Sa loob ng halos limang taon naging magkasintahan sila ni Eljon na inilihim nila sa kanilang mga magulang. Half Chinese si Eljon samantalang half American naman si Cristal ngunit hindi iyon naging sagabal sa kanilang pagammahalan. Si Eljon ang naging inspirasyon ni Cristal upang pagbutihin ang kanyang pag-aaral. Naka graduate siya bilang salutatorian dahil sa naging pagsisikap niya sa pag-aaral. Matapos ang kanyang graduation ceremony niyaya siyang magdate ni Eljon.
“oh para sayo” ani ni Eljon sa kanya
“salamat” ani niya dito
“proud ako sayo kasi nakatapos ka” ani ni Eljon sa kanya
“sayo ako dapat magpasalamat dahil ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko para makamit itong medal na ito” ani niya saka hinubad niya ang medalya at isinabit iyon sa leeg ni Eljon
“sa akin mo inalay ito?” tanong sa kanya ni Eljon
“oo” ani ni Cristal sa kanya
“salamat” ani nito sa kanya
Nagtungo sila sa tabing dagat at doon nila pinanood ang paglubog ng araw. Madalas silang nandoon dahil naging bonding moment na nila ang mag swimming ng sabay. Si Eljon ang nagturo kay Cristal na lumangoy dahilan upang mapasali si Cristal sa swimming team ng mag-umpisa na siya sa high school.
“saan mo balak mag high school” ani ni Eljon sa kanya habang naglalakad sila pauwi
“ewan wala muna yan sa isip ang mahalaga ngayon makasama kita” ani ni Cristal
“Cristal!” sigaw sa kanya ng kanyang kuya
“kuya” ani ni Cristal
“kaya ka pala ginagabi minsan ng uwi ito palang lalaking ito ang kasama mo” ani ng kanyang kuya sa kanya
“kuya, mabait si Eljon hindi niya magagawa yung iniisip mo” paliwanag ni Cristal sa kanyang kapatid
“halika na uuwi na tayo!” ani nito sa kanya saka hinila siya palayo kay Eljon
“kuya saglit anu ba nasasaktan ako” ani niya pero walang naririnig ang kanyang kuya
Hila hila siya nito hangang sa makarating sila sa kanilang bahay kung saan naroon ang kanyang ina na kasalukuyang kausap ang tyang Celia
“yan yang magaling niyong anak lihim palang kasintahan ang Eljon na yun at iyon ang dahilan kung bakit laging gabi kung umuwi yan.” ani kanyang kuya sa kanya
“kailan pa anak? kailan pa?”sigaw sa kanya ng kanyang ina
“inay sorry” ani niya saka nag-umpisang umiyak
“sasama ka sa akin Cristal doon ka na titira sa maynila” ani nito sa kanya
“kuya hindi dito ako mag-aaral” matigas niyang ani dito
Wala na siyang nagaw pumayag na rin ang kanyang ina sa kagustuhan ng kanyang kuya na sa maynila na niya ituloy ang kanyang pag-aaral. Kinabukasan naging bisita nila ni Eljon ngunit hindi siya pinalabas ng kanyang kuya sa kanyang kwarto kaya naman nagkasya na lamang siya sa pakikinig sa usapan ng mga ito
“mahal ko po ang anak niyo nakiki-usap po akong makasama ko siya” ani ni Eljon sa mga magulang niya
“masyado pang bata ang anak ko para sa ganito seryosohang relasyon” ani ng ina ni Cristal
“malinis po ang intension ko sa anak niyo” ani niya dito
“may ipapakain ka ba sa kapatid ko? may buto ka na ba para paninidigan ito?” ani ng kuya ni Cristal
“mahal ko po siya” ani ni Eljon
“hindi mo pwedeng ipakain sa kapatid ko ang pagamamahal mo” ani nito saka pinaalis na si Eljon sa kanilang tahanan.
Umiiyak naman sa kanyang kwarto si Cristal ng mga oras na. Naging bato ang puso ng kapatid niya kung naman wala na siyang nagawa pa. Kahit ayaw niya nalalapit na ang araw na sasama siya dito papuntang maynila. Binalak nilang magtanan ngunit nahuhuli din sila ng kanyang kuya dahilan upang tuluyang paghiwalayin na sila nito. Dinala siya ng kanya kuya sa maynila at doon nag-aral hanggang sa kolehiyo.