Everything I Do-PART ONE

39 2 0
                                    

everything I do…. I do it for you…

Kasalukuyang naglilinis ng sala si Cristal ng dumating ang kanyang ina galing sa palengke. Naabutan siya nitong nag di daydream sa isang sulok ng kanilang sala malapit sa kanilang bintana.

“ayan dyan ka magaling mangarap ng gising” sigaw sa kanya ng kanyang ina saka binatukan siya ng abaniko nitong dala

“aray nay masakit yun” ani niya sa hinimas yung parteng hinampas ng kanyang ina

“para magising ka!” singhal nito sa kanya

“nay, walang masamang mangarap saka libre yun eh” pilosopo niyang ani dito

“aba’t nasagot ka pa hoy Cristal nuwebe anyos ka palang saan ka natutong sumagot ng pabalang?” galit na ani sa kanya ng kanyang ina

“nay kasi naman eh!” ani niya dito

“he! oh ito dalhin mo na doon sa kusina ng magkapakinabang naman sayo at tawagin mo ang batungan mong kapatid pagkatapos mo dyan” ani nito sa kanya

Mabait ang kanyang ina kaso may pagka pranka lamang pero kahit ganoon ito mahal niya ito higit pa sa lahat. Maingay man ito tinitiis na lang niya dahil lagi niyang sinasa-isip ay ang maging proud ito sa kanya.

 “aling Sol!” sigaw ng isa nilang kapitbahay dahilan upang mapalabas siya sa kanilang kusina

“oh Tindeng bakit ba humahangos ka?” ani ng ina ni Cristal sa kanilang kapitbahay na si aling Tindeng.

Malapit ito sa kanila kaya naman hindi na ito naging iba sa kanila. Ito ang unang tao kanilang nalapitan ng minsang magkasakit siya at kinailangang isugod sa ospital. Madalas din nilang mautangan ito kung kaya naman naging malapit sila dito.

“ang tatay mo patay na” pagbabalita ni aling Tindeng sa kanila dahilan upang magulat ang kanyang ina

“ang tatay” ani ng kanyang ina na gulat na gulat dahilan upang himatayin.

Hindi magkandamayaw sina aling Tindeng at Cristal dahil sa katarantahan. Magkatulong nilang binuhat ito at inupo sa kanilang sofa set. Pinaypayan ito ni aling Tindeng habang mabilis namang kumuha ng malamig na tubig si Cristal.

“Cristal, ang nanay mo masyadong nerbyosa” ani ni aling Tindeng sa kanya

“ginulat niyo na ho kasi kaya ayan” ani niya dito

“ayy sus kilala niyo naman ako ganoon talaga ako” ani nito sa kanya

Nang mahimasmasan ang kanyang ina agad nilang pinaliwanag ang tunay na lagay ng kanyang na nasa probinsya. Nang araw na iyon dali daling umuwi silang mag-ina doon upang tumulong sa burol ng kanyang lolo. Ayaw man niyang sumama pero napilitan siya dahila aalalay sa kanyang ina incase na mahimatay na naman ito.

“ate Celia” umiiyak na ani ng kanyang ina sa kanyang tyang Celia

Halos mabingi siya sa iyakan ng kanyang ina at tiya Celia dahilan upang lumabas siya upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa kanyang paglabas nakita niya ang crush niyang si Richard na naka-upo sa labas kausap ang bestfriend niyang si Eljo.

“ui nandito na pala si panget” ani ni Eljo sa kanya sa nilapitan siya

“mas panget ka” mataray na ani ni Lhyne kay Eljo

“Eljo, wag mo na ngang asarin si Cristal namatayan na nga siya ng lolo” ani ni Richard sa kanyang bestfriend

Asar siya kay Eljo pag tinatawag siya nitong panget which is not true dahil bukod sa maamo niyang mukha, magandang buhok at kahit nuwebe anyos pa lang kitang kita na ang mahubog niyang katawan. Mabait si Cristal, masunuring anak at masipag mag-aral dahilan upang maging proud sa kanya ang kanyang ina.

“Cristal, tawag ka ni tyang Sol” ani ng kanyang pinsan sa kanya

“sige susunod na ako” ani niya saka muling sumulyap sa kanyang crush na si Richard

halos magtatalon ang kanyang puso dahil pinagtanggol siya ni Richard laban sa pang-aasar ni Eljo sa kanya.

“ang sweet niya at ang bait pa” ani niya sa kanyang sarili habang tumutulong sa kanyang ina sa kusina.

Dumadagsa na ang kanilang mga malalayong kamag-anak at ibang nakikiramay sa pagkamatay ng kanyang lolo. Nanatili namang may ngiti sa labi ni Cristal ng maipagtanggol siya ni Richard. First time niyang mafeel yung kakaibang tibok ng kanyang puso dahilan upang mapangiti siya ng walang kadahilanan.

Inspirational StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon