Chapter 7
Andrea's POV
Magpapaalam na sana ako kay Jade pero si Via lang ang nakita ko, sabi niya nagpahinga na raw si Jade kasi napagod raw siya ngayon. Well, naiintindihan ko naman siya and i hope that she's good. Di ko na pinilit ang sarili ko na kausapin siya at magpaalam kasi baka mainit na ang ulo ng mokong na iyon.
Nakiusap kasi ako sa kaniya na pwede ba akong sumabay. Well, plano ko talagang sumabay sa kaniya, kasi nga may dala siyang kotse. At ramdam ko na, na gusto ni Seth na dito nalang ako sa kanila matulog which is nakakahiya. Unang beses palang naming magkakilala tapos ganoon kaagad. Well, hindi naman pala siya ganoon kasama gaya ng iniisip ko. He even apologise for the attitude of his friends kanina. And i said it was okay. Sabi ko sanay na ako. Hindi na bago iyon. Then na kwento ko iyong buhay ko sa Mindoro. Well, hindi naman lahat pero most likely iyong buhay ko habang nagaaral ako. At kung paano ako nakapasok sa prestigious school nila.
"Seat belt," malamig na boses ang bumungad sa akin pagpasok ko sa loob ng kotse niya.
"Okay, chill." sabi ko sa kaniya saka ako nagsuot ng seatbelt. Saka niya pinaandar ang kotse at umalis na kami sa lugar na iyon.
"Sobrang close kayo ni Seth no?" bigla kong sabi sa kaniya saka ako tumingin sa mga mata niya. Doon ko lang napansin na kulay brown ang kulay ng mata niya. Medyo may pagkaintsi, though di ko alam kung may lahi ba siyang Chinese, at wala naman akong pakialam. Tapos, makapal ang kilay at ang kinis ng mukha. Okay, gwapo na siya. Itong ganitong mukha kapag nakakita ka nang ganito sa school, tiyak pagkakaguluhan ito ng mga babae at bading.
He's attractive. He's cute though.
"You know what, ang ayaw ko sa babae iyong pakielamera." medyo inis na sabi niya ng minutong iyon.
"Okay, kalma. Nagtatanong lang e." Sabi ko sa sarili ko.
Pero, ayaw ko kasi ng masyadong tahimik, well gusto ko nang katahimikan minsan pero kapag may kasama naman ako, gusto ko medyo maingay. Ang weird ko no? Anyway.
"Question," saka niya inihinto ang kotse niya at muntikan na akong masubsub mabuti nalang nakasuot ako ng seatbelt.
"Vinson, ano ba!" inis na sabi ko.
"Ang ingay mo, hindi ako makaconcentrate sa pagdadrive ko, okay?" medyo nagtaas na siya ng boses. Kinilabutan ako pero hindi naman ako nasindak. Kaya tinitigan ko siya ng masama.
"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong niya sa akin.
"Mukha kang tanga! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, tinatakot mo ako? Hoy, hindi ako natatakot sa iyo." sabi ko sa kaniya.
"You know what, i can do whatever i want to do with you right now. If you want." biglang sabi niya then he bit his lower lip.
Sinasabi ko na nga ba, manyak ito.
"Subukan mo lang, mayroon akong kutsilyo dito hindi ako magdadalawang isip na itarak ito sa iyo, gago ka!" pagbabanta ko sa kaniya.
"Chill! I'm just kidding." ramdam ko ang takot sa mga mata niya ng minutong iyon.
"Good." sabi ko. Hanggang sa nagsalita siya. At sinabi niya na ano raw ba ang gusto kong itanong sa kaniya. Muli akong tumingin sa kaniya at sinabi ko na interesado ako na magapply bilang tutor niya.
"Seryoso?" tanong niya sa akin.
"Mukhang nagbibiro ba ako?" sabi ko naman sa kaniya.
"Bakit ako?" turo pa niya sa sarili niya.
"E, ikaw lang ang kilala kong mahina ang utak e." sabi ko sa kaniya at nagulat siya sa sinabi ko.
"Aray! Ang sakit mo nang magsalita ah, close ba tayo?" mukhang naoffend ko talaga siya.
"Hindi pa." sabi ko.
"So, kaya ka lumapit para maging close sa akin? Siguro, type mo ako no?" saka niya ako kinindatan.
"In your dreams. And besides, magugustuhan kita kung may utak ka. I mean, iyong normal na utak ng isang tao, iyong kayang ipasa ang biology class niya." saka niya ako sinimangutan.
"Ang sama mo." i heard him murmur.
"So, deal or no deal?" tanong ko sa kaniya.
"No!" mabilis na sagot niya.
"Good. Well good luck nalang sa exams mo, I'm sure hindi ka ulit makakapasa tapos ililipat ka na naman ng school ng mommy mo at the same time mawawalan ka na sa varsity team, sayang naman ang mga opportunities. Kasi kung nagaaral ka lang ng mabuti, at hindi puro dribble ang alam mong gawin edi sana… "
"Shut the fuck up! Okay, i know that i am not good just like others but I'm trying okay? I'm trying!" saka ko napansin na parang naluluha siya. Seryoso ba siya?
"Umiiyak ka?" tanong ko sa kaniya. Tumalikod siya at napansin kong pinunasan niya ang mga mata niya.
"Napuwing lang ako," sabi niya.
"Well, sabi mo e. I'm sorry." sabi ko,pero di siya kumibo. Hanggang sa kiniliti ko siya sa tagiliran niya at doon na siya napatingin sa akin.
"You know what, you can do naman both, academics and sport, if you know how to balance your life. You should have your priorities and right now, studying hard and passes your exams is your priority, okay? And i will help you to passed your exams."
"You sure?" nagaalangan pa siya sa sinabi ko.
"Wala ka bang tiwala sa isang class valedictorian?" pagmamalaki ko pa.
"Yabang!" sabi niya.
"Burgis," sabi ko, saka kami nagtawana tapos bigla niya akong tinanong.
"Ano iyong burgis?" seryoso pa talaga ang mukha niya.
Tang-ina, mukhang mapapasubok talaga ako nito ah?