Chapter 7

14 0 0
                                        

Nandito kami ngayon sa kwarto at tinutulungan ko siyang mag-ayos ng gamit na dinala ni ate para sa kanya. Ang bait din naman ni ate, hindi ko alam kung san niya kinuha tong mga damit na to. Pero ok na rin to, at nang may masuot naman siya.


Kinuha ko ang box na mukhang tupperware, maraming alikabok dahil di ko naman ginagamit. Nilinis ko ito aaka nilagay ang mga damit niya. Pinagawan din siya ni ate ng kwarto, kaya baka sa susunod na linggo pwede na siyang lumipat dun pero dahil wala pa daw dito daw muna matutulog. Hindi na ako umangal ano ba naman kasi ang laban ko sa kanya.


"Ang bait talaga ng ate mo"


"Pati ako" natawa naman siya sa sinabi ko kaya napasimangot ako. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko totoo naman yun ah.


"Oo na mabait ka, medyo nga lang ang sakit pa rin ng sipa mo kanina eh" pinapaalala pa sakin eh.


"Pasensya na gagamutin ko nalang yan pagkatapos nito"



Umupo naman ako sa sahig dahil sa nakaramdam ako ng pagod, ginabi na din kami ng uwi dahil sa marami kaming pinuntahan kanina. Pakiramdam ko nga nalibot na namin lahat kanina.


"Magpahinga kana ako na ang bahalang magtapos nito"


"Tutulungan na kita patapos na din naman eh" aangal pa sana siya kaso pinigilan ko na, at bumalik sa pagliligpit. Tsaka inayos ang kwarto ko para may malagyan siya ng mga gamit niya.


"Salamat nga pala, ang bait mo din pala" bakit may pala pa, parang hindi siya sigurado ah.


"Che, kunin mo nalang yung first aid kit ko diyan sa cabinet at nang malagyan ng gamot yang pisngi mo"


"Wag na hindi naman masakit binibiro lang kita kanina"


"Wag ka nang umangal" napapansin ko sa kanya, ang dami na niyang alam. Sabi niya sakin natutunan niya daw lahat yun habang binabasa niya ang mga libro ko. Baka magulat na ako bukas mas marami pa siyang alam keysa sakin.


"Umupo kana dito" sumunod naman siya kaya kinuha ko na ang ointment saka nilagyan ang pisngi niya.


"Wag kang malikot ok mabilis lang to" hindi daw masakit pero uma aray, ibang klase din to.


"Yan tapos na" ibinalik ko na ito saka nagpaalam na lalabas.



**

Lumabas muna ako saglit saka humiga sa mga damuhan, hindi ko alam kung anong kadramahan ang pumasok sa isip ko at naisipa kung humiga dito.


"Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Bigla ka nalang kasing nawala sa kwarto mo."


"Nagpaalam ako sayo " naramdaman ko naman siyang tumabi sakin.


"Ang ganda pala dito sa labas" maraming mga bituin, sobrang peaceful sa pakiramdam.


"Sobra" ipinikit ko ang mga mata ko saka dinama ang simoy ng hangin. One of my favourites, matutulog dito sa labas ng mapayapa.


"Alam mo masayang magkwentuhan dito sa labas" hindi pala mapayapa


"Wala akong gana" ang gusto ko lang ngayon ay magpahangin dito sa labas.


"Alam mo ba kapag daw maraming mga bituin sa langit mas malaki ang tyansa na magkakatotoo ang mga hiling mo"never ko pang narinig ang pamahiin na yan

"How come? Sinong nagsabi sayo"


"Gawa gawa ko lang" akala ko pa naman totoo na.


"Nice matutulog na ako wag mo kong istorbohin" naramdaman ko namang umalis siya, siguro natulog na din.


May pasok na naman pala bukas, masyado na akong nasanay na walang pasok kaya naman tinatamad ako. Ganun pa rin naman ang routine ko bukas nothing special kaya minsan naisipan kong mag home school na lang.


Nang makaramdam ako ng uhaw ay agad akong tumayo para kumuha ng tubig. Nabigla ako nang makita ko siyang may dala dalng pagkain, akala ko ba natulog na siya.


"Babalik kana? May dala akong pagkain umupo ka muna ulit sayang naman to" nilagay naman niya ang tray na dala dala niya saka ako pinaupo sa tabi niya. Hindi pa nangyayari sakin ang mga ganitong bagay kaya naiilang ako.


"Oh cookies niluto ko yan tikman mo" ibigay naman niya sakin yung cookies na hawak hawak niya, hindi ko alam na marunong siyang gumawa nito.


"Marunong ka palang gumawa nito?"


"Sinunod ko yung nasa libro" ang bilis nga pala niyang matuto. Pero ang bilis din niyang ginawa to.


"Kanina pa ba ako nakahiga dito?" Tiningnan naman niya ako saka ibinigay ang juice, tamang tama nauuhaw ako.


"Oo, kala ko pa nga nakatulog kana" ba't parang ambilis naman ata.


"Wag ka munang bumalik ha, samahan mo muna ako dito"


"Hindi mo ako mapapakwento hindi ako mahilig dun" natawa naman siya sa sinabi ko saka ibinigay ang natitirang cookie sakin.


"Wala namang masama kapag magkwento ka" makulit din pala to.


"Ayoko, hindi ako marunong"


"Nakakapagtaka marami kang mga libro tungkol sa kung paanong makipaghalubilo sa ibang tao, pano makipag-usap sa kanila pero bakit ayaw mo?" Nakita din pala niya yun, binabasa ko nga pero di ko naman ginagawa hindi ko alam kung bakit binili ko yun.

"Alam mo hindi naman masamang makipag-usap sa iba kahit paminsan minsan. Tsaka alam ko namang kaya mo eh hindi ko lang alam kung bakit ayaw mong gawin." Bakit nga ba? Maybe because natatakot akong mapalapit sa kanila kaya gumagawa ako ng rason para hindi sila magustuhan.


"Mabait ka naman, kaya sigurado akong magugustuhan ka nila." I doubt


"Hindi nila ako magugustuhan, tsaka isa pa hindi naman sila mapagkakatiwalaan kaya bakit ko pa sasayangin ang oras ko sa kanila."

"Inuunahan mo kasi sila, tsaka isa pa masyado mong nilalayo ang sarili mo sa kanila. Hindi lahat ng tao pare pareho. Siguro nga may makikilala kang taong hindi mo magugustuhan, kasi sabi nga sa libro. Walang taong nabubuhay sa mundo na walang kaaway. Pero meron ding taong makakaintindi sayo, kailangan mo lang buksan ang sarili mo para sa kanila. Naniniwala naman akong merong taong nagmamahal sayo isa na ako dun"

Ni minsan wala pang nagsabi sakin niyan, well si ate siguro oo pero hindi ko sineseryoso ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang dating kapag sa kanya nanggaling. Siguro kasi siya lang yung taong nakaka-usap at nakakasama ko nang matagal. Busy din kasi si ate minsan simula nang maiwan kaming dalawa kaya hindi ko rin siya makita dito sa bahay. Nagkaka-usap nga kami pero hindi naman ganun katagal, siguro yung huli naming pag-uusap ang pinakamatino.

"Natatakot akong itry"

"Bakit ka naman matatakot? Nagawa mo na kaya, sakin. Sinasamahan mo ako, tinutulungan, Nakikipag-usap ka din nga. " hindi naman ako nakasagot agad sa sinabi niya. Hindi ko din kasi maintindihan ang sarili ko kasi ang gulo.

"Syempre dahil hindi ka naman nanggaling dito" palusot na naman

"Pero pwede mo naman akong pabayaan, pero hindi mo ginawa." Naramdaman ko namang hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako makareact, bakit niya ba ginagawa to hindi ba niya alam na naiilang ako

"Kaya wag ka nang matakot, dapat sa susunod na araw meron ka nang kahit tatlong kaibigan lang. " pilit ko namang inaalis ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan, pano ba naman ako makakapag-salita sa ginagawa niya.

"Pakibatawan po muna ng kamay ko"


"Mangako ka muna"

"Pangako" binitawanan naman niya ang kamay ko saka ako binigyan ng isang matamis na ngiti. Tumalikod naman ako sa kanya, nahahawa ako sa ngiti niya parang gusto ko ding ngumiti."Matulog na tayo may pasok ka pa bukas diba?"

"Matutulog lang walang tayo" inilahad naman niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo, kinuha ko ito saka kami pumasok sa loob.

"Goodnight"

"Goodnight din"nilock ko na ang pintuan saka pinatay ang ilaw, mukhang marami akong pangaral na nakuha ngayong gabi.

Make It RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon