Everything I Do-FINALE

18 0 0
                                    

Pinilit ni Cristal na i-focus ang sarili niya sa kanyang pag-aaral hanggang sa tumuntong siya ng kolehiyo. Naging working student siya para matusutusan niya ang mga gastos niya sa kanyang kursong kinuha. Marami ang nanligaw sa kanya ngunit ni isa wala siyang pinansin dahil pag-aaral ang kanyang pinilit na isik-sik sa kanyang utak.

“Cristal, mag-apply ka ng scholarship para hindi ka na mahirapang maging isang working student” ani ni Jamie sa kanya na kaklase niya.

Nabuhayan siya ng loob at nagtake ng exams at sa kabutihang palad nakapasa siya dahilan upang umalwan ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos siya.

“ikaw pa rin ang laman ng puso ko Eljon”

Nabalitaan niyang nakapagtapos at nakapagtrabaho na sa maynila si Eljon pero hindi mahanap kung saan. Nagkasya na lang siya sa pangakong binitiwan nito sa kanya noong bago pa namang sila pinaghiwalay ng kanyang kuya.

“mahal mo pa rin siya noh?” ani ni Randy sa kanya

“hmmm oo wala namang nagbago” ani niya dito

“alam mo sis mukhang kinalimutan ka na niya alam mo bang noong umalis ka eh kaliwa’t kanan ang naging girlfriend niya” ani ni Randy sa kanya

“baka tsismis lang kilala ko siya mahal niya ako” ani niya dito

“malay mo totoo” segunda naman nito

Gabi gabi siyang umiiyak ng mga panahon na iyon mula ng malaman niya na tuluyan na siyang nalimutan si Eljon. Patuloy niya sinusumbatan ito pero hindi niya magawang magalit dito dahil mahal niya ito ng husto.

“pero hinanap ka niya sis kaso hindi ko lang tinuro ang kinaroroonan mo kasi ayoko ng makitang kang nasasaktan” ani nito sa kanya

“ano? bakit Randy? bakit hindi mo sinabi sa akin?” ani niya sa kanyang kaibigan

“eh kasi nga nakikita kong nasasaktan ka na kaya hindi ko na sinabi sayo” ani pa nito sa kanya

Umiyak siya ng umiyak hanggang sa mapagod siya pero nandoon pa rin ang sakit na bumalatay sa kanyang puso ng malaman ang mga ginagawa ni Eljon. Nasaktan siya dahilan upang magdesisyon siyang magtrabaho sa labas ng bansa. Apat na taon siya doon at kahit ganoon na siya katagal doon hindi pa rin niya nakakalimutan si Eljon.

“ui teh apat na taon na hindi ka pa rin nakakalimot?” tanong sa kanya ng kanyang kaibigan na si Randy

“hanggang ngayon nandito pa rin siya sa puso ko” ani niya dito

“hay pag-ibig maagang kang binulag nito kaya ngayon patuloy mong sinasaktan ang sarili mo, humahanap ka ng katulad ni Eljon pero hindi mo alam na nag-iisa lamang siya” ani ni Randy

“siguro nga nabulag ako sa pagmamahal nwithout securing kung ano ang magiging impact sa akin nito” ani naman niya

“malay mo magkita kayo this time at least makaka-usap mo siya” ani ni Randy sa kanya

Isang linggo ang nakalipas nagheld ang kanyang mga kaibigan at kaklase noon ng isang party kung saan lahat imbitado maging si Richard kasama ang misis nito.

“kamusta?” ani ni Richard sa kanya

“ayos lang eto empty” ani niya dito

“siguro naman hindi na ngayon” ani ni Richard sa kanya

“huh? what do you mean?” ani niay dito

“Cristal” ani ng boses mula sa kanya likuran dahilan upang lumingon si Cristal at laking gulat niya ng makita si Eljon.

“Eljon?” ani ni Cristal

“oo ako nga! wala ka pa ring pinagbago ikaw pa rin yung babaeng minahal ko ilang years na ang lumipas at ikaw pa rin yung babaeng handa kong balikan” ani ni Eljon sa kanya dahilan upang mapaiyak siya

“akala ko kinalimutan mo na ako” ani niya dito

“hindi ko kailanman makakalimutan ang babaeng nagpaligaya sa akin” ani ni Eljon sa kanya

“pero diba may asa—“ hindi na niya nagawang ituloy ang kanyang sasabihin dahil sinakop na ni Eljon ang kanyang mga labi.

Matagal na nagdikita ang kanilang mga labi at nang maghiwalay ito isang palakpakan ang kanilang narinig.

“ikaw pa rin ang mahal ko Cristal” ani ni Eljon sa kanya

“mahal na mahal din kita Eljon at walang nagbago” ani niya dito at muling nagdikit ang kanilang mga labi.

Wakas….

Inspirational StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon