Chapter 20
Vinson's POV
First time.
First time na may nakatabi ako sa pagtulog. I mean, nakakatabi ko naman sa pagtulog minsan sina Paulo, Ethan, Oliver and Seth pero ngayon lang ako may nakatabing isang babae sa pagtulog ko.
Sa 15 years sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng awkward at pagiging uneasy.
Napansin ko na tulog na siya noong hindi na siya nagsasalita. Pagkatapos kong sumagot sa kaniya ng whatever, doon sa tugon niya sa akin na mahina ang utak pero functioning parin doon na ako humarap. Ngayon ko lang nakita ng harapan ang mukha ni Andrea. Ang maliit na mukha niya. Kung susukatin mo sa kamay ko ang mukha niya, saktong sakto. Malaki kasi ang kamay ko.
Ang mapula-pula niyang pisngi. Ang matangos ngunit maliit na ilong. Ang haba ng kaniyang pilik mata. Ang pula ng kaniyang labi na parang cherry ang kulay.
Saglit lang. Bakit ganito ang tibok ng puso ko?
No!
Nagkakagusto ka na ba sa kaniya, Vinson? Hindi pu-pwede. Hindi siya ang type mo. Wait, ano bang type mong babae? Hindi ko rin sure. Basta, iyong babae na kaya akong tanggapin, lalo na kapag nalaman niyang takot ako sa uod. You know what i mean, kahit na malaman niya ang bagay na iyon, gugustuhin parin niya ako?
So, ibig bang sabihin candidate na si Andrea doon?
I don't think so. I hope so.
Another Saturday came. It's our 3rd Saturday at masaya si Andrea dahil naipasa ko ang quiz namin kahapon. Both, science and math subjects. Inasar asar pa nga ako nila Paulo na kaya ako nakapasa ay dahil inspired raw ako. At si Andrea raw ang may kasalanan, pero parang hindu natuwa si Seth ng minutong iyon nagwalk out siya kaya nilapitan ko siya.
I even ask him, anong problema. Sabi niya wala pero panay ang pagbabato ng ng maliliit na bato sa pond sa campus park. Hanggang sa napasok sa usapan si Andrea. Tinanong niya ako kung anong score na namin ni Andrea at natawa lang ako sa way ng pagtanong niya. Kasi seryoso ang mukha niya. Iniisip talaga niya na Me and Andrea had a thing. Sabi ko, friends lang kami and she help me para makapasa sa mga subjects ko, ayun lang ang relationship namin.
"Gusto mo ba siya?" seryosong tanong ulit ni Seth.
"You serious?" he doesn't blink his eyes. I guess he's serious.
"You know what, kung gusto mo si Andrea i can help you." biglang nagiba ang awra ng mukha niya.
"You sure?" his eyes widened at tila para bang nabuhayan siya sa narinig niya mula sa akin.
"Yeah. That's what friends are for, right?"
"Thanks bro." niyakap pa niya ako ng mahigpit at nagtatalon ang gago.
"Dude, hindi ka pa sinagot ng tao." sabi ko sa kaniya.
"I know. Pero, masaya lang kasi ako. Alam mo iyon? Akala ko kasi, wala na akong chance kay Andrea since palagi kayong magkasamang dalawa." paliwanag pa niya sa akin.
"No. We are only seeing each other every saturday. At siyempre sa school pero hindi naman palagi. Inaabot niya lang sa akin ang mga pinapasagutan niya, other than that wala na." paliwanag ko rin.
"Good to know." iyong itsura niya para talaga siyang nabigyan ng another chance.
Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang hindi ako proud sa ginawa ko?
After ng session namin ay kinausap ko si Andrea.
"Are you free tomorrow night?" kumunot ang noo niya habang nililigpit niya ang mga ginamit naming books sa pagrereview kanina. Habang ako ay nililinis iyong table at tinatanggal iyong mga kalat roon.
"Bakit mo naitanong?" tugon niya.
"Just answer my question,"
"Answer mine too." seryosong sagot niya.
"Joke!" pero bigla naman niya agad itong binawi.
"Bakit, idedate mo ba ako?" i can't believe, ano bang nagustuhan ni Seth sa babaeng ito? She's so annoying.
"Bakit ayaw mo?" natahimik siya at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Iba rin ito a.
"Basta ba, ikaw ang gagastos." napalingon ako sa kaniya sa narinig ko. Seryoso, pumapayag siya?
"You sure?" tumango lang siya saka niya ako kinindatan. Is she trying to seduce me? Seduce agad? Hindi ba pwedeng flirt muna?