Chapter Seven

99 8 0
                                        

[Mayumi]

Sa gitna ng katahimikan na namumutawi sa loob ng elevator ay 'di ko maiwasan ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Ang mga minuto ay tila naging isang oras sa sobrang bagal. Naramdaman ko ang mga titig ni Marco na ilang dipa lang ang layo sa akin. 

Tumingala ako sa kanya at kusang nagtama ang aming mga mata. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi at nakita ko na lang sa repleksyon ng elevator ang mga kamay niya na nakasuklob sa aking palad. 

"M-Marco," nauutal na tawag ko sa kanya.

Bumukas ang pintuan ng elevator at tanging ang mga hawak niya ang tumatangay sa akin palabas.

Hanggang sa makarating kami sa sasakyan ay hindi niya ako binitawan. Nawala lang ang hawak niya sa akin nang pumasok na ako sa may passenger seat ng sasakyan. Hindi rin naman mawala ang ngiti niya sa labi mula kanina hanggang sa makapasok din siya.

"Ang weird mo, Tanda!" Usal ko nang magsimula ng umandar ang sasakyan.

Humalakhak naman siya sa tawa habang nagmamaneho. Ang mga tawa niyang iyon ay tila naging isang musika sa aking pandinig. Sa gitna ng kanyang pagtawa ay inilihim ko ang pagngiti ng aking labi.

"Paano naman ako naging weird? I'm just doing what I want to do," ani niya.

'Di ko maintindihan ngunit tila palagi na lang mabilis na umihip ang hangin sa pagkatao ng lalaking 'to. Bigla-bigla na lang naging maamong tupa simula kagabi na nagtagpo kami sa apartment niya.

Huminga ako nang malalim at saka sumulyap sa kanya. 

"Dapat ganiyan ka na lang palagi, mas gwapo ka kapag ganiyan." 

Napatakip ako ng bibig nang mapagtanto ang aking sinabi. Mas lumawak naman ang kanyang ngiti dahil sa narinig. 'Di na tuloy matigil ang mabilis na kabog ng aking puso.

Sa pagkakataon na iyon ay pinagtikom ko na lang ang aking bibig sa gitna ng aming byahe. Ang direksyon na pupuntahan namin ngayon ay ang lugar kung saan namin maaaring matagpuan si Papa.

Sa bilis ng pagmamaneho ni Marco ay halos isang oras lang ang lumipas nang makarating kami sa pagitan ng Tokyo at Osaka. 

Mula sa bintana ng sasakyan ay natanaw ko na ang mahabang riles ng tren. Mula sa malawak na paligid ay nakita kong muli ang pinakakilalang bulkan sa Japan.

"Mt. Fuji," bulong ko habang nakatitig sa labas ng sasakyan.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan. Ginala kong muli ang  aking mata at tila nalula ako sa dami ng tao. 

Sumalubong sa akin ang ingay ng bawat tao sa paligid nang makalabas kami ng sasakyan. Kahit saan ako lumingon ay iba't ibang tao ang aking nakikita. Nagmistulang mall ang train station dahil sa dami ng nakapila at naghihintay ng susunod na tren. Mabuti na lang ay malawak ang buong train station at 'di masyadong nagsisiksikan ang mga tao. 

"Ito ang madalas na libangan ng mga tao rito. Panay ang gala at ang tren ang ginagamit nilang transportation," saad ni Marco habang naglalakad kami papunta sa isang waiting area.

"Dito ba yung lugar doon sa picture?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Yhup! Kaya ano pa hinintay natin?"

Ngumiti rin ako sa kanya. "Tara na!"

Tawanan ang namutawi sa aming dalawa nang maglakad patungo sa maraming tao at saka na kami nagsimula sa pagtatanong. Katulad ng aming ginagawa ay hiwalay kami sa pagtatanong. Nagpunta siya sa kaliwang bahagi ng train station at ako naman sa kanan.

FINDING YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon