Crush

376 12 0
                                    

"Andrea, sinong crush mo?" tanong saakin ni Kian kaya napakunot ang noo ko.

Nandito nga pala kami sa 7/11 tumatambay, bored kasi kami kaya niyaya niya ako manlilibre daw siya ng ice cream.

"Ha? Bakit mo natanong?"

"Wala lang. Masama ba magtanong?"

"Hindi naman. Masama din ba magtanong? Wala eh, wala akong crush," sagot ko dito.

"Sinong crush mo?" tanong nito ulit.

"Wala nga, paulit ulit ka. Ilang beses kabang pinanganak ha?"

"Sino nga ang crush mo?"

"Anak ng tae wala nga. Hanggang kailan mo balak itanong 'yan ha?"

"Hanggang sa pangalan ko na mismo ang sabihin mo sa tanong ko," seryosong sabi nito.

Hindi ko maiwasang di kiligin peste, bakit ba kasi bigla bigla siyang babanat di ako nakapaghanda.

"Luhh! Kian kasi."

"Kasi ano?"

"Hindi mo ba napapansin? Kaibigan kita dapat alam mo kung sino ang gusto kita Kian matagal na," nakangiti kong sabi sa kanya na ikinalaki ng mata niya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at hinila ako papalabas ng 7/11.

"San tayo pupunta?"

"Sa simbahan, pakasal na tayo." omygad. MOMMMM I'M GETTING MARRIED.

     ---@luxdmtrcv 🍂

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon