[Mayumi]
"It's all your fault, Marco! You did not listen to me!"
"It's our fault, Megumi! You also lied to her! Besides, you agreed with my decision!"
"No! From the very start, I did not agree with you! Look what happened to her! I bet, she doesn't want to see you anymore!"
"I just didn't want to hurt her."
"But you hurt her the most."
Ang dalawang boses na iyon ang nakapagpagising ng aking diwa. Patuloy lang ako sa pakikinig sa dalawang boses na iyon at hindi na muna minulat ang aking mga mata. Maya-maya ay nakarinig ako ng mga salita na ayoko marinig mula sa kanila.
"Do you love her?"
Ang mga salita na iyon ang naging dahilan ng aking pagmulat. Iginala ko ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting paligid. Naramdaman ko naman ang pagtahimik atang 'di pagsagot ni Marco sa tanong ni Megumi.
"Papa," saad ko na saktong narinig lang ng dalawa.
Nakita ko ang pagliwanag ng mga mukha nila at saka agad na lumapit sa akin. 'Di ko pinansin ang mga sinasabi ni Megumi dahil tinitigan ko ang aking sarili na nakasuot ng asul na damit at may mga mahahabang tube na nakadikit sa aking balat.
"Yumi! How are you feeling now? Do you need something?" Sunod-sunod na tanong ni Megumi sa akin nang makaupo siya sa aking gilid.
Nilingon ko naman siya at saka umiling. Nang mapansin ko ulit ang isang pares ng paa sa kanyang tabi ay inangat ko ang aking ulo. Sumama ang paningin ko sa lalaking bumungad sa akin. Nakayuko siya at 'di malaman kung ano ang gagawin.
"Anong ginagawa mo rito? Ayaw na kitang makita 'di ba? Bakit nandito ka?!" Pagtataas ko ng boses sa kanya.
Hindi siya sumagot kaya muling bumaling ang tingin ko kay Megumi. "And you? Do you know him? Do you know each other?"
Lumukot ang mukha ni Megumi at bumakas ang lungkot sa kanyang mata. Tumango naman siya sa aking mga tanong.
"I'm sorry, Yumi. Sorry for not telling you the truth," nakayukong saad niya.
"Why?! Because of this man?!" Turo ko kay Marco na nanatili lang nakayuko.
Nangibabaw naman sa buong silid ang mga hikbi na nanggagaling kay Megumi.
"Ikaw! Anong pang ginagawa mo rito?! Ayaw na kitang makita! Umalis ka na rito! Stay away from me, Marco!" Napakagat ako ng labi habang pinipigilan ang mga luha na bumuhos sa aking mukha.
"Yumi! Hindi kita pwedeng pabayaan! Nangako ako sa papa mo na babawi ako para sa 'yo!" Pagpupumilit niya at saka lumapit sa aking gilid. Sinubukan niyang hawakan ang aking kamay ngunit mabilis ko iyon iniwas sa kanya.
"I said get out! Get out of my life, Marco!" Matapos kong sabihin iyon ay bumagsak na ang mga luha mula sa aking mata.
"Just leave, Marco. You know how much pain you've caused to her," bulong ni Megumi at sakto lang na narinig ko.
Kasabay no'n ang mabigat na pagbuntong hininga ang ginawa ni Marco habang ramdam ko pa rin ang mga titig niya sa akin.
"I will never be out of your life, Yumi. Hindi mo man ako mapatawad ngayon pero sana sa susunod na magtagpo tayo, handa ka na mabuo ko ulit ang puso mo."
Malakas na pagkabog ng aking dibdib ang namutawi matapos niyang sabihin ang mga salita na iyon. Narinig ko ang mabibigat na hakbang na ginawa niya hanggang sa muli siyang sumulyap sa akin. Saglit kaming nagkatitigan hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod at naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
FINDING YOU
Romance[PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING] Mayumi was a half Japanese and half Filipino woman who was longing for her father. Since the day that her father left until she became an adult, she always felt incomplete. Her greatest dream was to find her fath...
