Ako si Charlene Samuel, isang estudyante ng San Roque Catholic School at nasa third year na ako sa high school. Buong buhay ko umikot sa school-bahay routine mahigpit ang parents ko lalo nasa pag-aaral gusto nila na laging matataas ang nakukuha kong mga grades at kailangan palagi akong nasa top. Naiinis na nga ako minsan kasi preassured na preassured ako sa kanila wala na silang ginawa kundi ang diktahan ako. Ngayong nasa ikatlong taon na ako sa high school mas lalong tumindi ang mga aral kaya kailangang kong tutukan ng maigi.
" Charlene! " tawag sa akin ng aking bestfriend na si Aya. Si Aya ang tanging kasama ko sa lahat ng competition na aking sinalihan at siya rin ang nagsisilbing trainor ko everytime na sasali ako sa mga competitions.
" uy, Aya! Akala ko hindi ka papasok ngayon? " tanong ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad papunta sa aming classroom.
" hindi nga sana kaya lang naisip ko may competition ka diba kaya pumasok ako. " ani niya sa akin saka ngumiti sa akin
" ah! salamat ha lagi kang nadyan para sa akin! " ani ko sa kanya saka kumapit ako sa kanyang mga braso
" naku! wala yun ano ka ba? magkaibigan tayo diba! " ani niya sa akin saka sabay na kaming pumasok sa aming classroom. 7am to 3pm ang klase namin at kapag breaktime namin ginugugol namin ang oras namin sa pag-aaral. Wala na nga akong time para sa mga kasayahan tanging kami lang mag bestfriend ang palaging magkasama. Nang mga oras na iyon kasalukuyan kaming nakain ni Aya sa school canteen ng lumapit ang sa amin ang campus hearthrob na si Joshua Sarmiento at inabot ang isang pirasong rosas sa akin.
" para sa iyo Charlene! " ani sa akin ni Joshua. Hindi ko maiwasan ang kiligin dahil napaka gwapo niya. Tinanggap ko ang rosas na bigay niya at ngumiti ako sa kanya.
" salamat ha! " ani ko sa kanya saka tumingin ako kay Aya na kasalukuyang nasa aking tabi na bahagyang nakasimangot.
" Ahmm Charlene tara na baka mahuli ka sa competition mo! " ani sa kain ni Aya saka isa-isang niligpit ang aking mga gamit.
" ah oo nga ahmmm Joshua salamat ulit sige mauna na kami! " ani ko kay Joshua saka sumunod na ako kay Aya. Habang naglalakad kami ni Aya napasin kong nag-iba ang mood niya kaya hinayaan ko lang at inisip ko na baka meron lang siya kaya paiba-iba ang kanyang mood. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa venue ng competition doon hindi na ako nakatiis na tanungin siya kung ano ang dahilan ng kanyang pagsimangot.
“ Aya, may problema ba? mula ng lumabas tayo sa cateen hindi ka na nagsasalita! “ ani ko sa kanya sakatiniklop ko ang binabasa kong libro.
“ wala wag mo akong intindihin meron lang ako kaya pabago bago ang mood ko! “ ani niya sa akin saka ngumiti. Nababagabag man ako pero hindi ko na intindi at least alam ko na may monthly period nga ang dahilan ng kanyang mood wings. Kilala ko si Aya hindi naman magagalit ng ganun-ganun lang siya kung simple lang ang dahilan. Para ko na siyang kapatid at naiintindihan namin ang isa’t-isa ng sobra sobra. Mabait siya at matulungin kaya hindi niya niya ako magagawa lokohin.
Kinabukasan hindi pumasok si Aya at hindi ko alam kung bakit kaya wala ako nakasama buong maghapon. Nagpunta ako sa court upang doon magreview ng may marinig akong nag-uusap mula sa likod ng court.
“ lagi na lang siya! siya na lang lagi ang magaling, siya the best, paborito ng mga teachers.at pati si Joshua siya ang gusto! gusto ko na siyang mawala.! “ ani ng tinig na nanirig ko ngunit hindi ko mabosesan.
“ pero bestfriend mo siya at matagal na rin kayong magkaibigan. “ ani pa nung isang tinig
“ kahit kailan hindi ko siya tinuring na kaibigan at ang gusto ko ay mawala siya sa panimgin ko! “ muling ani ng naunang tinig. Umalis ako sa court at umuwi habang naglalakad pauwi iniisip ko yung mga narinig ko.
“ sino kaya yung dalawang nag-uusap na iyon? “ tanong ko sa sarili ko habang naglalakad ako pauwi. Napadaana ko sa bahay nila Aya at sinilip ko ang kanyang kwarto ngunit madilim at walang ilaw sa bahay nila. Nang makauwi ako patuloy ko paring iniisip kung sino yung narinig kong nag-uusap at kung sino ang pinag-uusapan nila. Habang nagrereview ako narinig kong nag-aaway sila papa at mama na palagi naman nilang ginagawa.
“ sabihan mo yang anak mo na lumayo kay Aya baka kung ano ang gawin sa kanya noon. “ ani ng papa ko
“ magkaibigan ang si Aya at ang anak natin so bakit ko ilalayo si Charlene sa kaibigan niya. “ ani naman ng aking ina
“ basta hindi matino ang pag-iisip ni Aya alam mo yan baka saktan niya ang anak natin. “ ani ni papa kay mama
“ hindi pa alam ni Charlene na may psychological problem si Aya at ayaw kong layuan ng anak natin ang tinuring niyang kapatid. “ ani pa ng aking ina. Nagulat ako sa nalaman ko hindi ko alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Hindi ko mawari na may problema pala sa pag-iisip ang kaibigan ko.
“ kailangan ako ni Aya! “ ani ko sa sarili ko saka ako bumalik sa aking kwarto. Kinabukasan nakita ko si Aya ngunit hindi niya ako tinawag sa halip ay dinedma niya ako.
“ Aya! “ tawag ko sa kanya pero tinitigan niya ako ng masama kaya napa-urong ako. Lumapit siya sa akin at akmang sasaksakin ako ng gunting pero napigilan siya ni Sir Mike at ng mga gwardiya.
“ Charlene, mabuti pang lumayo ka muna kay Aya hindi na normal ang kanyang pag-iisip baka hindi lang iyon ang magawa niya sayo. “ ani sa akin ni Sir Mike
“ pero sir kailangan po niya ako kaibigan kop o siya. “ ani ko naman sa akin teacher
“ oo Charlene kaibigan ka niya pero hindi ngayon dahl wala siyang nakilala. “ ani ni Sir sa akin. Malungkot akong umuwi noon sa amin dahil nalaman kong pinasok na si Aya sa Hospital for Mental Health. Dumaan ako sa simbahan ng araw na iyon upang ipagdasal ang magiging kondisyon ni Aya.
Lumipas ang isang linggo at naisipan kong dalawin si Aya sa hospital. Pumasok ako sa kwarto niya at nadoon siya tahimik na naka-upo at nakangiting mag-isa. Tumingin siya sa akin at nginitian ako.
“ Aya si Charlene ito ang bestfriend mo! “ ani ko sa kanya
“ ang ganda mo naman dinadalaw mo ba ako? padala ka ba mula sa langit? “ ani niya sa kain na parang hindi niya alam ang kanyang ginawa.
“ Aya, bakit kailangan magkaganito ka? bakit ikaw pa? ikaw na lang ang kaibigan ko eh! “ umiiyak kong ani sa kanya
“ bakit ka naiyak? diba ang mga anghel hindi naiyak? “ tanong niya sa akin ngunit hindi ko iyon sinagot sa halip ay niyakap ko siya pero nagsisigaw siya at tinulak niya ako.
“ layuan mo ako walang hiya ka layuan mo ako ayoko na kitang makita umalis na kana mawala ka na! “ nagwawala niyang ani sa akin habang inaawat siya ng kanyang private nurse.
“ Aya tama na nandito na ako halika na! “ ani sa kanya ng nurse niya. Nang makatulog siya ay lumabas na kami ng nurse niya habang naglalakad kami nakwento sa akin ng nurse ni Aya ang dahilan ng pagkakaganoon nito. Nalaman kong narape pala si Aya ng araw na may narinig akong mga tinig mula sa likuran ng court. Ang galit niya sa akin ang nagpatindi ng sitwasyon. Naawa ako kay Aya pero hindi ko siya matutulungan tanging dasal na lang ang mabibigay kong tulong sa kanya. Pag-uwi ko sa amin sinalubong ako ng aking mama at sinamahan ako sa aking kwarto.
“ nakita mo ba si Aya? “ tanong sa akin ni mama
“ opo! naawa po ako sa kanya ma pero wala po akong magawa. “ ani ko sa mama ko
“ anak, naiintindihan kita pero dasal lang ang maibibihay natin sa kanya. “ ani sa akin ni mama saka niyakap niya ako ng mahigpit.
Mula ng maganap yung pangyayaring yun kay Aya nag-iba ang aking mga magulang supportive na sila sa akin at hindi na nila ako pinipilit na abutin ang mga gusto nila. Namimiss ko pa rin si Aya ang aking bestfriend na tinuring kong tunay na kapatid at kadugo.
One measure of friendship consists not in the number of things friends can discuss, but in the number of things they need no longer mention.
WAKAS