Dedicated to Mayummiiii
*****
MAGANDA ang bungad ng araw sa loob ng isang tahanan na kinabibilangan ng isang mag-asawa at isang bata.Walang humpay ang pagsayaw ng kulay dilaw na kurtina na nakasabit sa bintana ng kwarto habang ang malakas na hangin ay patuloy ito na dinadala.
Hindi rin naman matigil ang paghawi ng buhok mula sa isang batang babae na naka-upo sa sahig ng kwarto. Kahit wala na siyang halos makita dahil ang buhok niya ay dinadala ng hangin papunta at pabalik sa kanyang mukha ay 'di niya alintana.
Ang mga mata niya ay nakatutok lang sa doll house na kanyang pinaglalaruan mula pa kanina. Ang doll house na iyon ay regalo ng kanyang ama noong ika-pitong taong gulang niya. Ang laruan na iyon ay halos hanggang bewang niya ang laki kaya sa tuwing nilalaro niya iyon ay sabik na sabik siya.
Maya-maya ay bigla siyang lumingon sa bintana at saka bumalik ng tingin sa kanyang laruan. Sa 'di malaman na dahilan ay kumurba paibaba ang kanyang labi at saka huminga pa siya nang malalim.
"Mas masaya sana kung may kasama ako rito," malungkot niyang bulong.
Habang iniikot-ikot niya ang isang laruan na hugis lutuan ay nagliwanag muli ang kanyang mukha. Ang mga ngiti niya ay tila nakaisip ng isang ideya.
Mula sa pagkaka-upo ay mabilis siyang tumayo at saka tumakbo palabas ng kwarto. Ang mga maliit niyang hakbang ay sapat na para mabilis niyang buksan ang pintuan at nagmadaling tumakbo aa pasilyo ng kanilang tahanan papunta sa kwarto ng kanyang mga magulang.
"Mama! Papa!" Masiglang tawag niya habang patuloy na tinatahak ang isang silid.
"Don't do this! Please!"
"Your child is too young! She needs a father."
Natigilan siya sa pagtakbo nang makarinig ng isang boses na tila umiiyak at nagmamakaawa. Sigurado siya na ang mga boses na 'yon ay galing sa kanyang mama.
"Watashi wa saru hitsuyō ga arimasu!" (I need to leave!)
Ang mga singkit na mata ng batang babae ay napamulat dahil sa narinig. Tila na-estatwa siya sa kanyang kinatatayuan nang tuluyang bumukas ang pintuan ng kwarto kung saan naroon ang kanyang mga magulang.
"Please! Your child needs you!" Umiiyak na sumamo ng kanyang mama.
Nang tuluyang bumukas ang pinto ay kusang tumulo ang mga luha ng kanyang mga mata nang makita na nakaluhod ang mama niya sa harap ng kanyang papa.
Hindi ito matigil sa pagyuko habang bumubuhos ang mga luha at ang mga kamay ay nakakapit sa paanan ng isang lalaki na may hawak na maleta at bag.
"Papa. Mama," mahinang tawag niya pero sapat na iyon para marinig siya ng kanyang magulang.
Sabay naman na napalingon ang mag-asawa at tila 'di nila inaasahan ang presensya ng bata.
"Mayumi!" Tawag ng kanyang ina at mabilis nitong nilapitan ang anak.
Ang maputing kutis sa mukha ng bata ay unti-unti nang namumula dahil sa mahinang paghikbi nito.
"I need to go. I'll be late in my flight," seryosong saad ng kanyang ama na hindi man lang makatingin sa bata.
Sinundan ni Mayumi ng tingin ang bawat hakbang ng kanyang ama at isang pag-iyak ang pinakawalan niya.
"Where are you going, Papa?"
Tila nabuhusan naman nang malamig na tubig ang ama ng bata kaya tumigil ito sa paglalakad. Mabilis siyang lumunok at saka pumikit sandali. Ilang saglit ay dahan-dahan siyang tumalikod at hinarap ang kanyang anak.
Ang mga hikbi at iyak ng bata ay sumasabay na sa mga iyak ng kanyang ina. Nanatili siyang nakatayo habang hinihintay ang pagharap ng kanyang ama.
Nagtama ang mga mata nila at saka siya naglakad palapit sa ama. Lumuhod naman ang kanyang ama dahilan para magkapantay silang dalawa.
"I need to go back in Japan, Mayumi. Your papa needs to be there," paliwanag ng ama habang hinahagod nito ang buhok ng bata.
"W-Why? W-What about me and mama?" Halos pumiyok pa ang boses niya nang tanungin iyon sa kanyang papa.
"You'll be good in here," simpleng sagot ng ama.
Yumuko naman si Mayumi at tila pinipigilan ang sarili na bumuhos ang masakit na damdamin.
"Kailan ka po b-babalik?" Muli niyang tanong at tila anumang oras ay wala ng humpay ang pagbuhos ng kanyang damdamin.
"Shiranai..." (I don't know)
Nang marinig iyon ni Mayumi ay tuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha at tila wala ng patid ang bawat paghagulgol niya.
"But I promise that I'll see you again, Mayumi. I promise, my dear."
Bago pa magbago ang isip ng papa niya ay tumayo na ito at saka muling binitbit ang dalang maleta at bag. Mabigat ang puso niyang tumalikod at sa bawat paghakbang niya ay sumasabay ang mga hagulgol ng dalawang babaeng iiwan niya.
Sa sandaling iyon ay unti-unting bumabalik ang mga masayang ala-ala sa isipan ni Mayumi. Ang mga masasayang ala-ala niya kasama ang kanyang papa. Ang mga oras na hindi sila mapigilan sa paghalakhak sa tuwing naglalaro sila ng kanyang ama. Ang mga panahon na masaya at buo ang kanyang pamilya.
Sa mga segundo na lumilipas ay tila namulat sa reyalidad si Mayumi. Sa bawat luhang pumapatak sa kanyang mata ay hindi pa rin maalis ang tingin niya sa amang tuluyan nang nakakalayo sa kanila.
"Papa!!!" Humahagulgol na tawag niya sa kanyang ama.
Hindi niya pinansin ang ina na kanina pa rin umiiyak dahil mabilis niya muling hinabol ang kanyang papa.
Walang siyang ibang inisiip kundi ang katotohanan na hindi na muling mabubuo ang kanyang pamilya. Ang katotohanan na iiwan siya ng kanyang papa. Hindi niya inisip kung gaano kadelikado ang tumakbo pababa ng hagdan at hindi niya na rin pinakinggan ang mga tawag mula sa kanyang ina.
"Papa!!! Don't leave!!!" Pumipiyok niyang sigaw habang ang mga luha ay walang tigil sa pagbuhos.
Pero huli na. Huli na bago niya pa napigilan ang kanyang ama. Huli na dahil tuluyan nang sumara ang pinto ng kanilang bahay. Huli na dahil 'di na siya muling nilingon ng kanyang papa.
Tuluyan na siyang bumagsak sa sahig nang marinig ang pagsara ng kanilang pintuan. Kasabay n'on ang paghagugol niya nang sobra.
Sa murang edad ay naramdaman ni Mayumi ang malaking kawalan sa buhay. Sa murang edad ay tila nagkulang ang dating buo niyang pagkatao. At sa murang edad ay para bang kinuhanan siya ng isang piraso na alam niyang 'yun lang ang bubuo sa buhay niya.
Walang iba kundi ang kanyang ama. Ang ama na nagparamdam sa kanya ng saya. Ang ama na binigay ang lahat sa kanya ngunit ngayon ay wala na.
Wala na dahil iniwan na sila. Iniwan sila sa panahon na kailangan niya ng ama. Tanging ang kanyang mama na lang ang naging kasalo niya sa buhay.
Naramdaman niya ang mga yakap mula sa kanyang ina at doon na nagsimula na magbago ang kanyang buhay.
~~~~~~
![](https://img.wattpad.com/cover/217421600-288-k614122.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING YOU
Romance[PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING] Mayumi was a half Japanese and half Filipino woman who was longing for her father. Since the day that her father left until she became an adult, she always felt incomplete. Her greatest dream was to find her fath...