Chapter 2Vins's POV
Pababa na ako galing sa kwarto ko nang makita ako ni Mommy na iniiwasan siya ng minutong iyon. Hanggang sa tinawag niya ako, napakamot ako ng ulo at sinabinh hindi ko napansin na nandoon pala siya, umalis na sa harapan niya ang mga kasambahay at saka niya ako kinausap. Or should i say, sesermunan?
Sabi niya, kailan raw ba ako magseseryoso sa pagaaral ko. Isang subject nalang raw maaari na akong matanggal sa school. Kahit na malaki ang sponsorship ng pamilya ko sa school namin, hindi tinotolerate ni Mommy ang ganitong bagay. Wala siyang pakialam kung matanggal ako sa school, kaya nangako ako sa kaniya na gagalingan ko ngayong sem. Pagkatapos ay humalik na ako sa kaniyang pisngi at nagpaalam na. Tapos, ipinaalala niya na may dinner kami mamaya with Tito Rudy, ang bagong boyfriend ni Mommy. Well, hindi naman sa hindi ko gusto si Tito Rudy, kaso i am hoping na maayos pa nila ni Daddy ang problema nilang dalawa kaso paano mangyayari iyon kung palaging nasa paligid si Tito Rudy?
Pagkatapos ay umalis na ako at sumakay na sa kotse, biglang nagtext si Seth at hinahanap na ako nito. Kaagad ko siyang nireplayan na i am on the way na. At maya maya ay dumating na ako tapos nakita ko na hinagis ni Paulo ang bola at tinamaan ang isang babae na mukhang kasama ni Jade ng minutong iyon. Tapos humarap siya at bigla nalang nila akong tinuro. Saka niya pinulot ang bola at lumapit sa amin, nakatitig lang siya sa akin ng minutong iyon at masasabi ko na inis na inis siya sa nangyari sa kaniya kaya nga laking gulat ko nang bigla niya binutas ang bola gamit ang bolpen na kinuha niya sa bulsa niya. At saka niya inihampas sa akin ang bola sa dibdib ko. Ngayon lang may babaeng gumawa sa akin nito. Saka siya tumalikod at naglakad muli palayo sa amin. Hanggang sa tawagin ko siya at muli siyang humarap, i ask her kung sino siya kaso ang sinagot niya lang sa akin ay it's for you to find out. At tinawag niya pa akong jerk. Napangisi ako. At iyong mga mokong nagsitawanan.
Saka na kami tinawag ni coach. Ang sama ng titig sa akin ni coach, kinausap niya ako ng minutong iyon, pinapunta niya ako sa opisina niya at saka niya sinabi sa akin ang bad news. Gaya ng sabi ni Mommy, masyadong mabababa ang mga grades ko at isa sa pagiging way para manatili ako sa team ay ang pagkakaroon ng magandang grades. Which is tinatry ko naman, kaso di talaga kaya ng utak ko. Nalulungkot si coach dahil maaari raw akong matanggal sa team kung di ko gagalingan this sem. Tumango tango lang ako at tumahimik pagkatapos ay pinalabas na niya ako. Sinalubong naman ako ng mga gago kong kaibigan. Si Paulo, na siyang kaninang nagpasimula ng kalokohan kaya ako na putukan ng bola ng walang oras. Si Seth, na siyang kapatid ni Jade. Si Ethan at si Oliver. Sinabi ko sa kanila ang problema ko, kaso tinawanan lang ako nila Ethan at Paulo, purket matatalino sila, well matalino din naman si Seth nasa Top siya kasama ng kapatid niyang si Jade, at tanging karamay ko lang dito ay walang iba kundi ang kapwa ko bobo na si Oliver. Na wala namang pakialam dahil malakas siya sa itaas.
Suwestyon ni Seth sa akin bakit di raw ako maghire ng Tutor. Well, magandang idea iyon kaso tyak aantukin lang ako for sure at isa pa, paano ko naman masisiksik ang bagay na iyon e full ang sked ko the whole week. Sabi ni Seth, kailangan alam ko raw ang dapat kong ipriority. Well, ang priority ko sa ngayon ay basketball, at kung mawawala pa ito sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko.
Pagpasok namin sa room ay muli kong napansin ang babae nagpataas ng balahibo ko kanina. Hanggang sa narinig ko na sabi ni Oliver na klasmeyt raw pala namin si Angas girl. At nagtawanan na naman ang mga loko. Kaya kami nababansagang jerk at mayayabang, bastos at walang pinagaralan dahil sa mga ugali nila. Well, hindi naman sa paglilinis ng sarili pero sa mga kalokohan nila, wala talaga akong alam at hindi ako nakikisama sa mga trip nila lalo na sa mga babae, kasi ayaw ko na nakakakita ng babaeng nasasaktan dahil naaalala ko ang Mommy ko.
"Miss, hindi ka man lang ba magsosorry sa ginawa mo sa Leader ng Blue Fighting Eagle?" sabi ni Paulo ng minutong iyon. Eto na naman sila, napakamot nalang ako ng ulo ko at umupo na ako sa tabi niya. Kaso bigla siyang sumagot. Sabi niya, bakit naman raw siya magsosorry in the first place. Hanggang sa natawa si Oliver at saka niya sinabing anong perfume ang gamit nito. Tapos kumunot ang noo ko sa narinig ko kay Oliver, hanggang sa sabihin niya na, amoy mahirap ka kasi. Saka nagtawana ang buong klase. Hanggang sa tumayo na si Jade at ipinagtanggol niya ang kaniyang bagong kaibigan. Sabi niya, kung wala na raw kaming gagawin tama, tumahimik nalang kami. Kaso, inaasar asar lang siya ni Oliver ng minutong iyon at tinatawag niya itong baby girl. Para talaga silang mga bata. Saka siya tumitingin kay Seth. Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko na tahimik parin sa lahat ng nangyayari. Hanggang sa sinabi ko kay Oliver na tama na, saka lang siya tumigil ang umupo sa upuan niya.