Ang Pamanang Abanikong ni Lola

137 1 0
                                    

Isa sa mga paborito kong paglaruan sa mga gamit ng aking lola ay ang kanyang abanikong kupas at habang hawak ko yun gaganyahin ko ang kanyang pagpostura. Maglalagay ako ng blush on sa aking pisngi, konting lipstick at isusuot ko ang kanyang mataas na sapatos. Maglalakad ako na taas noo habang pinapaypay ko ang abaniko niyang kupas. Lalabas ako ng aking kwarto at maglalakad sa buong pasilyo ng aming kabahayan dala ang aking maliit pero cute na bag at naka-alampay na makulay na scarf sa aking leeg. Sa puntong iyon maabutan ako ni lola at magtatago ako sa kanya pero habol habol niya dala ang isang basang bimpo upang pahiran ang make-up sa aking mukha at sasabihin ang katangang

"ikaw na bata ka ang hilig mong paki-alaman ang aking mga kagamitan" 

Mananatili akong nakatitig sa kanya habang patuloy niyang pinupunasan aking mukha upang tanggalin ang mansta ng make-up na naisipan kong paglaruan. Makikita ko sa kanyang mukha ang mga guhit na likha ng kanyang katandaan. Sa edad niyang 64 hindi siya katulad ng iba na masungit dahil palaging siyang nakangiti sa akin. Minsan ko lang nakitang nagalit si Lola at iyon ay nung mamis-place ang kanyang abaniko pero kalauna'y nahanap rin naman. Hindi ko man alam ang kwento sa likod ng abanikong iyon inisip kong napakahalaga niyon sa aking lola.

"lola galit ka po ba?"

Matuwid niya akong tinitigan at inayos ang aking gulo-gulong buhok.

"kahit kailan hindi magagalit sayo si lola dahil ikaw ang kanyang paboritong apo"

ani niya sa akin saka itinayo niya ako saka inayos ang aking nagulong damit at tinaggal mula sa aking paa ang kanyang mataas na sapatos. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. Napatitig ako sa kanya tapos nakita kong may tumulong luha mula sa kanyang mga mata.

"lola, sorry po hindi ko na po uuliting paglaruan ang inyong mga gamit"

hingi ko ng tawad sa kanya saka yumakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mga mata at pilit na pinangiti

"ayos lang akong lola wag kang mag-alala"

ani niya sa akin saka muli niya akong niyakap ng sobrang higpit. Nagtungo siya sa kanyang kwarto bitbit ang mga gamit na aking pinaglaruan. Kinagabihan hindi ako makatulog dahil alam kong may problema si lola ko kaya naman naisipan kong puntahan siya sa kanyang kwarto at tabihan sa pagtulog. Papunta na ako ngunit narinig ang pag-uusap nila nanay at tatay sa sala at si lola ang kanilang topic.

"paano na ang nanay kung aalis tayo dito? alam mong may sakit ang nanay kaya hindi ko siya maaring iwan"

"ngunit hindi habang buhay pipisan tayo dito lumalaki ang mga anak natin"

"dadalawin pa rin natin siya huwag kang mag-alala"

"hindi! hindi ko iiwan ang lola!"

sigaw ko saka tumakbo pabalik ng kwarto at doon ako nag-iiyak. Narinig kong bumukas ang aking pinto pero hindi ko iyon nilingon. Masama ang loob ko kina mama at papa dahil naging napakadali nila magdesisyon na iwanan si lola after kami nitong alagaan.

Kinabukasan maaga akong pinuntahan ng aking lola sa aking kwarto at doon niyakap niya ako habang nakahiga ako. Ramdam ko ang mainit niyang yakap at kanyang bulong sa akin.

"hija, okay lang lola kung iiwan mo siya kasi alam kong mag-aaral ka pero palagi kang nasa puso ng lola"

napabangon ako at matiim na tumitig sa kanya bakas ang mga luha ko sa aking mata nang nagdaang gabi. Hindi ako nag-atubiling yakapin siya ng mahigpit at muli akong umiyak ng umiyak at ng mga oras na iyon kinantahan niya ako ng kantang palagi niyang kinakanta bago akong matulog.

"tulog na aking mahal na apo bukas ay isang bagong umaga na sasalubungin, sabay aawit ang mga bituin sa awitin kong ito. Tulog na mahal kong apo...."

naiyak ako ng husto pero inalis niya ako sa pagkakayakap mula sa kanya at pinahiran ang aking luha at maluwang na ngumiti sa akin at sinabing

"iyaking bata"

dahilan upang tumawa ako at muling niyakap siya at sinabi kong

"lola, ako pa rin dapat ang paborito niyo ha"

ani ko sa kanya 

"oo ikaw pa!"

Makalipas naming mag-usap ng aking lola ako'y naghanda sa aming pag-alis. Mabigat man sa aking puso ang gagawin namin pero inisip ko ang pangako kong babalik ako at aalagaan ko ang aking lola. Lahat ng gamit namin ay nailagay sa aming sasakyan. Nakita ko si lolang nakatanaw sa amin dahilan upang muli akong umaakyat at akapin siyang muli.

"iyo na itong aking abanikong kupas upang lagi mo akong maalala kung saan ka man magpunta"

ani sa akin ni lola saka yumakap sa akin muli ng mahigpit na mahigpit.

"mamimiss kita lola!" 

ani ko saka tumakbo palapit sa aking mga magulang at tuluyang sumakay ng aming sasakyan. At sa pag-alis ng aming sasakyan nakita ko ang luhang dumaloy sa pisngi ng aking lola. Luha na ngayon ko lang nakita, luha ng pangungulila sa akin na paborito niyang apo. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang pamanang abaniko at dumungaw sa bintan ng aming sasakyan at kumaway sa kanya.

Wakas........

Inspirational StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon