Wake up sleepyhead malalate kana"
"Uy gising na malalate kana" ang ingay naman ng lalaking ito, hindi ba niya alam na inaantok pa ako.
"Ang hirap mo talagang gisingin kahit kailan."
Bigla naman akong napamulat sa narinig ko. At laking gulat ko nang makita ang isang lalaki sa kwarto ko. Hindi ko naman kilala to ah pano nakapasok to
"Si-sino ka at pano ka nakapasok dito ha!" Bigla naman siyang lumapit sakin kaya napaatras ako, aba manyak din pala to.
"Napakakalimutin mo talaga kahit kailan" siraulo ba to di ko naman siya kilala. Linibot ko naman ang paningin ko sa buong kwarto kasi baka hindi akin to.
"Eca, uy ECA! ECA!" Napamulat naman ako ng marinig ang boses ni ate, naku panaginip lang pala akala ko totoo na.
"Bumangon kana diyan may family dinner daw tayo ngayon tinawagan ako ni lola" gabi na pala napasobra ata yung tulog ko, at bakit naman kaya sila nag-aya ng family dinner kala ko ba galit sila samin.
"Sige susunod ako" ang sakit ng ulo ko, di bale na ililigo ko nalang to.
*
Nang matapos ay umalis na kami ni ate. Isa na namang malas na araw, pinatawag na naman kami nila para laitin.
"Alam ko yang iniisip mo chill ka lang ok"
"Gusto ko nang matapos agad to" masaya sana tong dinner kung kasama ko pa sila ni mama at papa, pero di naman mangyayari yun dahil wala na sila. Anong sumbat na naman kaya ang maririnig ko mula sa kanila. Paniguradong may sasabihin si lola, hindi naman dadating tong mga tito at tita ko kung simpleng family dinner paniguradong may importanteng sasabihin si lola kaya present sila.
Nang makarating kami ay bigla nalang silang nanahimik lahat. Mukhang kami nalang ang kulang ah.
"Magandang gabi po mga tito, tita" lumapit naman si ate saka humalik sa mga pisngi nila. Kitang kita ko naman ang pandidiri ng mga mukha nila, bakit ko ba sila naging kapamilya.
"Eca"binigyan naman niya ako ng bumati ka sa kanilang look kaya no choice binati ko nalang sila.
"Hi"
"Ah hehe pagpasensyahan niyo na po pagod lang talaga siya. Umupo kana dito eca" lumapit naman ako saka tumabi kay ate, wala pa rin pala si lola dito.
"Hintayin nalang natin yung lola niyo saka tayo magsisimula" tanging si ate lang ang sumagot, gusto kong sabihin sa kanya na wag na niyang ipilit ang sarili niya ngayon.
"Oh nandito na pala siya" tumayo naman kaming lahat saka ako nagmano sa kanya at bumalik ulit sa upuan. Inalalayan naman siyang umupo at nagsimula na kami.
"Masaya ako dahil nagkasama ulit tayong lahat ngayong gabi. O sya tayo'y magsimula nang kumain." Nagsimula na kami at tahimik lang ang lahat, nabasag lang ang katahimikan ng magsalita ulit si lola.
"Nandito tayong lahat ngayon dahil gusto ko nang sabihin kung kanino ko ibibigay ang kompanya naming mag-asawa. Alam niyo namang matanda na ako kaya't hindi ko na kayang magtrabaho pa. Kaya gusto kong ipaalam sa inyo na ang aking kompanya ay ibibigay ko na sa inyung dalawa ace at eca." Napatigil naman ako sa pagkain ng marinig ko ang pangalan naming dalawa ni ate, ganun din sina tito at tita.
"Ka-kami po?" Alam kong hindi makapaniwala si ate pati na rin nga ako. Lahat kasi sila ay matagal na sa trabahong ito kung kaya't alam na nila ang pasikot sikot sa pagpapatakbo ng kompanya. Nakakapagtaka lang kung bakit samin ibinigay
"Ma, ni wala nga silang alam sa pagpapatakbo ng kompanya, ba't sa kanila mo pa ibinigay" inaasahan ko nang sasabihin nila yan, sino nga ba naman kami para magpatakbo ng kompanya nila lola.
"Trinain ko naman si Ace matagal na. Isa pa matatalino silang mga bata I'm sure na kaya nilang palagui ang kompanyang itinayo naman nang papa niyo. Tsaka meron na kayong mga sariling kompanya, hindi niyo na kailangan ito."
"Really ma, o baka binibigay niyo lang sa kanila yan dahil apo niyo sila sa paborito niyong anak. Patay na nga si Ella pero siya pa rin ang pinapaboran niyo hanggang ngayon" bigla naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya ang pangalan ni mama. Hanggang dito ba naman isasali pa nila si mama sa mga nangyayari.
"Maghinay hinay ka sa mga sinasabi mo Elisabeth."
"Bakit totoo naman ah, patay na nga siya pero parang sa kanya pa rin napupunta ang lahat. Ano bang meron sa babaeng yah ha!" Hindi ko napigilan ang sarili ko sumusobra na siya.
"Tita kung may problema man kayo sa sinabi ni lola, wag nigo na sanang idamay pa si mama."
"Eca" naramdaman ko naman ang kamay ni ate na gustong pigilan ako.
"Matagal na ngang patay si mama pero hindi niyo pa rin siya matantanan ng dahil sa pera. Eh kung ganun naman po pala sa inyu nalang yan lahat, hindi naman namin kailangan ng pera mula sa pamilyang ito, kaya naming mabuhay nang kami lang." Umalis na ako at hindi na nakinig sa sasabihin pa nila. Naiinis na talaga ako sa kanila gagawa pa ng away ng dahil lang sa pera.
"Eca sandali lang" hindi na ako nag-abala pang lingonin si ate at patuloy lang ang sa paglalakad papuntang kotse.
"Eca naman""Ate pagod ako gusto ko nang umuwi." Alam ko namang hindi na niya ako kukulitin pang bumalik dahil baka kung ano pa mangyari dun
"Hay segi magpapa-alam muna ako sa kanila" hinayaan ko nalang siya at pumasok na ako sa kotse. Hindi nga talaga maganda ang gabi na to.

BINABASA MO ANG
Make It Real
De Todo"Tapos kana ba diyan sa ginagawa mo?" "Patapos na Ate" "Segi bumab ka kaagad ha wag magpapalipas ng gutom." tumango naman ako sa kanya saka ibinalik ang pansin ko sa ginagawa ko. Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla nalang ako humahawak ng lapis pa...