Hay panibagong araw na naman, bumaba na ako at kinuha ang baon ko. Maagang umalis si ate kasi may pupuntahan daw siya. Hindi na ako nag-abalang magtanong pa dahil mukhang alam ko na kung saan ang punta niya.
Nang makarating ako sa ay agad akong natulog. Napaaga ang punta ko rito kaya may oras pa akong matulog.
"Eca?" napatingin naman ako sa babaeng nagsalita, kumaway kaway naman siya sakin at masayang lumapit. Sino na naman kaya to
"Hindi mo ba ako naalala?"parang hindi ko natatandaan ang ukha niya.
"baka nagkamali kalang hindi kita kilala." aalis na sana ako kaso hinawakan niya ang damit ko dahilan para mapatigil ako ano ba ang kailangan nito sakin.
"ano kaba mata mo palang alam kong ikaw na yan hehe" ang linaw naman ata ng mata niya para makita ang mata ko sa malayo.
"kung hindi mo ako maalala edi magpapakilala ulit ako sayo. Ako si Althea pinsan mo." teka lang akala ko ba nasa america siya ngayon, bakit kaya nandito to? sa pagkakaalam ko hindi na siya papabalikin dito.
"siguro nagtataka ka kung bakit nandito ako" oo nagtataka talaga ako
"eh-- pinalayas kasi ako samin." nagulat naman ako sa sinabi niya, siya yung pinakamamalaking apo samin kasi daw daw matalino. Ano naman kaya ang rason nito kaya napalayas sa kanila.
"Pero ginusto ko talagang mangyari to. Sakal na sakal na kasi ako kila mommy. Hayaan muna yun hahaha! nandito ako para samahan ka, by the way sa inyo pala ako matutulog" hindi na ako magtataka kung bakit ganyan siya. Tumango nalang ako sa kanya saka umalis ng classroom, alam ko namang hindi ako makakatulog ng dahil sa kanya ang daldal din kasi.
"Uy san ang punta mo? sama mo naman ako para makapaglibot ako dito?"
"magpasama ka nalang sa iba busy ako"
"Eh ayoko sa kanila wala akong tiwala" wala daw siyang tiwala eh siya nga tong marami kaibigan saming magpipinsan eh, kahit sinong makita kinakaibigan niya.
"Pano ka naman makakahanap ng kaibigan kung sakin ka sasama? isa pa busy talaga ako humanap ka nalang ng iba" magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na, alam kong hindi rin papatalo tong isang to.
"Seryoso ako wag ngayon"
"Fine , fine edi kitakits nalang tayo mamaya bye bye" salamat naman, bumalik na ako ng classroom saka ipinagpatuloy ang tulog ko, kailangan ko ng katahimikan ngayon.
***
"Natapos mo na ba ang assignment mo?" napatingin naman ako sa lalaking nagsasalita habang masayang hawak ang notebook niya. Teka lang familiar siya sakin ah
"uy Eca ok ka lang ba? kung hindi mo pa nagagawa eto yung notebook ko, wag kang mag-alala dinouble check ko yan." inabot naman niya sakin ang notebook niya samantalang ako nagtataka pa rin. Kilala ko ba to? eh parang hindi ko naman kaklase to ah.

BINABASA MO ANG
Make It Real
Sonstiges"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...