Epilogue
Laking gulat ng lahat ng biglang matumba at mahulog sa swimming pool si Vinson. Kaya dali-daling tumalon si Seth at sinagip ang kaibigan. Habang tulala at nanginginig sa takot si Andrea, saka siya nilapitan ni Jade at niyakap ng mahigpit, doon na bumuhos ang luha sa mga mata ni Andrea. Kaagad namang nahaon si Vinson sa pool at nabigyan ng first aid, ang coach nila ang nagsagawa ng mouth to mouth resuscitation at maya-maya ay naibuga ni Vinson ang tubig na kaniyang nainom, ngunit mahina parin ang katawan niya. Lumipas ang ilang minuto ay narinig nang lahat ang tunog ng ambulansya. At mabilis na pumasok ang rescuer at dahan dahan na iniligay si Vinson sa strecher at binuhat ng mga rescuer saka ipinasok sa loob ng ambulansya.
Lumapit si Seth kay Andrea at kinamusta niya 8to kung okay lang ba siya o nasaktan ba ito. Umiiyak na umiling si Andrea, saka niyakap at hinalikan ni Seth sa buhok ito at sinabi na magiging okay din siya.
Paglipas ng tatlong oras, maaari nang makausap si Vinson. Unang pumasok na sa loob ng kwarto ang Mommy nito saka siya kinausap. Naluluha pa itong palapit sa kaniyang anak. At kaagad niya itong hinalikan sa pisngi at kinamusta. Okay lang ba siya, tumango lang si Vinson saka tumalikod. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at naluluhang kinausap ang anak.
Wala naman sigurong ina ang hindi gagawin ang lahat para sa kaniyang anak. Lalo na't nagiisang anak lang nila si Vinson. So, tinanong niya ito kung anong iniisip nito. Doon na hinarap ni Vinson ang kaniyang Mommy at sinabi ang kaniyang saloobin.
Gusto sana niya na bigyan pa niya ng pangalawang pagkakataon ang kaniyang Daddy, gusto niya ulit mabuo ang pamilya nila. Kumirot ang puso ng kaniyang Mommy sa narinig nito mula sa kaniyang anak. Ginagawa naman nila ang makakakaya ng bawat isa pero kasi, wala na raw talaga ang pagmamahal nila sa bawat isa. Ayaw naman nila ipakita na okay sila kahit sa totoo lang hindi naman, at nagkakasakitan nalang sila. Pero, kakausapin parin niya ang kaniyang asawa para ayusin ang dapat ayusin. Doon napayakap ng mahigpit si Vinson at tumulo ang luha sa mga mata nito.
Maya-maya ay may kumatok, tumayo ang Mommy ni Vinson at tinignan kung sino ito, pagsilip niya si Seth at ang mga kaibigan niya, pinunasan niya ang luha niya at pinagbuksan niya ang mga ito. Tapos, sinalubong siya ng yakap at halik ng mga kaibigan ng kaniyang anak. Nagpaalam muna ito sa kanilz at pinaalalahanan na bawal munang mastress si Vinson, at sabay-sabay silang tumugon ng opo. Saka siya lumabas ng kwarto.
Unang kumamusta sa kaniya si Seth.
"Kamusta, Bro?" halata ang pagaalala sa boses ni Seth ng minutong iyon.
"Okay naman. Pasensya na pala ah?" nakuha pang humingi ng pasensiya ni Vinson sa nangyari kaya inalaska siya nina Ethan, Paulo, at Oliver. Sabi ni Paulo, masarap raw ba ang laway ni Coach Richard? Iyong Head Coach nila sa basketball team. Saka sila nagtawanan. Mga abnoy talaga, tugon pa ni Vinson. Napatungo ang tingin niya sa babaeng katabi ni Seth, doon niya muling napansin na magkahawak sila ng kamay at halatang sweet sa isa't isa.
"Iyak ng iyak si Andrea, akala mo boyfriend niya iyong nasa ospital." pang aasar pa ni Oliver ng minutong iyon pero walang natawa. Hinila na nila Paulo at Ethan si Oliver at inilabas sa kwarto. Tanging sina Andrea, Seth at Vinson nalang ang natira sa loob ng kwarto.
Mukhang nakaramdam si Seth na gusto ata nilang makapagusap na dalawa, kaya tinanong niya si Andrea kung gusto ba nito ng maiinom o makakain, kaagad naman itong sumagot at sinabi niya na hindi siya nagugutom. Tumingin siya kay Vinson, at tinanong ito kung may gusto ba itong ipabili? Sagot nito, ube ice cream. Kaagad naman sumaludo swi Seth at sinabing siya na ang bahala doon, saka akmang lalabas na. Nang napahinto ito at muling napasilay sa dalawa. Bumuntong hininga ng malalim at saka umiling. At lumabas ng kwartong iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/216270213-288-k138147.jpg)