Naiwan kaming dalawa ni milo dito sa bahay dahil may pinuntahan si ate, si Althea naman nakipag-usap kay lola para tulungan kami sa booth namin. At ako naman chill lang. Nakakainis lang kasi kanina pa tawag ng tawag tong Jay sakin, nakakaistorbo ng tulog tinatanong kung kailan ba daw kami magsisimula. Sinabihan ko nang magtanong kay Althea pero eto pa rin siya nakakaistorbo.
[Sige na kasi gumawa na tayo ngayon, gusto kong makalabas dito sa bahay. Ayokong magbasa sige na tulungan muna ko Eca]
bakit ko nga ba sinagot ang tawag nito.
[Umalis pa nga si Althea ok, hindi pa siya nakakabalik]
[Edi pupunta nalang ako diyan sa inyo]
sasagot pa sana ako kaso binaba na niya. Nako naman akala ko ba magiging payapa ang araw na to, dumagdag pa.
"Oh bakit nakabusangot ang mukha mo may nangyari ba?"
Marami siyang chocolate sa mukha, siguro nagluto na naman to. He always cook at hinahayaan ko nalang siya para may paglibangan naman siya. Umiling nalang ako sa kanya, saka pumunta sa kwarto para magbasa. Kinuha ko ang dati kong notebook na ibinigay sakin ni mama bago sila umalis.
She promised me na gagawin namin ang lahat na nasa notebook na to. Pero hindi pa kami nagsisimula wala na siya. Itinago ko nalang ulit yun saka humiga sa kama. It's been 3 years simula ng mawala sila ni daddy. Simula nun hindi na ko lumalabas. Sila lang kasi yung gusto kong kasama, kahit na minsan lang sila namin makasama dahil busy din sila. kaya naman masyado akong nabigla nang mawala sila samin, hindi pa nga kami nakakagawa ng memories wala na sila agad.
Matutulog na sana ako ng biglang nagtext si ate sakin.
From:Ate
I'm so sorry, hindi ako makakauwi ngayon, marami kasi akong trabaho kaya wag niyo na akong hintayin mamaya.
Ibinaba ko nalang cellphone ko saka hindi na siya nireplyan. Pangalawang araw na niya to. I guess marami nga talaga siyang trabaho.
"Nandito ka lang pala, yung kaibigan mo si jay ba yun?"
So pumunta talaga siya, bumaba na ako ng kwarto saka pinuntahan siya. Masaya niya akong sinalubong habang ako naman hindi. Umupo siya sa sofa saka kinausap si milo. Parang isang araw lang sila nagkakilala close na agad. Iniwan ko nalang sila para pumunta sa labas magpapahangin.
"San ka pupunta? Dito ka muna Eca parang di tayo friends ah"
"Hindi naman talaga"
"Ouch" umakto naman siya na parang nasasaktan, siraulo talaga to. Dahil sa pamimilit niya hindi na ako umalis para lumabas. Ang ingay niya kasi, para tumahimik naman.
"Bakit ka ba nandito?" Tinigil naman niya ang pagkain, nagluto na naman kasi ng cookies si Milo.
"Gusto ko lang tumakas, ayoko dun samin pabasahin ba naman ako ng mga makakapal na papel na yun. Ni hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasabi nila eh." At dito siya ngayon maghahasik ng lagim.
"Teka lang nasan pala si Althea?"
"Umalis nga" ininom ko yung juice sa tabi ko saka kumain ng cookies. Inaya ko si milo na samahan kami pero ayaw niya dahil daw may ginagawa pa siya. Ilang araw na siyang nag eeksperimento sa kusina. Ayaw namang ipakita sakin ang ginagawa niya kaya nacucurios ako.
"HEY GUYS!- oh nandito ka pala" kilala niyo naman siguro kung sino yan. Lumapit siya samin na parang nanalo sa lotto. Siguro nagtagumpay yung plano niya.

BINABASA MO ANG
Make It Real
De Todo"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...