ako madadale kung walang magsusumbong. Teka, kung magsalita ka e para bang hindi ka tulad ko?"
"Medyo mabait ako kesa sayo." Kinunutan ko sya ng noo. Mas mabait raw. Wag kayong maniniwala dyan. Lahat naman ng t*r*nt*d* e sinasabing mabait sila kahit ang totoo ay hindi (-.-)
"C-Co...Coulter...." Agad akong dumungaw sa bintana at kita ko don si mungtubol bitbit ang mga pinabili ko. "E-eto na p-po..."
"Anong gagawin ko dyan?"
"H-huh?"
"Huh ka dyan. Ano? Ako pa maga-adjust sayo? Di ko makakain yan dyan. Umakyat ka dito. " Agad naman syang tumakbo patungo sa entrance ng building namin.
"Wew. Takot na takot ah."
"Aba, dapat lang."
Ilang minuto kaming nakatitig sa kawalan ni Gabrielle ng basagin ng isang tukmol ang katahimikan. "Heeey! Guys! Wazzup!!" Lahat ng mata namin ay napatingin sa pintuan. Andon si Tony may bitbit na kung ano kasunod si muntubol na agad agad na pumasok para iabot sakin ang pagkain ko.
"Keep the change. You may leave." Saad ko kaya umalis na rin sya agad. "Ano yan?" Tanong ko kay Tony.
"Chess board. Laro tayo." Tony.
"Kayo na lang. Uuwi na ako."
"Huuh???" Tony and Gabrielle in unison.
"Huuuh???" Paggaya ko. "Tch. Maka-react. Ba-bye."
"Huy! Pano yung gala naten?" Gabrielle.
"Next time na lang tinatamad talaga ako" I wave bye saka lumabas. Wala naman akong nakasalubong na prof ko kaya naman hindi na ako nahirapan pang lumabas. Kunware ay uwian na. Nang makalabas naisipan kong lakarin na lang hanggang kabilang kanto bibili ako ng bagong game para sa PS4 ko. Nakakasawa na yung mga laro ko sa bahay. Oras na para sa bago. And yeah. I don't mind cutting. Matalino na ako para mag-aral. Di ko na kailangan ang mga prof ko. Paulit-ulit na lang. Naunahan ko pa sila.
BINABASA MO ANG
I'm inlove with my Pussy
Fantasi"Meron akong pusa. A very unique one. And I won't share. Nag-iisa lang to..........mainggit kayo." I'm inlove with my Pussy by EyefulAiry Genre: Fanstasy, Comedy, Romance and Fiction Date Started: 11/12/19 Date Ended: 05/01/20