One father is more than a hundred schoolmasters. ~George Herbert.
Iba’t-iba ang klase ng mga presong nakakulong sa Pambansang Piitan na naka locate sa Muntinlupa. Isa sa mga presong iyon si Mang Jude na nadamay sa krimeng ginawa ng kanyang kumpadre at hinatulan siyang makulong ng anim na taon at apat na buwan. Ngayong araw ay lalabas na siya sa bilanguang nagging dahilan ng pagkalayo sa pamilya.
“ pre, huwag mo kaming kakalimutan pag nasa labas ka na” ani sa kanya ni Mang Jose na kapwa niya bilanggo sa kasong pagnanakaw.
“ oo naman at pangako dadalawin ko kayo lingguhan. “ ani niya sa mga kakosa
“ pangako yan ah! “ ani ni Mang Manuel sa kanya
“ oo at ipagdadasal kong ma-aprubahan na rin ang inyong mga petisyon. “ ani niya sa mga kakosa
“ salamat pre walang kalimutan ha! “ ani ni Mang Jose sa kanya.
Mag-isa siyang lumabas ng pambansang kulungan perobago pa man siya makalayo ay muli niyang nilingon ang kulungan hindi na niya muling nais balikan. Ipainagpatuloy niya ang kanyang paglalakad hanggang sa marating niya ang bahay ng kanyang inay Marcela sa Bayanan, Muntinlupa. Nakita ang kanyang ina na kasalukuyang nagwawalis sa kanilang harapan.
“ inay! “ tawag niya sa kanyang ina. Naphinto naman si Aling Marcela sa kanyang ginagawa.
“ Jude! anak! Diyos ko! laya ka na! “ samibit ng kanyang ina sa kanya saka yumakap ito ng mahigpit sa kanya.
“ oo nay at ito na ang matagal ko nang pangarap at natupad na aking hiling na makapiling kayo at ang mga anak ko.
“ Angelo, Chi-Chi, Karen! pumunta kayo dito nandito na ang inyong ama! “ tawag ni Aling Marcela sa kanyang mga apo. Sabay-sabay na lumbas ang magkakapatid at lumapit sina Angelo at Chi-Chi sa ama ngunit hindi si Karen dahil pumasok itong muli sa loob ng kanilng bahay.
“ ang lalaki niyo na ah! Binata ka na Angelo ng iwan kita pitong taon ka pa lang at bansot pa! “ ani niya sa kaisa-isang lalaking anak saka gunulo ang buhok.
“ tay naman! “ ani ni Angelo saka inayos ang ginulo buhok ng kanyang ama.
“ at ang aking bunso dalaginding na ! “ ani niya sa bunso niyang si Chi-Chi
“ itay! “ umiiyak nitong anis aka yumakap sa ama.
“ oh siya halina’t tayo’y magsipasok na sa loob ng makapagpahinga na ang inyong ama! “ ani ni Aling Marcela sa mga apo.
Nagluto siya ng makakain para kay Mang Jude na kasalukuyang nasa kanyang kwarto na inaayos ang mga gamit na dala-dala ng marinig niyang dumaan si Karen na may kausap sa telepono.
“ sana hindi na siya bumalik! Masaya na kami! ano pa ba ang kailangan niya sa aming tatlo? “ ani ni Karen sa kausap na narinig ni Mang Jude dahilan upang lumungkot ito habnag patuloy na inaayos ang kanyang mga gamit.
Alam niyang matagal siyang nawala kaya ganoon na lang ang inaasal ng kanyang panganay pero desidido siyang makabawi sa mga anak sa mga pagkukulang niya at sa anim na taon niyang pagkawala .
Makalipas ang dalawang linggo maagang nagising si Mang Jude upang pumunta sa nakatatanda niyang kapatid na matagal niyang hindi nakita at nagsilbing tagapag-alaga sa kanyang mga anak ng makulong siya.
“ Jude! Kailan ka pa lumaya? “ ani ng kanyang kapatid sa kanya saka tinapik siya sa likod.
“ nung isang linggo pa pasensya na ngayon lang ako nakadalaw sayo nagbonding pa kami ng mga anak ko. “ ani niya sa kapatid