Chapter 25
Andrea's POV
Hinatid ako ni Seth pagkatapos ng practice nila sabi ko nga hwag na. Sinabi rin kasi niya sa akin na gusto niya raw na panoorin ko siya sa practice game nila kaso bigla namang nagwalk out si Vinson at ganoon din si Oliver. Mukhang nagtalo ata ang dalawa at muntikan ng magkagulo, mabuti na awat ng dalawang sina Ethan at Paulo.
Nagpasalamat ako kay Seth sa paghatid niya sa akin kahit hindi naman kailangan, sanay naman akong magcommute. Sabi niya bukas nalang raw ulit. Saka ako nagwave at nagpaalam na sa kaniya at umakyat na sa apartment ko.
Pagpasok ko ay kinuha ko ang phone ko sa loob ng bulsa ng P.E pants ko at tinext ko si Vinson.
Andrea: Kamusta?
Vinson: Good
Andrea: Okay
Vinson: Busy ka?
Andrea: Nope, kadarating ko lang why?
Vinson: Nasa baba ako.
Napatayo ako ng minutong iyon at napatingin sa may bintana, nakatayo nga siya doon sa may light post kumaway siya sa akin. Kaagad akong bumaba at sinarado ang pintuan ng apartment ko.
Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Vinson.
"Ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"Gusto mong mag ice-cream?" napakunot ang noo ko sa narinig ko sa kaniya. Ano bang trip na naman niya.
"Libre mo?" tumango lang siya at sinundan ko na siya. May malapit na convenient store sa apartment kaya sabi ko doon nalang kami pumunta. Sabi niya pumili lang raw ako ng gusto ko. Sabi ko kahit ilan? Tinignan niya lang ako, saka ako nagpiece sign sa kaniya, nagbibiro lang naman ako. I just want to light the conversation, mukha kasing seryoso siya.
Ube flavor na ice-cream cone ang pinili ko, habang siya naman ay chocolate. Tapos binayaran na niya at lumabas na kaming dalawa. May upuan sa labas ng convenient store at umupo siya doon, kaya umupo na rin ako.
Habang binubuksan ko iyong ice-cream cone ay tinanong ko siya kung bakit siya nandito. Sinagot kaagad niya ako na malungkot siya. Napangisi ako. Sabay sabing, tingin mo sa akin clown? Pero hindi siya kumibo. Mukhang seryoso ata talaga ang problema ni Vinson.
Bigla nalang siyang nagsalita. Hindi raw niya maintindihan ang sarili niya kung bakit hindi niya napigilan ang sarili ng asarin siya ni Oliver. Hindi naman raw siya ganoon, at sanay na siya ss ugali ng mga kaibigan niya pero kakaiba raw kanina, parang nanggagalaiti siya.
Tinanong ko siya kung ano bang pinagawayan nila? Humarap siya sa akin at seryosong tumingin sa aking mga mata sabay sabing.. "Ikaw."
"Ako?" pagtataka ko.
Oo, ako nga raw ang pinagtalunan nilang dalawa. Kasi tinawag raw akong probinsyana ni Oliver. Natawa ako sa narinig ko. Seryoso ba talaga siya? Dahil lang doon nagaway sila? Umiwas siya ng tingin at saka dinilaan ang ice cream niya. Doon ko narealized nga talagang seryoso siya. So, sineryoso ko na rin ang pakikipag usap sa kaniya.
"Bakit mo pa kasi pinatulan? Pwede mo namang hindi paninsin, bakit nagalit ka pa?"
"Binastos ka niya."
"Sus, okay lang iyon."
"Hindi!" galit na sabi niya. Nanlalaki ang mga mata niya ng minutong iyon tapos hinagis niya ang kinakain niyang chocolate ice-cream.
"Ano ba talagang problema mo?" tanong ko sa kaniya kaso bigla nalang siyang nagwalk out. Hinabol ko pero bigla siyang nawala.
Patulog na ako nang nagvibrate nag phone ko, si Seth nagtext sa akin.
Seth: Tulog ka na?
Andrea: Patulog palang, bakit?
Seth: Wala lang.
Inopen ko ang usapan kay Vinson.
Andrea: Pwede magtanong?
Seth: Tungkol saan?
Andrea: Kay Vinson.
Seth: What about him?
Andrea: Kanina kasi pumunta siya dito and he looks worried, sad tapos niyaya niya akong magice cream then nagkwentuhan kami suddenly bigla siyang nagalit. Parang nagbago ang ugali ni Vinson, pansin mo?
Seth: Sige, kakausapin ko siya.
Andrea: Salamat.
Seth: Magpahinga ka na. Goodnight.
Andrea: Ikaw rin, Goodnight.