Chapter 3 -Part 3: Hello DESTINY......

115 3 0
                                    

Nadine's POV:

Dub..Dub...Dub...Dub...Dub...Dub...Eto na naman ang puso ko...para na naman nagdi-dribble. Bakit ba feeling ko may nakatingin sa akin...no, feeling ko may nakatitig sa akin...Hmmm...malamang si Joseph tinititigan ako..Di siguro naka-recover sa ayos ko tonight. Pero, iba talaga ang feeling ko eh...bahala na nga.

Kinakabahan at kumakabog na naman ang dibdib ni Nadine simula ng pumasok sila sa pinto ng restaurant. Di nya alam kung bakit pero hindi na lang sya nagpahalata kasi alam nya na magwo-worry na naman ang mga kaibigan nya.

Yassi: "Friend, di ba galing tayo dito the other day? So I guess sikat talaga ang restaurant na ito noh?" (bulong ni Yassi kay Nadine habang naglalakad sila papunta sa naka-reserved na table nila)

Pagka-upo nila ay bigla naman magri-ring ang phone ni Nadine...

RINGGGGGGGGGG...RINGGGGGGGGGGG..

Nadine: "Hello? Opo nandito na po kami. Ok lang po sige po take your time. Ingat po, I love you." (sabi ni Nadine sabay hang ng phone) "Medyo male-late daw sila Mommy...they are stuck in traffic daw kasi..If we are hungry we can order na daw." (explain ni Nadine habang ibinabalik ang phone sa bag)

Yassi: "Well, I am not that hungry yet...we can order something light while we are waiting...or maybe just something to drink...what do you think Joseph?" (sabi ni Yassi sabay tanong kay Joseph na nagulat dahil nakatitig ito kay Nadine)

Joseph: "Ahm...kayo kung ano ang gusto nyo ok lang sa akin. Are you hungry na ba Nadz?" (nagulat at pautal-utal na sagot naman ni Joseph)

Nadine: (matatawa) "Are you ok 'Seph? Kanina ka pa kasi nakatitig sa akin eh. Kung nakakatunaw ang titig mo baka wala na ako dito kanina pa." (panunuksong sabi naman ni Nadine)

Yassi: "Huli ka...kasi naman, kung makatitig wagas...pwedeng kumurap friend para di masyadong obvious..Hahahaha" (nanunukso ring sabi ni Yassi)

Joseph: (magba-blush ito sabay angat ng kamay para tawagin ang waiter) "We'll have something to drink first...I will have soda please...what do you want Nadz? Red Tea just like always?" (tanong nito)

Nadine: (sasagot sana ito ng oo..pero iba ang lumabas sa bibig nya) "Lemonade please...less ice...no sugar...use honey to sweeten it please and add an extra slice of lemon on the side. Thank you." (sagot ni Nadine)

Yassi: (nagtatakang mapapatingin sa kaibigan) "Huh? kelan ka pa nahilig sa lemonade? at napaka-specific ha, may special instructions pa?...well ako house blend tea please. (mabilis naman na sagot ni Yassi)

Uulitin ng waiter ang order at tatalikod na ito.

Joseph: "Oo nga Nadz, kelan ka pa nahilig sa lemonade?" (takang tanong din nito kay Nadine)

Nadine: "I am not sure ha pero para lang kasi akong nag-crave bigla sa lemonade..(takang sagot nito sabay magbibiro) Bakit bawal ba mag-try ng ibang drinks? Kayo naman para yun lang eh." (malambing na sabi sabay pout) 

Sabay sabay silang matatawa sa sinabi at ginawa ni Nadine..Bigla naman tatayo si Nadine at magpapaalam.

Nadine: "Punta lang ako sa ladies' room." (nakangiting sabi nya sabay tapik sa balikat sa tatayo sanang si Joseph) "It's ok, wag ka na tumayo..I will be fine." 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang papunta si Nadine sa CR nagkakalkal naman ito sa bag nya..kaya di nya mapapansin ang padating na lalaki na mabubunggo nya....si James.

Nadine: "Ay, ano ba yan..."(mabibitawan nya ang bag nya) Dub..Dub..Dub..Dub..."Ano na naman ang nagyayari sa puso ko.."bulong nya sa sarili habang mabilis na pupulutin ang bag nya.

Mabilis naman na tutulungan ni James si Nadine sa nalaglag na bag..di sinasadyang mahahawakan nya ang kamay nito...Mapapatingin sila sa isa't-isa at magugulat.

Nadine & James: "You!" (sabay nilang sabi)

Nadine & James: "Ikaw yung..." (sabay ulit nilang sabi pero di nila itutuloy at matatawa sila)

James: "Sorry...nasaktan ka ba?" (concerned na tanong nito habang hawak pa rin ang kamay ni Nadine)

Nadine: (biglang babawiin ang kamay) "I'm ok, pasensya na medyo clumsy lang talaga ako...Ikaw yung nakabangga ko the other day, right?" (tanong nya kay James)

Ngingiti at tatango naman si James sabay abot ng kamay.

James: "Yes, ako nga. By the way I'm James...James Reid." (matamis ang ngiting sabi nito)

Nadine: "OMG, ang pogi nya at ang ganda ng smile nya" (sabi nito sa sarili habang inaabot ang kamay ni James at nakatingin dito) "Nadine....Nadine Lustre...nice meeting you." (at susuklian nya ng isang matamis na ngiti si James habang magkahawak ang kanilang kamay.

Bigla naman sisingit si Ericka...hahablutin ang kamay ni James at aakap sa braso nito..

Ericka: "James, what's taking you long? Kanina ka pa namin hinihintay ni Tita." (maarteng sabi nito habang tinitingnan si Nadine mula ulo hanggang paa)

Nadine: "Sige, maiwan ko na kayo..It was nice meeting you James." (nakangiting paalam ni Nadine sabay punta sa CR)

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's POV:

Naku mga dear readers nagkakilala na sina James at Nadine! Ano na ang mangyayari sa mga susunod na chapters? Na-eexcite na ba kayo? Sana nagugustuhan nyo ang flow ng story. COMMENTS and VOTES lang po para naman ganahan ako. SUGGESTIONS and DEDICATION REQUESTS pwede din po..

Heartbeat Love (JaDine FanFic Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon