Chapter 9
Andrea's POV
Resume? Seryoso siya, o baka naman pinagtitripan na naman niya ako. Pero, parang hindi rin e. Bakit naman siya tatawag sa akin nsng ganitong oras para lang sabihin o balaan ako sa mangyayari bukas? Nakapanood na ako ng ganito dati. Mayaman si Boy, mahirap si Girl tapos ang kontrabida sa story ay ang nanay ng Lalaki. Ang lakas maka-f4. Ayan na naman, lumalabas na naman ang pagiging adik ko sa mga asianovela series.
Bahala na bukas.
Kinabukasan.
Maaga akong nagising, plano ko kasing magsimba kaso sobrang aga namang dumating noong driver ni Vinson. Halos kakagising ko nga lang ng oras na iyon, at hindi pa ako nagtotoothbrush. Sabi ko sa kaniya bigyan niya lang ako ng isang oras para makapag-ayos, kaso sabi niya may oras raw siyang hinahabol kasi aalis raw ng maaga ang Mommy ni Vinson. So, parang kasalanan ko pa kung bakit siya malelate?
Abnormal talaga itong mokong na ito. Wala tuloy akong naging choice kundi ang magmadali. Halos 5mins lang ata ako naligo tapos, 1 minute nakapagsuot ng damit at hindi ko na nakuhang magsuklay, sa loob nalang siguro ng kotse. Tapos, bumaba na kami ng driver ni Vinson, bago pala ay nilock ko muna ang apartment ko.
Sa loob ng kotse, kinukulit ko ang driver ni Vinson pero parang wala lang sa kaniya, hindi siya sumasagot sa mga tanong ko. Kaya hindi ko nalang siya kinulit. At nanahimik nalang ako.
After ng isang oras ay nakarating na kami sa bahay nila Vinson. Siya kaagad ang unang nakita ko pagbaba ko ng kotse sa sobrang inis ko ay binatukan ko siya na siyang ipinagtaka niya. Napangiwi at nagtaka siya sa ginawa ko. Bakit ko raw siya binatukan, sabi ko kung hindi ba naman siya shunga na ipapasundo ako ng ganoon kaaga. Sabi niya, pinaalalahanan naman niya raw ako. Sabi ko, sana naging specifi siya ng oras, paano pala kung tanghali ako nagising? Sumagot siyang muli at sabay sabi nito na, ang mabuti nandito na raw ako. At kanina pa raw ako inaantay ng Mommy niya.
Habang papasok kami sa loob ng bahay nila ay manghang mangha talaga ako. Iba talaga ang mga mayayaman. Iyong sala palang nila parang bahay na namin iyon sa probinsya. Nakakamangha talaga ang ganda at laki ng bahay nila.
"Are you listening?" nagsasalita pala siya. May sinasabi pala siya. Kaya humarap ako sa kaniya habang nakacross arm. Tinanong niya ako, ngayon lang raw ba ako nakapasok sa loob ng bahay ng isang mayaman? Umiling lang ako, nagtaas siya ng kilay. Saka ako sumagot. Sabi ko, kanila Jade and Seth. Tinalikuran na niya ako. Haha. Alam kong badtrip siya sa akin. Habang nakatalikod sinabi niya na kailangan ko raw magingat sa Mommy niya, kailangan ko raw na seryosohin ito. At kung dala ko raw ba ang resume ko. Hinila ko siya muli paharap sa akin at sininghalan. Seryoso pala siya sa resume? Malay ko ba kung nagbibiro lang siya? Nasapo niya ang ulo niya nang malamang wala akong dalang resume. Hanggang sa lumabas na ang isang babae sa isang kwartong pinaghintuan naming dalawa. Sabi nito kanina pa raw niya ako inaantay. Napatingin ako kay Vinson, at ganoon din siya sa akin. Sabi niya, goodluck raw sa akin. Hindi na ako sumagot pabalik.
Pagpasok ko, may isang babaeng nakaupo sa may swivel chair sa isang lamesang gawa sa kahoy at may laptop sa harapan niya. Mukhang busy siya ng minutong iyon pero nang kumatok na ako habang nakatayo, napatingin siya sa akin. Sa nipis ng kilay niya, ramdam ko na may pagkakaugali sila ng Nanay ni Dawmingsi sa f4. Goodluck, ghurl.
Tinitigan niya ako na para bang basang basa na niya ang pagkatao ko, or should i say binabasa na niya ang pagkatao ko?
Nagpakilala ako.
Hi goodmorning po, ako po si Andrea Bautista, classmate ni Vinson.
Hindi pa man ako tapos magpakilala ay kaagad na niya akong ininterupt. Sabi niya, nasaan raw ang resume ko? Kaagad ko siyang sinagot na, hindi ako aware na formal interview pala ang mangyayari. Sabi ko pa, ang alam ko lang kakausapin niya ako. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga tapos pinaupo niya ako, umupo na ako sa upuang kahoy sa harapan niya.
"Tell me about yourself," sabi niya.
"I already told you po," sagot ko.
"What i mean is, your background. Saang pamilya ka galing, saang school ka nagaral. Paano ka…" i interrupted her while talking pero nagalit siya.
"Don't you dare to interrupt me while talking, okay?" galit na sabi niya sa akin. Tumango nalang ako. At muli siyang bumuntong hininga.
"I heard that you're class valedictorian raw, is it true?" Hindi kaagad ako sumagot.
"Hey, I'm asking you," napatingin ako sa kaniya.
"Pwede na po bang sumagot?" napailing nalang siya.
Iniinis niya ako, pwes maiinis lang siya sa akin. Sabi ko sa kaniya. Akala ko kasi hindi pa pwedeng sumagot. Tapos, dagdag ko pa, na tama siya sa narinig niya kung saan man niya narinig iyon. At tungkol naman sa pamilya ko, wala na silang pareho. Napansin kong napatingin siya sa gilid at umiwas na tumingin sa akin nang marinig niya ang sinabi ko tungkol sa pamilya ko.
Mag-isa nalang ako sa buhay at nakapagtapos ako nang magisa, thankful ako na napili ako for scholarship dito sa maynila sa Treston Academy.
Tapos tinanong naman niya ako, bakit gusto ko raw na itutor ang anak niya. Sabi ko kasi, mahina kasi ang anak niya. At napansin ko iyon noong unang araw ko sa klase. Tapos, narinig ko silang mag ina na magusap kahapon sa party regarding sa paghahanap nito ng tutor, since kailangan ko ng extra money para may pangbayad ako sa apartment at panggastos sa araw araw sa school at buhay ko.
Napatitig nalang siya sa akin. Mukhang ang dami ko nang nakukwento sa kaniya.
"You're hired." napakunot ako ng noo sa narinig ko sa kaniya. Seryoso ba talaga siya?
"My assistant will explain to you regarding the contract, okay. You may now leave." saka niya ako pinalabas sa kwartong iyon.
Hindi rin naman pala siya ganoon ka-taray. Mukhang kaya ko pa siyang I handle.
Paglabas ko, hindi ko inaasahan na nandoon pa si Vinson sa labas, inaantay pala ako ng Mokong. Tinanong niya ako kung kamusta raw. Tinitigan ko lang siya ay kunwari magwowalk out ako. Pero sinundan parin ako ng loko, at kinulit, tanggap raw ba ako. Hinarap ko siya, at kinindatan sabay sabing, "I'm officially his tutor!"
YOU ARE READING
My Saturday Girl Completed
JugendliteraturMY SATURDAY GIRL ALL RIGHTS RESERVED 2020