Everything I Do-PART TWO

21 1 0
                                    

Sa ikalawang araw ng burol ng kanyang lolo muli niyang nakita si Richard kasama ang ma-epal nitong best friend na si Eljon.

“Hello panget” ani ni Eljon sa kanya

“pwede ba kung mang-aasar ka lang rin ang mabuti pa lumayas layas ka na okay” ani niya dito saka iniwanan niya ito.

“sungit” ani ni Eljon sa kanya

“ano?” sigaw niya dito

“wala” ani nito sa kanya saka tinalikuran siya.

Lumakad namang palayo si Cristal pero muli siyang lumingon upang tingnan si Richard sa tabi ni Eljon. Hindi niya maiwasang kiligin dahil sadyang napakagwapo nito pero ng makita niyang nakatingin din ito sa kanya nanakbo siya papasok ng kanilang bahay.

“ateng, pinabibigay ng may crush sayo” ani ni Randy sa kanya. Si Randy ang pinaka close niyang kaibigan sa probinsya nila.

“sino?” ani ni Cristal

“ayun oh” ani nito sa kanya saka itinuro ang gawi nila Richard

Muntik na siyang mapasigaw sa kilig kahit na hindi direktang tinuro ni Randy si Richard. Nakangiti siyang pumasok sa kanilang bahay at hanggang sa pagtulong niya sa mga gawaing bahay sa burol ng kanyang lolo hindi nawawala ang ngiting nakabalatay sa kanyang mga labi.

“crush niya rin ako! ang saya! ang saya saya!” ani niya sa kanyang sarili habang nasa labas

“okay ka lang teh” ani sa kanya ni Randy

“oo naman” nakangiti niyang ani

“may sapi siguro to” ani pa nito sa kanya

“hoy loka wala no” ani niya

“weh? siguro kinilig ka kasi may nagbigay sayo ng bulaklak” ani nito sa kanya

“hindi ah” palusot niya

“asus teh kilala kita paano kung hindi pala si Richard ang may bigay” prangkang ani ni Randy sa kanya

“siya ang may bigay nun” ani niya dito

“well bahala ka” ani ni dito

“talaga” ani niya dito

Sinasanay na niya ang sarili niya dahil napag-alaman niyang doon pala sila mananatili hanggang sa makapag-babangluksa sila sa pagkamatay ng kanyang lolo. Sasamahan nila ang kanyang lola na mahina na rin ang kalagayan. Naging pabor naman iyon kay Cristal dahil araw-araw na niyang makikita si Richard.

Sa araw ng libing ng kanyang lolo buhos ang mga emosyon ng kanyang ina at maging ng kanyang mga tyahin at tyuhin. Nanatili siyang naka-alalay sa kanyang ina na patuloy sapagtangis sa libing ng kanyang lolo. Nang matapos ang libing nagdesisyon silang umuwi pero siya dumaretso sa school nila Richard upang panoorin ang basketball match nito sa kabilang school.

“ikaw talaga kakalibing lang ni lolo nandito ka na agad” ani ni Randy sa kanya

“eh bakit ba?” ani niya dito

“ewan sayo” ani nito sa kanya

“ikaw din naman” ani niya dito saka muling sumulyap kay Richard.

Maingay ang buong paligid at naroon ang tension dahil sa kumpetensya sa at ng matapos ang laban tinanghal na panalo ang school nila Richard at Eljon. Lalapit sana siya kaso may isang babaeng lumapit kay Richard upang punasan ang pawis nito. Nakaramdam siya ng selos at inis sa babaeng iyon.

“siya ang girlfriend ni Richard” ani ni Eljon sa kanya

“huh?” gulat niyang sambit

“oo kaya hanggang pantasya ka lang sa kaibigan kong yan” ani nito sa kanya

“tse!” ani niya dito saka dali-daling umuwi na sa kanila

Habang pauwi siya hindi niya mapigilan ang kanyang luha sa pag-agos niyon mula sa kanyang mga mata. Ang sakit para sa kanya ang makita ang unang crush niya sa piling ng iba dahilan upang ganoon na lamang ang kanyang maramdamang emosyon.

Inspirational StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon