Nandito ako ngayon sa school as usual boring ang araw nato. Lumabas ako ng classroom at pumunta sa isang garden dito sa likod ng school. Busy sila sa pag-aayos nang mga booth ngayon dahil malapit na ang foundation day. Hindi na ako tumulong dahil sila na daw ang gagawa kaya magpapahangin nalang ako dito."Oy Eca nandito ka pala, patabi naman." Lumapit naman siya sakin saka sumiksik sa maliit na bench na ito. Nagkasya naman kaming dalawa dahil pareho naman kaming maliit.
"Anong ginagawa mo dito? Diba gumagawa kayo ng booth ngayon"
"Well nakakainis dun, naiirita ako sa class president utos ng utos wala namang ginagawa. Tsaka marami naman sila kaya na nila yun." Paniguradong nagkasagutan sila dun. Kilala ko tong isang to, kapag galit sasagot talaga.
"Ano ba ang booth natin dun?" Ganito ako kalate sa mga balita kahit mga programa namin sa classroom hindi ko alam. Hindi din naman ako umaattend ng meeting dahil hindi naman nakukuha ang mga suggestions namin. Yung mga officer pa rin ang gumagawa kaya ano pa ang silbi ko dun.
"Talaga lang insan ha hindi mo alam, eh ako nga hindi pa nakakaisang buwan alam na eh ikaw pa kaya."
"Hindi ako umaattend ng meeting kaya sabihin mo nalang." Nakita ko naman ang pagkadismaya niya habang kinukwento sakin ang tungkol sa booth.
"Yung booth natin ang PANGIT PANGIT, sino ba naman ang matino na gagawa ng horror house. Masyadong pambata, hindi naman nakakatakot. Marami namang pwedeng gawin na pwede tayong kumita pero yun pa talaga ang naisip ng maganda nating president. Teka lang matanong ko lang pano ba naging class president yun, sorry lang ha pero ang bobo niya."
Natawa naman ako sa sinabi niya, hindi na ako magtataka kung bakit naging ganyan ang reaksyon niya. Lahat naman ng taong nakakasalamuha ni Eris yung class president namin nagagalit sa kanya. Bakit naman hindi? Lahat ng gusto niya nasusunod. Hindi naman siya matalino pero nakuha niya pa ring makapasok sa top section dahil sa papa niya. She always wanted to be on top, kaya maraming reklamo dito sa school tungkol sa kanya. Pero wala silang magawa dahil ang pamilya nila ang founder ng school nato. At sa lahat ng estudyante dito sa school na to ako ang pinaka iinisan niya, hindi ko alam kung bakit at hindi na ako nag-abala pang alamin.
"Pwede naman tayong magbenta ng mga pagkain, o di kaya photo booth kasi I'm sure maraming pupunta diyan. Hindi tong boring na horror house. Sabihin na nating may papasok nga pero duh hindi na sila uulit sa itsura nun! Ang liit liit pa" wala pa talagang alam tong batang to.
"Well para sabihin ko sayo, tong section natin ang magkakaroon ng pinakamalaking makukuha." Binigyan naman niya ako ng mukhang nagtataka. Ganyan din ang magiging itsura ko kapag bago pa ako dito. Pero nasanay naman din ako kaya alam ko na ang magiging kalabasan ng booth nato.
"Pano naman?"
"Because of her, maraming mga estudyante dito ang takot sa kanya kaya sigiradong pupunta sila. It always happen every year kaya panigurado marami silang makukuha" dahil kung anong gusto niya siguradong makukuha niya.
"Siraulo nga talaga ang babaeng yan!" Natigil ang pag-uusap naming dalawa ng dumating ang kaklase namin. Mukhang napagod siya sa kakatakbo dahil pawis na pawis. Ano naman kaya kailangan nito.
"Pinapasabi nga pala ni Eris na kailangan niyo daw gumawa ng bagong booth niyong dalawa dahil hindi na daw kayo isasama sa booth nang section natin." Ano?
"Aba sino siya para paalisin kami ha!" Nakita ko naman ang takot sa mukha ng kaklase namin.
"Sa-sabi ni-niya kasi, pag daw hindi tumutulong ang mga members gagawa sila ng booth. Parusa daw to sabi ng mga teachers sa meeting nila." Napag-usapan ba talaga sa meeting o sya ang nag suggest, kaya pala hindi niya ako pinatulong kanina kasi ito ang plano niya.

BINABASA MO ANG
Make It Real
Altele"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...