Chapter Eight

96 8 0
                                    

[Mayumi]

"The subscriber cannot be reached. Please try again later." 

Marahas kong binitawan ang cellphone sa lamesa nang marinig muli ang mga katagang iyon sa cellphone.

Buong araw ko na yatang kino-contact si Marco ngunit hindi man lang ako nakarinig ni isang salita sa kanya. Hindi na nga rin siya pumasok sa trabaho ngayong araw hanggang sa magsasara na ang resto ay hindi siya nagpakita.

Magmula nang manggaling kami sa train station ay tila isang kidlat ang dumaan at bigla na lang nagbago ang lahat. Mas dumalas ang pag-alis niya at walang may alam kung saan siya pumupunta.

Dumating na rin sa puntong hindi na siya pumapasok. Nagpatuloy 'yon nang mahigit isang buwan. Pati ang paghahanap namin kay papa ay nagkaudlot-udlot dahil hindi na rin niya ako kinakausap. 

Sa tuwing kakausapin ko siya ay iniiwasan niya ako. Sa tuwing hihintayin ko siya umuwi ay tila isang anino lang ako na hindi niya nakita sa harapan ng pinto ng apartment niya. 

*****

"Marco!" Singhal ko nang makita siya sa aking harapan. 

Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo sa tabi ng apartment niya at saka siya sinundan ng tingin.

"Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?" Magkasunod na tanong ko ngunit tila isang hangin lang ako na nakatayo sa gilid niya. 

Pagkabukas niya ng pinto ay mabilis na siyang naglakad papasok. Dahil doon ay agad ko rin nahila ang braso niya. Nagtama ang mga mata namin ay binigyan ko siya ng isang nagmamakaawang tingin. Iniwas niya ang mata niya at marahas na pumikit. 

"It's none of your business, Yumi! Bumalik ka  na sa apartment mo! Nagsasayang ka lang ng oras sa akin!"

Natulala ako at kusang bumitaw ang mga kamay ko sa kanya. Iyon ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. Ang unang beses na naging iba ang tingin ko sa kanya. Pumasok siya ng apartment niya at saka na ako iniwan na tulala sa labas.

Magtatatlong buwan na ang pananatili ko rito ngunit mas naging komplikado pa ang lahat nang dahil wala akong ideya sa kung ano ang pinagkakaabalahan niya.

Kahit naging masakit para sa akin ang pagbabago ng pakikitungo niya ay hindi ko iyon pinansin. Ngunit kung alam ko lang na iyon na pala ang huling araw na makikita ko siyang ngumiti at sumaya ay hindi ko na sana iyon hinayaang mangyari. Kung alam ko lang...

"Yumi..." 

Rinig kong may tumawag sa akin. Mabilis kong pinunasan ang luha na pumatak sa aking mga mata. Mabilis akong lumunok at saka nakangiting humarap sa taong tumawag sa akin.

"Tristan, why are you stilll here? Do you need something?" Tanong ko nang hindi man lang maitama ang mata sa kanya.

"The restaurant is closed already. Let's go?" Tanong niya naman pabalik sa akin. 

Iginala ko naman ang aking mata at napansing wala ng ibang tao bukod sa aming dalawa. Bumalik ang tingin ko sa kanya at saka pekeng ngumiti. Tumayo ako sa pagkaka-upo at saka mabilis na dinampot ang bag at cellphone sa lamesa. Sinundan ko naman siya sa paglalakad hanggang makarating kami sa labas.

Siya ang naatasan na maglock ng restaurant habang ako ay tulala lang na nakatitig sa kalsada. Nang matapos siya ay saka ako muling lumingon at doon pa lang nagtama ang aming mga mata. Ang mata niya na nangungusap. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at ang kagustuhan na magtanong ngunit 'di nakatakas sa akin ang pagtikom ng kanyang bibig.

FINDING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon