Ako ba ang hinahanap mo?" Nananaginip ba ako kung oo pakagising.
Imposible, panong nandito siya? Kamukhang kamukha niya ang lalaking ginuguhit ko kanina. Nababaliw na siguro ako dahil impomsibleng maging totoo ang ginawa ko. Baka akyat bahay lang to, oo tama hindi siya yun
"Sino ka!? At pano ka nakapasok dito!?" Lumapit naman siya sakin kaya napaatras ako
"Alam mo napaka kalimutin mo talaga" yung boses niya katunog na katunog nung nasa panaginip ko
"Umatras ka nga! Nangingidnap ka nu! Pano ka nakapasok dito ha!" Binigyan naman niya ako ng isang matamis na ngiti, akala niya siguro makukuha niya ako sa pangingiti ngiti niya pwes nagkakamali siya.
"Hindi po ako sindikato isa pa imposibleng hindi mo ako makilala" ipinakita naman niya sakin ang papel na hawak niya, yan yung papel na ginuhitan ko kanina ah. Nawala na yung litrato niya at tanging pirma ko nalang ang naiwan. Totoo ba talaga to?
"Hindi yan totoo! Nananaginip lang siguro ako" gisingin niyo naman ako, hindi na nakakatuwa.Naramdaman ko namang may kumurot sa pisngi ko kaya napamulat ako. Nakita ko na naman ang matamis niyang mga ngiti habang nakatingin sakin. So hindi nga panaginip to.
"Hindi ka Nananaginip"
"Pero pano? Anong- pano ka naman naging totoo?"
"Hindi ko din alam nagising nalang ako at nandito na ako sa kwarto mo" nice, may magic magic pa din pala sa modern world na to. Halata naman sa mukha niya na hindi siya nagsisinungaling, tsaka maraming security dito kaya imposible din na galing siya sa labas. Pero ang pinagtataka ko lang kung pano siya nakapunta dito, ano paniniwalaan ko nalang ang sabi niya na lumabas siya mula sa papel.
"Pano naman ako makakasiguro na hindi ka nagsisinungaling ha!" Napabuntong hiningan naman siya saka umupo sa kama, ang lakas din ng loob nitong umupo diyan ah.
"Diba sabi mo kanina ayos lang sayo na jowain ako kasi gwapo naman ako tapos ikaw pa yung gumawa sakin" natahimik naman ako sa sinabi niya ok nakakahiya yun ah ba't ko naman sinabi yun.
"Baka narinig mo lang yun sa labas! Tsaka hindi naman ikaw yung tinutukoy ko ah" ang gandang palusot Eca sound proof tong kwarto mo walang ibang makakarinig ng sinabi mo kanina kundi ikaw lang. So totoo nga to, ano naman gagawin ko sa kanya. Siguradong magtataka si ate kapag nakita siya.
"Kailangan mo munang magtago habang naghahanap pa ako ng matutulugan mo, hindi ka nila pwedeng makita." Hindi pa rin naalis yung ngiti sa mukha niya, mabuti pa siya pangiti ngiti lang.
"Eca may binili nga pala ako sayo? Oh hi nakaistorbo ba ako sa inyo?" Kapag minamalas ka nga naman ano naman kaya idadahilan ko dito. Lumapit naman siya sakin at ibinigay ang dala dala niya saka bumulong.
"May bisita ka pala ba't di mo sinabi sakin, pero iba ka din kapatid ha ang gwapo niyan" tinulak ko naman siya ng bahagya, yan na naman tayo kung ano ano naman ang iniisip niya.
"Pauwi na rin siya-"
"Wag mo na siyang pauwiin may pupuntahan din rin ako ngayon eh, dito mo nalang siya patulugin at nang may kasama kayong dalawa." Magsasalita pa sana ako kaso umalis na siya, hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko mula sa kanya. Pumayag ba talaga siyang matulog to dito? Ambilis naman ata niyang magdesisyon. Wala na akong nagawa kaya kumuha nalang ako ng unan at kumot niya. Bukas ko nalang ulit proproblemahin kung san siya matutulog.
"Ikaw ba ang gumawa ng lahat ng ito?" Tumango naman ako sa kanya, hinayaan ko muna siyang maglibot sa kwarto para di na lumabas.
"Oh anong gagawin mo diyan?"
"Naghahanap ng matutulugan niya"
"Di na kailangan pwede mo naman siyang patulugin sa kwarto mo, mukhang di ka naman kakagatin nun" ate ko ba talaga to, nagtataka na ako sa kanya.
"Yoko nga, hahanapan ko nalang siya"
"Magpapakahirap ka pa ba, bilis na dun mo na patulugin" wala akong tiwala sa lalaking yun
"Eca Costuva wag ka nang umangal, hindi ka kakakain bukas kapag hindi mp siya pinatulog sa kwarto mo, malamig dito sa sala kaya bilis na ibalik mo na yan" malamig din naman sa kwarto ah, sinunod ko nalang ang gusto niya dahil paniguradong hindi niya talaga ako pakakainin bukas kapag sumuway pa ako.Bumalik na ako sa kwarto at nakita ko siyang nakatitig sa isang picture frame.
"Oh ito na yung unan at kumot mo, maglatag ka kung san mo gusto"
"Mama mo?" Lumapit ako sa kanya saka kinuha yung frame na kanina pa niyang tinintingnan, ito yung drawing na ibinigay ko kay mama bago siya namatay. Ang ganda ng ngiti niya dito, kaso nga lang hindi ko na ulit nakita pa ang ngiti na ito.
"Ok ka lang ba?"
"Oo ok lang ako, kunin mo nalang din pala yung comforter sa cabinet." Umalis naman siya at naiwan akong hawak yung litrato ni mama. Kamusta na kaya siya ngayon, bakit ko pa ba tinatanong yun syempre masaya na sila ngayon ni papa.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Ang bilis naman niya, ibinalik ko na ang picture frame saka kumuha ng chalk at naglagay ng linya sa pagitan naming dalawa.
"Hanggang dito ka lang kapag lumampas ka ngayong gabi sa labas ka matutulog maliwanag ba"
Yes po mam!" Nakakabaliw tong araw na to.

BINABASA MO ANG
Make It Real
De Todo"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...