Thirteen

8.8K 207 2
                                    

"Bilin ng doctor mo na hindi ka ma-stress. Maselan ang pagbubuntis mo Elayne. Napag-usapan na namin ni Matthias ang magiging set up natin. Pumayag na siya na magpakasal kayo. Good thing he was the one who impregnate you, mas mayaman pa kay Glenn. Matalino ka naman palang bata ka." saad ng kaniyang ama habang kumakain ng apple.

"Sabihin mo din sakanya 'yong sinabi ni Matthias..." hindi niya masyadong narinig ang bulong ng mommy niya sa kaniyang daddy.

"Oo nga pala! Gusto ni Matthias sa bukas sa kanila ka na tumuloy. Kaya ayon at pinaimpake ko na ang lahat ng gamit mo. Nasabi ko narin ang nangyari sa'yo, nagpadala na siya ng sasakyan sa bahay para hindi na ikaw ang magdala sa mga bagahe mo. Huwag kang mag-attitude sa harap ni Matthias, Elayne. Binabalaan kita."

Hindi na sumagot si Elayne at patuloy lang sa pagkain. She doesn't want to argue with her daddy. Kung gusto niyang ipakasal kay Matthias then be it. Saan pa ba siya tatakbo? Sensitive ang pregnancy niya, ayaw niyang mapahamak ang baby niya dahil sa tigas ng ulo niya.

"Sabi nga rin pala ni Matthias, hindi ka na muna papasok sa hospital. Baka ano pang mangyari sa baby mo, ang hina-hina pala ng katawan mo."

She don't know but as time passed by, her daddy doesn't look concerned about her anymore. Ang pangit na niyang magsalita. Parang nag-iba na 'to.

"Tapos na po ako." she said in a low tone

Agad naman na lumapit ang mommy niya at kinuha ang pinagkainan niya.

"Dapat palakasin mo ang sarili mo Elayne, 'yang bata na 'yan ang dahilan kung bakit ka pakakasalan ni Matthias, baka mawala pa 'yan."

She just nodded and go back on her bed. She want to rest. Parang stress na stress na siya sa buhay niya.

Exhausted. It is what she is feeling right now.


























"El, are you sure with this?" Steffane looks at her with a worried expression.

"Yes Steff. My daddy wants me to marry Matthias. Isa pa, naisip kong my baby deserve a complete family."

Steffane is the one driving the car. Nakisuyo kasi si Elayne sakanya na ihatid siya sa tinext na address ni Matthias.

"Basta El ha, if ever something bad happens call me. Pupuntahan kita."

Steffane was a good friend. Kahit minsan lang sila magsama o magkita this passed few days hindi parin nagbago ang turingan nila sa isa't isa. Whenever needs her help, kaagad itong darating.

"If ever you need my help Steff. Call me, I will surely be there."

Steffane smile at her and nods.






















They stopped at the black long gate.

"Wow! Eto ba ang bahay ni Matthias dito sa Philippines? My God! This is beautiful!" napangiwi si Elayne dahil sa sinabi ni Steffane.

The house look fancy but she don't like the color of it.

"It's black." saad niya.

"Black is beautiful El. Hali ka na." hinila na siya ni Steffane kaya't nagpatiunod na lamang siya.

"Good afternoon guard!" bati ni Steffane sa guard na nasa loob ng gate.

"Sino ho sila?" tanong ng guwardiya habang palipat lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa.

"She's Elayne Valdez, Matthias fiancee." ngumiti si Elayne sa gwardiya.

"Naku! Ikaw pala ang sinasabi ni Sir Matthias, pasok ho kayo ma'am." agad na binuksan ng gwardiya ang gate.

"Hindi niyo ho ba ipapasok ang sasakyan niyo ma'am?" napatingin Si Elayne sa kaibigan.

"N-no, I have to go narin po kasi manong guard. Oh El, mag-ingat ka dito ha? Text me for updates, hindi nag kita masasamahan sa loob, baka matagalan ako kapag pumasok pa ako e." biglang binalutan ng kaba si Elayne, napahawak siya sa kamay ng kaibigan niya.

"Steffy, samahan mo nalang ako please. Alam mo naman ang story namin ni Matthias right? We were forced! Natatakot ako. Hindi ko pa kilala ang family niya." napailing si Steffane.

"I'm sorry El. I need to go, look oh. Mala late na ako. I have to go. Manong pakisamahan si Elayne sa loob."  walang nagawa si Elayne ng pumasok na ang kaibigan sa loob ang nag-start ng kotse.

Steffane beep before she start driving. Nakatitig lang si Elayne sa papalayong kotse habang hawak-hawak ang palad.

"Ma'am? Pasok na ho kayo. Kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Matthias." napaigtad si Elayne ng hawakan ng guwardiya ang balikat niya.

"A-ah opo."






























"Hahaha, man! I think your fiancee won't come. Maybe she changed her mind."

"F-ck man. Stop it, you're irritating."

"What's her name again?"

"I won't tell you again."

"Is she beautiful?"

"O-of course."

"Papatol ba naman si Matthias sa pangit, Noah? Think of it man!"

Namula si Elayne dahil sa narinig. Mula sa nakasiradong itim na pinto, rinig na rinig ang hiyawan ng mga kaibigan ni Matthias.

Nahihiya na nga siyang pumasok e.

"You will broke my cousin's heart man. She likes you a lot tapos ikakasal ka na pala. Nandito pa naman 'yon sa pilipinas matapos kong pagsabihan."

"Tsk. It was her fault after all."

She breath in and out before she decided to knock the closed door.

Her breath stop when after she knocks the door natahimik ang mga tao sa loob. After some seconds of waiting, bumukas ang pinto.

A guy came out from it.

"Hi!" she just smiled in response at humakbang papasok ng bahay.

"W-wait! She's Elayne!" saad ng isang lalaki, she smiled at all of them.

She looks at all the men inside the living room, huli niyang natitigan ang lalaking makakasama sa loob ng bahay na 'to.

Matthias cold eyes enter her soul. It gives chills on her.

"Oo nga 'yong friend ni Dominique."

"She's no one's friend." napatingin siya kay Matthias na tumayo.

Using his cold eyes lumapit 'to sakanya at inakbayan siya.

"I want you to meet my fiancee, Elayne Valdez and we're having baby." casual nitong saad

Halos lahat ng sampung lalaki sa harap nila ay napanganga.

"Weh?"

"F-ck yah. Sharp shooter ka man!"

"I-I can't believe it."

"How about Dominique?" napatigil sa pag ngiti si Elayne ng maalala ang lalaking 'yon.

"Dominique just her friend. I'm her soon to be husband."




-----UPDATED

Bad Romance: Marrying the Demon (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon