Chapter Three

119 10 3
                                    

[Mayumi]

"Papa!!!" Sa isang iglap ay nabitawan ko ang aking mga dalang gamit at saka mabilis na tumakbo sa kaliwang bahagi ng daan. 

Hindi ko rin inalis ang aking tingin sa matandang lalaki na nakita ko kanina.

"Mayumi! Where are you going?!"

Rinig kong tawag sa akin ng lalaking sumusundo sa akin. Hindi ko naman pinansin iyon dahil patuloy ko lang sinusundan ang imahe ng matandang lalaki.

"Hey! Hey!... You! You! Please take care of these baggages!" Muli kong rinig mula sa lalaki kanina. 

'Di ko maintindihan ngunit tila bumabagal ang takbo ng oras. Sa bawat hakbang ko ay tila mas napapalayo ako sa matandang lalaki na aking sinusundan.

"Excuse me!" Saad ko sa bawat taong makakabungguan ko sa pagtakbo. 

Malapit ka na, Yumi.

"Papa!" Tawag kong muli ngunit sa isang iglap ay dumagsa ang napakaraming tao sa aking harapan. Ang kanilang paglakad ay walang katapusan papunta sa kaliwa't kanan. 

Nawala ang tingin ko sa aking sinusundan at nang maubos ang mga tao sa aking harapan ay 'di ko na muling nakita ang matandang lalaki.

Hinihingal ako na tumigil sa gitna ng daanan ng mga tao at ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod.

"Papa!" Naiiyak kong bulong sa sarili.

'Di ko namalayan ang pagbagsak ko sa sahig habang nananatiling tulala sa daan kung saan ko huling nakita ang matanda. Napayuko naman ako nang maramdaman ang mga tingin ng mga tao sa akin. Ramdam ko ang bigat ng aking puso at tila anumang oras ay babagsak na ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Nakakahiya ka, Yumi! Unang araw mo sa Japan gumagawa ka ng eksena!

"Mayumi!" Ang mga boses na 'yon ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad. Narinig ko ang mga hakbang nito sa aking likod.

"Are you crazy?! Why did you run?" Bakas sa boses niya ang pagod at pagka-inis dahil sa paghabol sa akin.

Wala na naman mailabas na isang salita ang aking bibig hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat at saka dahan-dahan akong inalalayan sa pagtayo.

"You know what?! I've never chase a woman before!" Inis niyang saad.

"I did not tell you to chase me," mahina kong sambit.

Lumingon siya sa akin kahit nakatingin lang ako sa kawalan. Magsisimula pa lang siya na lumakad ngunit natigilan na sa kanyang narinig mula sa akin.

Narinig ko ang mahina niyang pagngisi. "But you are my responsibility."

Napaawang ako ng labi nang marinig iyon. Tila umatras din ang mga luha na aking pinipigilan. Responsibilidad niya ako? Sabagay siya pala ang sumundo sa akin.

Ilang saglit ay nakita ko na lang ulit ang sarili ko na papasok na ng sasakyan. Ang lalaki kanina ang nagdala ng aking mga bagahe at nilagay iyon sa likod ng mini van.

Agaw pansin din ang mini van na sasakyan namin ngunit nanatili lang akong tahimik hanggang makapasok na sa loob. Napakunot naman ako ng noo nang makita ang lalaki na pumasok din sa back seat at tumabi sa akin.

Napalingon siya sa akin at saka sandaling nagtama ang aming mga mata. "Bakit? Ayaw mo akong katabi?" Tanong niya matapos umupo nang komportable.

Napamulat ako nang marinig ang mga katagang iyon sa kanya. "Do you speak Filipino?!"

"Oo naman noh! Ano akala mo sa akin hapon? Mas gwapo pa ako sa hapon eh." Malakas na hangin ang namuo sa loob ng sasakyan dahil sa kanyang sinabi.

FINDING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon