Kay Tagal Kitang Hinintay

63 0 0
                                    

“sabi mo mahal mo ako pero ngayon iba na ang sinasambit mo! walanghiya ka ginamit mo lang ako, sinaktan” ani ni Janine sa kanyang kasintahang si JM

“mahal naman talaga kita at pananagutan ko ang bunga ng kapusukan natin” ani ni JM sa kanya

“pananagutan? pananagutan eh hindi mo nga ako magawang ipakilala sa mga magulang mo at sabihin ang kondisyon ko” ani ni Janine sa kanya

“kasi ilalayo ka nila sa akin kapag sinabi ko sa kanila na nakabuntis ako ng….” ani ni JM saka natigilan sa pagsasalita

“ng ano? ng isang bobang probinsyana na nahulog sayo isang walang backbone na gaya mo” ani ni Janine sa kanya saka tumakbo palayo sa binata.

“Janine!” ani ni JM sa kanya pero hindi na nito nagawa pa siyang habulin

Sa puntong iyon biglang napamulat si Janine at napatayo mula sa kanyang pagkakahiga sa kanilang papag. Limang buwan na ang kanyang dinadala at apat na buwan na lang ang kanyang hinihintay at isisilang na niya ang bunga ng kapusukan nila ni JM. Patapos na siya noon sa kanya short course ng mabuntis siya at mula ng ipaalam niya sa binata ang kanyang kondisyon isang buwan na ang kanyang dinadala. Halos limang buwan na rin siyang walang balita sa ama ng kanyang dinadala.

“alam na ba ng pamilya ng damuhong lalaki na yan na apat na buwan na lang ay isisilang mo na ang apo nila?” tanong sa kanya ng kanyang tiyo Marcel

“paano malalaman eh pati sa ama walang balita si Janine” ani naman ng kanyang kapatid

“kaya kong buhayin ang batang ito kahit wala sila” ani ni Janine saka tunayo at lumayo sa kanyang mga kamag-anakan.

Sumilip siya mula sa bintana ng kanilang bahay, hinimas niya ang malaking tyan at kinausap ang anak na nasa loob noon.

“anak, gagawa ng paraan ang nanay mabuhay ka lang”

“Janine!” ani ni James sa kanya saka kumaway na lumapit sa kanya

“uyy kailan ka pa umuwi?” ani niya dito

“kahapon lang naisip ko kasing daan ang lola ko dyan sa kabilang kanto buti na lang nakita kita” ani ni James sa kanya sa tiningnan ang kabuuan niya

“oh bakit?” ani ni Janine dito

“totoo pala ang sabi nila Rigor buntis ka nga, kung sa akin ka lang sumama ng oras na iyon hindi ka sana buntis ngayon baka prinsesa ka pa” ani ni James sa kanya

“naku ikaw talaga palabiro ka” ani ni Janine sa kanya

“ah mauna na ako ha baka naghihintay na sila lola sa akin, ah ito oh baka makatulong” ani ni James sa kanya saka inabot ang tatlong libong piso.

“salamat James makakatulong ito sa ipon ko para sa panganganak ko” ani ni Janine dito

“basta pag may kailangan nandito lang!” ani ni James sa kanya

“okay salamat ulit!” ani nito dito

Mula ng araw na nagtungo si James sa kanila palagi na itong doon tumatambay, nakikipag kwentuhan sa mga kamag-anakan niya at minsan ito ang kasama niya sa pagpapacheck-up.

“it’s a boy misis tyak akong kamukha siya ng ama niya” ani ng doktorang nag-ultrasound sa kanya

“ah eh ninong po” ani ni James saka ngumiti kay Janine

“ayy sorry” ani ng doktora

“matutuwa si JM nito lalaki ang anak niya alam mo naman yun diba yung mga biruan natin at kapag nagka-anak daw siya gusto niya lalaki” ani ni James sa kanya

Inspirational StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon