Chapter 6

12 0 0
                                        


"Gising na, kakain na daw sabi ng ate mo" ang ingay talaga ng mga tao dito. Hindi ba nila alam ang salitang katahimikan.


"Kung ayaw mo pang magising diyan hahalikan kita." Bigla ko naman siyang nasipa sa gulat, akala ko panaginip lang yun kagabi di pala.


"Aray, nagbibiro lang naman ako" wag kasing biruin ang tulog.


"Pasensya na kaw kasi eh, ba't ka nga pala nandito sa kama ko" hinilot hilot naman niya yung pisnging nasipa ko kanina, napalakas ata yung ginawa ko.


"Ginising lang naman kita, dahil kakain na" anong oras na ba?


Kinuha ko naman ang cellphone para icheck, ganun ba talaga katagal ang tulog ko. First time ko atamg magising ng 12.


"Oo na bababa na ako, sabihan mo si ate maliligo lang ako" hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya sa pisngi niya kaya nakonsensya ako. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko muna.


"Teka lang, wag ka munang umalis" pumunta naman ako sa cabinet para kunin ang first aid kit ko.


"Lumapit ka dito lalagyan ko nang gamot yang pisngi mo" hindi ko alam na malakas pala akong sumipa.


"Ano yang ilalagay mo?"


"Ointment, para madaling mawala yang sakit sa pisngi mo" tumawa naman siya, saka ibinalik ang kamay niya sa pisngi dahil sumakit. Yan tawa pa


"May bakal ba yang paa mo, ang sakit talaga nun kala ko nawala na yung pisngi ko."


"Wag mo na kasing ulitin yun, yan tuloy nasaktan kapa" nang matapos ay ibinalik ko na ang kit sa cabinet.


"Sige na bumaba kana at nang makaligo na ako" kumuha na ako ng damit saka pumasok sa banyo.


*

"Oh nandito ka na pala lika na umupo ka na dun at nang makapagsimula na tayo" pumunta na ako sa kusina at nakita ko silang dalawa na nag-uusap, iniinterview naman siya ng isa kaya parang nataranta siya. Umupo na ako sa tabi ni ate saka kami nagsimula.


"Kumain ka nang marami at wag nang mahiya"


"Maraming salamat po"


"Sus wag ka nang mag po nakakatanda" tumawa naman sila sa hindi ko malamang kadahilanan. Minsan talaga hindi ko sila nagegets.

"Nga pala Eca san kayo nagkakilala?" Ito na naman siya, ang dakilang reporter ng pamilya.


"Wag mo nang tanungin at kumain kana diyan" hindi na ako nagsalita pagkatapos, baka kung ano pa yung masabi ko.


Nang matapos kami ay agad akong tinawag ni ate kaya sumunod ako sa kanya.


"Nalaman kong wala na palang magulang yang kaibigan mo, kaya napagpasyahan kong dito na lang siya patirahin satin. Naawa kasi ako sa kanya, akalain mo yun nawala na yung mga magulang niya na nakawan pa yung perang ipinamana sa kanya, nakakaawa talaga" ano na naman kaya ang pinagsasabi nang isang yun kanina habang tulog ako.


"Pero bakit parang ang bilis mo naman atang magdesisyon ate, nagtataka lang naman ako sayo hindi ka nagtitiwala sa isang tao ng basta basta lang" ngumiti naman siya sakin saka napabuntong hininga.


"Alam mo kasi tama ka naman hindi nga ako nagtitiwala sa mga tao ng basta basta. Pero ang tulad niya, hindi na ako naghinala. Simula na mawala si mama hindi na kita nakitang may kinaibigan na kahit sino, palagi ka nalang nagmumukmok dito sa bahay. Kaya nga ang saya ko kagabi nang makita kitang nakikipag-usap sa iba. Nung una nagtaka ako kasi hindi ko inaasahan sayo na may kaibigan ka pala. Tsaka hindi din kita nakitang nag-alala sa iba, maliban lang sa kaniya. Kaya nga hindi nako nagtanong pa sayo tungkol sa kanya. Sa lahat ng tao ikaw ang mas pinag-kakatiwalaan ko. Alam ko namang hindi ka magdadala sa bahay ng taong kahina-hinala eh" si ate na ang nag-alaga sakin simula ng mawala ang mga magulang namin. I was lucky enough na naging kapatid ko siya.


"Ang haba nun ah, pero salamat kasi may tiwala ka sakin" lumapit naman siya sakin saka niyakap ako.


"Ano ka ba kapatid kita nu, tsaka seryoso nga ang gwapo niya bagay kayo." Hinampas ko naman siya ng mahina, hindi talaga mawala sa isip niya yan.

"Ikaw talaga ate" kumawala naman siya sa yakap naming dalawa at pinisil ang pisngi ko.

"Nga pala ano ba ang pangalan ng kaibigan mo?" Pangalan? Oo nga pala wala pang pangalan yun.


"Ano ahm- milo" really Eca ang dami ng pangalan na pwede mong sabihin yan pa talaga.


"Milo? That's a weird one hahaha but cute" anong cute para ngang aso eh.

"Sige na puntahan mo na siya, aalis muna ako. Mag-ingat kayong tatlo dito ha"



"Sige ikaw din ate mag-ingat ka" bumalik na ako sa loob at nakita ko siyang nagbabasa ng libro sa sala. Naisipan kong lumapit sa kanya para pag-usapan yung sinabi niya kay ate.


"Oh nandito ka pala, ang ganda nito nu" ipinakita naman niya sakin ang librong binabasa niya, one of my favourite books harry potter.


"Nga pala may itatanong ako sayo" napatigil naman siya sa binabasa niya at tumingin sakin.


"Ano yun?"


"Anong sinabi mo kay ate kanina?"


"Anong sinabi ko?" Hininaan ko naman ang boses ko at baka marinig ng isa.


"Sabi niya kasi sakin pumayag daw siyang dito ka tumira samin, ang galing mo din pala"


"Yun ba, hindi ko naman alam na papayag siya sa sinabi ko. Ang tagal mo kasing magising kaya napilitan akong gumawa ng kwento para hindi siya maghinala." Matalino din pala siya, pero nakokonsensya din ako kay ate, hindi ako sanay na magsinungaling sa kanya. 

 "Basta wala kang pagsasabihan kung san ka talaga nanggaling, kahit na walang maniniwala pero wag mo talagang sasabihin." Mahirap na baka mawala na yung tiwala ni ate sakin. 

 "Nga pala simula ngayon ang pangalan mo ay milo" ang panget ko namang magbigay ng pangalan. 

 "Pasensya na kung pangit, yun na yung nasabi ko kay ate eh"

 "Hindi,ang ganda nga eh" maganda pa ba yun? 

 "Pwede mo ba akong samahan?"

 "San?" San kaya to pupunta 

 "Gusto kong makita ang labas, kung ok lang sayo na samahan ako"

  hindi ko alam kung bakit umoo ako sa kanya, that's new to me pumayag akong lumabas. Pumayag naman si Althea na siya muna ang magbabantay sa bahay kaya sinamahan ko na siya para maglibot liboy dito. Mabuti nalang at alam ko ang pasikot sikot dito kahit na hindi ako lumalabas.

 "Alam mo may nabasa ako tungkol sa mga parke, meron ba kaya dito nun? Sabi kasi sa libro masaya daw dun." Ang inosente niya, kaya dun muna kami pumunta. Ang init pero marami pa ring mga bata dito sa labas. 

 "Ang saya nila, kaw ba pumupunta ka din dito?" 

 "Noon pero hindi na ngayon" 

 "Bakit naman?" Hindi ko naman nasagot ang tanong niya. Wala naman akong magandang rason para pumunta dito. 

"Basta"


 Nagpaalam naman siya sakin na may titingnan daw siya, pumayag ako at sinabi sa kanya na wag siyang masyadong lalayo dito. Umupo na lang ako sa isang bench at tiningnan ang mga taong dumadaan. Ganito pala ang pakiramdam na lumabas ng bahay tuwing hapon, pakiramdam ko ngayon lang ako nakalanghap ng sariwang hangin. Sa tingin ko hindi rin masama na lumabas kahit minsan lang. Masyado nga talaga akong nagmumukmok sa bahay. Pero hindi ko lang mapigilan, i want to have friends pero ako din ang lumalayo sa kanila. 

 "Para sayo, wag ka nang malungkot diyan" binigay naman niya sakin ang hawak hawak niyang bulaklak. Kinuha ko naman ito saka nagpasalamat sa kanya. 


Minsan nagtataka ako kung Bakit ka kaya dumating sa buhay ko.


Make It RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon