“Cristal, saglit” sigaw ni Eljon sa kanya saka hinabol siya
“bakit ba?” sigaw niya dito “aasarin mo na naman ba ako ha?” singhal niya dito
“hindi ibibigay ko lang ito” ani ni Eljon sa kanya saka inabot ang isang panyo at rosas
“sayo galing yung rose na binigay ng kaibigan ko sa akin?” ani ni Cristal dito
“oo” mahinang tugon ni Eljon sa kanya
Mabilis na nanakbo palayo sa binata si Cristal daretso pauwi sa kanilang bahay. Doon naabutan niyang nakasimangot ang kanyang ina.
“saan ka nanggaling?” tanong nito sa kanya
“dyan lang po” ani naman niya dito
“kalilibing palang ng lolo kung saan saan ka nagpupunta nais mo bang sundan ang lolo mo?” ani nito sa kanya
“hindi po pasensya na po nay” ani niya saka nagtungo sa kanyang kwarto upang magpahinga.
Hindi mawala sa kanyang isipan ang makita si Richard sa piling ng iba at ang pagtatapat ni Eljon sa kanya. Hindi niya lubos maisip na si Eljon pala ang lalaking nagbibigay sa kanya ng rosas araw-araw. Naiiyak siya ng mga oras na iyon pero pinipigil niya dahil dingding lang ang pagitan sa kanyang kwarto at sa kwarto ng kanyang ina na mahimbing na ring nagpapahinga. Halos hindi siya dalawin ng antok kung kaya naman nagbasa na lamang siya ng mga libro niya sa eskwela.
“dito mo na tatapusin ang iyong grade 5 at dito mo na rin ipagpapatuloy hanggang sa makagraduate ka” ani sa kanya ng tiya Celia niya
“opo tyang” ani niya dito
Teacher sa higher level ang kanyang tyang Celia dahilan upang mabilis niyang makapasok. Mula ng pumasok siya sa eskwelahang pinagtatrabahuhan ng kanyang tyang Celia ay i-pinokus na niya ang kanyang sarili sa mga aralin upang makatapos siya at makahabol.
“Cristal, pwede ba kitang maka-usap?” ani ni Eljon sa kanya
“tungkol saan?” ani naman niya dito
“tungkol kagabi alam kong nabigla ka pero matagal na kitang gusto kaya nga palagi kitang inaasar kasi gusto kong makuha ang atensyon mo” ani ni Eljon sa kanya
“wala na yun ayos lang yun” ani niya dito
“pwede na ba tayong maging magkaibigan?” tanong ni Eljon sa kanya
“oo naman” ani niya dito
“salamat Cristal” ani ni Eljon sa kanya
“walang anuman mauna na ako ha tutulungan ko pa ang inay” ani niya dito
“ihatid na kita” ani ni Eljon sa kanya
Makalipas ang araw at buwan naging malapit sina Eljon at Cristal hanggang sa opisyal siyang ligawan nito. Sampung taon palang siya noon samantalang nasa edad kinse na si Eljon at matapos ang ilang buwang ligawan opisyal na silang naging mag kasintahan. Inilihim nila iyon sa kanyang mga magulang dahil ang alam ng mga ito ay mag-ibigan sila. hatid sundo siya nito sa eskwela at sa bahay.
“alam mo bang tuwang tuwa ako ng sagutin mo ako Cristal” ani ni Eljon sa kanya habang hawak ang kanyang kamay
“ako din naman at ang sarap sa pakiramdam” ani niya dito
“mahal na mahal kita Cristal” ani ni Eljon sa kanya
“mahal na mahal din kita Eljon” tugon niya dito
“lahat gagawin ko huwag ka lang makitang nasasaktan” ani nito sa kanya
“ang sweet naman parang yung kantang Everything I Do do it for you?” ani niya dito
“ganun na nga at gusto ko ako ang nag-iisang lalaking kakanta ng kantang iyon para sayo” ani nito sa kanya
“salamat Eljon” ani niya dito
Masayang masaya sila ng mga oras na iyon na tila wala ng darating na bukas. Walang pasidlan iyon dahil nag-uumapaw iyon sa kanilang mga puso. Bawat paligid ay halos langgamin sa kanilang paglalambingan. Bawat araw at buwan na sila’y magkasama ay pinupuno nila ng pagmamahal sa isa’t-isa. Para kay Cristal si Eljon na ang lalaking nais niyang makasama sa habang buhay at ganun din naman para kay Eljon.