[Mayumi]
"Good Morning, Mayumi!" Bungad sa akin ng mga katrabaho ko pagpasok sa loob ng kitchen. Agad ko naman dinampot ang apron na nakasabit sa may gilid at saka iyon sinuot.
"Good Morning!" Bati ko rin sa kanila sabay yuko sa bawat taong makakasalubong ko.
Dumiresto naman ako sa may counter at kumuha ng isang basahan mula sa ilalim ng cabinet. Nakangiti akong naglakad patungo sa may mga lamesa at saka isa-isa 'yung pinunansan.
Halos isang buwan na ang lumipas simula nang mag-stay ako rito sa Osaka. Unti-unti na rin napapalapit ang loob ko sa mga katrabaho namin. Nawala na rin ang pagka-ilang ko sa iba at nasanay na rin sa pakikitungo nila. Hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na nakaisang buwan na ako rito.
Sa mga linggong lumipas ay patuloy pa rin ang paghahanap namin kay papa. Kasama ko pa rin si Marco sa mga oras na 'yon. Tinutupad niya pa rin 'yung mga sinabi niya sa akin. Nakarating na nga kami ulit sa Tokyo nung nakaraang day off ngunit wala rin kaming nakuhang kahit ano.
Matapos ang unang araw namin sa paghahanap ay tila sa isang kislap ay naging abala si Marco. Bukod sa pagma-manage ng Thuk-Thuk ay alam kong may iba pa siyang pinagkakaabalahan. Magmula kasi nang may tumawag sa kanya ay madalas na siyang nawawala na parang bula.
Tuwing pagkatapos kasi ng duty ay umaalis siya at hindi man lang nagsasabi kung saan nagpupunta. Nagpatuloy iyon araw-araw at wala akong ideya kung ano ang pinagkakaabalahan niya. Sapat na sa akin ang nakakasama ko siya tuwing day off. Sapat na 'yun para matulungan niya ako.
"Good Morning, Yumi." Ang mga boses na 'yun ang nagbibigay ng pag-asa sa akin sa bawat araw.
Nilingon ko ito at saka ngumiti. "Good Morning, Tanda!" Bati ko rin sa kanya.
Ang mga ngiti niya ay napalitan nang masamang tingin sa akin. Natawa naman ako at saka naman siya naglakad papasok ng kanyang office.
Nang matapos ako sa paglilinis ay bumalik na ako sa counter area. Habang binabalik ko ang mga gamit panglinis ay napukaw ng isang waitress ang aking atensyon.
"What's tanda?" Tanong niya pagkatapos kong lumingon. Nakaupo siya ngayon sa may counter area. Tumayo ako at saka ngumiti sa kanya.
"Tanda means old."
"Why are you calling him tanda instead of sir?" Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Sa palagay ko ay wala siyang ideya na magkaibigan na kami ni Marco.
"It's a friendly call sign, I guess," nahihiyang sagot ko.
Mula sa aking kinatatayuan ay napalingon sa pintuan nang makita na may pumasok na isang magandang dilag. Ang mga kutis ay nakakasilaw at ang lahat ay tila napalingon din sa kanya. Simple man ang kanyang suot ngunit para sa karamihan ay napaka-elegante.
Kumunot ang noo ko nang mapansin na pamilyar siya sa akin. Tinitigan ko siya nang matagal hanggang sa maka-upo siya sa bandang sulok ng restaurant.
Napatalon at napamulat nang mapagtanto kung sino ba ang babaeng iyon. Mabilis akong naglakad papunta sa pwesto niya at saka nagsuot nang malapad na ngiti.
Tumayo ako sa may harapan niya at yumuko. "Good Morning, Ma'am. What's your order?".
"Good Morning. I'll take the breakfast A in the menu," sagot niya habang 'di pa rin tumitingin sa akin.
"That's all, Ma'am?" Muli kong tanong. Tumingala naman siya at saka nagtama ang aming mga mata.
Napamulat siya at nagliwanag ang mukha nang makita ako. Tanging ngiti ang naibibigay ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/217421600-288-k614122.jpg)
BINABASA MO ANG
FINDING YOU
Romance[PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING] Mayumi was a half Japanese and half Filipino woman who was longing for her father. Since the day that her father left until she became an adult, she always felt incomplete. Her greatest dream was to find her fath...