[Marco]
"Mayumi! Hey! Where are you going?!" Singhal ko sa babaeng aking sinundo sa airport.
Bigla na lang kasi siyang tumakbo kung saan kaya walang pagdadalawang-isip ko siyang hinabol. Halos madapa pa ako sa bawat pagtakbo na aking ginagawa. All my life! I've never been chase a woman before!
Nadatnan ko siyang hinihingal na naka-upo sa daanan ng mga tao. Ano bang problema ng babaeng 'to?
"Papa," bulong niya na saktong narinig ko lang. Iginala ko ang mata ko sa paligid ngunit bumungad sa akin kumpol-kumpol na mga tao.
Itinayo ko siya at saka na dinala sa sasakyan. Habang nasa byahe ay panay naman ang pangungulit niya sa kanyang mga salita. Tila walang nangyari kanina sa bawat ngiti na sumisilay sa kanyang labi.
"Bakit ka tumakbo kanina?" Tanong ko habang nakatitig sa kanya.
"Pilipino ka?!" Tanging tugon niya sa akin.
"Malamang! Ano akala mo sa akin hapon? Mas gwapo pa ako sa hapon noh!" Usal ko kasabay ng pagngisi ko sa kanya.
Natawa naman siya sa akin at saka na rin siya nagsimula na asarin ako. Nalaman ko rin naman agad ang dahilan niya sa pagtakbo kanina kaya bigla akong nakaramdam ng awa.
Masakit din kasi sa akin na makakilala ng isang tao na may broken family. Nakaka-alis ng pagkalalake ang mga amang nang-iiwan ng anak.
Sa unang araw niya sa trabaho ay naging maganda naman ang takbo nito. Sa mga oras na iyon ay tila pinaglalaruan ako ng tadhana dahil bigla na lang siya umalis ng apartment niya pagkatapos ng duty namin sa restaurant.
Bakit ba ang kulit ng babaeng 'yun?!
"Umuwi na tayo, Yumi."
"Hahanapin ko pa si Papa."
Huminga ako nang malalim at saka siya tinitigan habang 'di inaalis ang mga kamay ko na nakasuklob sa kanyang palad.
"Sasamahan kita na hanapin siya."
Sa 'di malamang dahilan ay nangako ako na tutulungan ko siyang hanapin ang papa niya. Tila may tumutusok kasi sa aking puso nang makita ko siyang nahihirapan at ang kagustuhan niyang makasama ang kanyang ama.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na paghahanap namin sa kanyang ama. Sa panahon na iyon ay mas lalo akong napalapit sa kanya at alam ko sa sarili ko kung ano ba 'tong nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya.
"Good afternoon, Marco. I already found the address of Mr. Mitzuka Hakamori but we also found out that he was in comatose since last week. He was admitted in Osaka Hospital."
Natigilan ako nang marinig iyon sa kabilang linya ng cellphone. Paminsan-minsan pa akong sumulyap sa kanya at may bakas ng pagtataka ang kanyang mukha.
"Alright! Wait for me for thirty minutes." Binaba ko ang tawag at mabilis na niliko ang kotse pabalik ng apartment.
Panay ang tanong niya sa akin ngunit walang salita ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Alam ko na mahihirapan siyang tanggapin kapag nalaman niya ang kalagayan ng kanyang ama.
Alam kong mali pero tinago ko ang lahat sa kanya. Gabi-gabi ang pagdalaw ko sa hospital para hintayin ang paggising ng kanyang ama. Halos inuumag na rin ako dahil sa pagbabantay.

BINABASA MO ANG
FINDING YOU
Romansa[PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING] Mayumi was a half Japanese and half Filipino woman who was longing for her father. Since the day that her father left until she became an adult, she always felt incomplete. Her greatest dream was to find her fath...