Chapter Thirteen

102 6 0
                                    

THE LAST CHAPTER

[Mayumi]

Tatlong beses na katok ang ginawa ko nang makarating ako sa harapan ng bahay namin. Dala-dala ang aking mga gamit pati na ang pusong may halong pait.

Bumukas ang pinto kasabay nang pagsalubong ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Halos tumalon ako palapit sa kanya at saka pinulupot ang aking nga kamay sa kanyang likuran. Mahigpit na yakap ang ginawad ko hanggang sa tuluyan na muling bumagsak ang mga luha sa aking mata.

"Mama," tawag ko habang dinadama ang mga haplos niya sa aking likod.

"Ba't di ka nagsabi na uuwi ka na? Eh 'di sana nasundo kita," saad ni Mama sa gitna ng aming mga yakap.

Isang paghagulgol naman ang naging sagot ko sa kanya kaya nanatili kami sa posisyon na iyon ng ilang minuto.

"Wala na si papa, Ma."

Naramdaman ko ang pagbitaw niya ng kanyang kamay at saka niya ako hinarap. Kunot ang kanyang noo at bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo ba siya nahanap? Hindi kayo nagkita?" Sunod-sunod niyang tanong.

Muli naman bumagsak ang mga luha sa aking mata. "Wala na siya, Mama. He already left us. He's now peacefully sleeping above," naiiyak kong sagot sa kanya.

Walang pagdadalawang isip na kinuha niya ang mga gamit ko sa aking likod at saka iyon pinasok sa loob. Hindi siya kumibo sa aking mga sinabi ngunit bakas sa mga mata niya ang lungkot at pighati.

Sumunod ako sa mga hakbang niya patungo sa loob ng aming bahay habang bitbit ang aking bagahe. Iginala ko ang aking mata sa loob ng aming bahay nang makapasok ako. Walang pinagbago.

Ilang buwan lang ako nawala sa Pilipinas ngunit tila ilang taon ang lumipas dahil sa mga nangyari. Nang mailapag ni Mama ang mga bagahe sa sala ay muli siyang humarap sa akin.

Puno ng mga tanong ang kanyang mga titig ngunit nang umupo siya sa may sofa ay isang tanong lang ang naitanong niya sa akin.

"Anong nangyari, Yumi?"

Umupo ako sa tabi niya at sinimulan nang ikwento ang lahat ng nangyari. Wala akong pinalampas na detalye sa bawat mga salitang binibitawan ko sa kanya.

Simula nang dumating ako sa Japan. Pati nang makilala ko si Marco. Lalo na ang mga panahon na naging masaya ako na kasama siya. Sinabi ko rin ang mga oras na naghahanap kami kay papa hanggang sa malaman ko ang katotohanan.

Patuloy ang pag-agos ng mga luha sa bawat mabibigat na katagang aking sinasalita. 'Di ko rin pinalampas na sabihin yung panahon na nakilala ko si Meg. Ang natatangi kong kapatid kay papa. At pinakahuli sa lahat ay yung oras na nakita ko si Papa na wala ng buhay.

Lahat iyon sinabi ko kay Mama. Pati ang pagsisinungaling sa akin ni Marco at ang pag-aaway ng puso't isip ko na patawarin siya.

"Sa pananalita mo, mukhang napa-ibig ka sa kanya, Yumi," saad ni Mama pagkatapos ko ilahad sa kanya lahat ng pinagdaanan ko sa Japan.

Yumuko ako at saka lihim na pinunasan ang mga luha sa aking mata. Mahina akong suminghot at humikbi hanggang sa maramdaman ko ang mga yakap niya sa akin.

"Pero sobrang sakit ng ginawa niya, Mama. Masyadong nasugatan yung puso ko pero nakikipagdebate naman ang isip ko."

"Naintindihan ko yung nararamdaman mo. Masakit talaga ang unang pag-ibig, Yumi. Lalo na sa sitwasyon mo, mas doble ang sakit dahil sa pagkawala ng papa mo..."

FINDING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon