Chapter 21
Andrea's POV
Dating Dela Cruz.
Hindi ko alam bakit naisipan ni Vinson na ilabas ako. Malakas ang pakiramdam ko na pinagtitripan na naman niya ako pero parang di rin e. Para kasing seryoso siya kanina. At may kakaiba sa mga mata niya. Iba e, iba talaga.
Tinext niya ang lugar na kung saan kami kakain pero susunduon niya raw ako. Sabi ko nga hwag na sa sosyal na kainan kahit simpleng restaurant o fastfood okay lang, sabi naman niya siya naman raw gagastos kaya hwag na raw ako magalala. E, ang concern ko lang naman paano kung hindi ko magustuhan ang pagkain doon? Sayang naman iyong pera. Sana tinanong nalang niya ako kung saan ko gusto, baka ma appreciate ko pa.
Ang dami mo namang arte Andrea, ikaw na nga itong idedate ng tao umaattitude ka pa. Mag-enjoy ka nalang, okay? At hwag kang magexpect na kaya ka nilabas ng tao dahil may gusto siya sa iyo? No girl. Very wrong. Baka naman friendly date lang, okay?
Pagkatapos kong magbihis ay nakarinig na ako ng busina galing sa labas, sumilip ako sa bintana at hindi nga ako nagkamali si Vinson nga. Tapos tumunog ang phone ko, tumatawag ang mokong. Sinagot ko, sabi ko sa kaniya pababa na. Tapos he end the call. I went down at sinalubong niya ako. He gave me a boquet of roses at ang mga babae't baklang tambay sa lugar namin ay kilig na kilig. Napangiti naman si Vinson sa mga sinasabi ng mga kapitbahay ko at saka niya ako pinapasok sa loob ng kotse.
"Taray, may pa ganito ka pang nalalaman ah," sabi ko pero hindi siya kumibo.
"Uy, may kausap ba ako dito?" sabi ko saka lang siya sumagot sabi niya hindi niya ako narinig kasi busy siya sa pagdadrive. Sabi ko pa sa kaniya, bakit hindi nalang doon sa bahay nila kami kumain at nagkwentuhan. He said, aasarin lang raw siya ni Mommy and besides nagsasawa na raw siya sa bahay at bakit ang dami ko raw angal. So shut up nalang ako.
Nabring up ko nalang si Jade. Sabi ko sa kaniya na may mga bagong friends na ito at sa tingin ko those girls are just using her. Nakita ko kasi sa ig nito na puro sila shopping ng shopping tapos puro libre niya lahat aba sinagot ba naman ako ng mokong na ito na, it's her choice raw at pera naman niya iyon. Sabi ko, concern lang ako doon sa tao, alam ko kasi na hindi siya ganoon. Sagot niya, people change. Natahimik nalang ako, pero hindi parin maalis sa isipan ko si Jade. Everytime kasi na itatry kong lumapit sa kaniya umiiwas siya tapos ang tingin niya sa akin competition lagi. Sa quiz, sa pagrecite at lahat ng activities, kinakalaban niya ako may times nga na hindi na ako sumali sa isang laro and she called me loser, lumapit si Vinson noon, and he cheer me up. Sabi niya, I'm way better than that. Kaya thankful ako kahit na ganyan iyang si Vinson, ibang klase rin pala siya magmotivate.
Hanggang sa nakarating na kami sa isang magarang restaurant. Jusko, pang mall lang iyong suot ko. White shoes na binili pa ni Jade tapos jeans and white tshirt, sabi nga ni Vinson saan raw ako magsisimba. E, wala naman kasi akong damit na pangformal at wala naman ns event ss. School na kailangan na pormal at kung mayroon man for sure may mga means naman para makarent. May mga nagpaparent naman siguro dito.
"Sure ka na ba dito?" tanong ko, kaso tinulak lang ako papasok sa loob ni Vinson. Tapos kinausap siya ng isang lalaking staff, sabi ni Vinson reservation for two for Mr. Vinson Dela Cruz. Tapos sagot ng staff this way. So, sumunod lang kami. Nakaupo kami malapit sa may transparent na glass leftside ng restaurant, malapit sa may wine area. Kakaunti lang ang tao doon at puro mga alam mo na, mayayaman. Pinaupo kami ng staff at may lumapit na isa pa, babae naman. Inabot ang dalawang menu sa amin. Isa sa akin at isa kay Vinson. Sabi niya umorder lang raw ako ng gusto ko. Tapos bigla siyang tumayo. Tinanong ko kung saan siya pupunta, sagot niya magccr lang pwede naman raw diba? Aba malay ko, baka pinagtitripan niya lang ako tapos Iiwanan niya ako tapos ako ang pagbabayarin niya sa lahat, e 500 pesos lang ang dala kong pera.
Napailing siya ng minutong iyon sabay sabing enjoy your date. Huh? Enjoy my what? Tapos nawala na siya. So, nagcheck nalang ako ss menu kung anong kakainin ko. Jusko, ang mamahal naman talaga, pero sabi naman niya siya raw bahala edi siya bahala.
"Are you done?" pamilyar ang tono ng boses na iyon ah? Tapos binaba ko ang menu at nakita ko si Seth na nakaupo na sa harapan ko.
"Seth?"